DIA2: Chapter 1

6.9K 163 6
                                    

Ice POV

"Ice, Ready kana?"- tanong sakin ni Devin sabay yakap nya sakin mula sa likod.

Bahagya naman akong natawa.

"Diba dapat ako ang nagtatanong nyan? Ikaw ang magbubukas ng pasukan ngayong taon diba?"- saad ko sabay harap ko sa kanya.

Tumango naman sya.

"Yeah, ako nga ang magbubukas ng klase ngayong taon sa DIA pero... hindi parin nun mababago yung katotohanan na ikaw ang may-ari ng DIA at kailangan mo paring mag-speech para makilala ka at magbigay ng kahit kaunting advice para sa mga bagong estudyante nito."- saad nya.

Ngumiwi naman ako.

"Aish! Ayoko talagang ginagawa yun eh! Pwede bang ikaw narin yung gumawa nun para sakin?"- saad ko.

Napaisip naman sya.

"Hmm? pero ano naman kayang makukuha kong kapalit."- saad nya sabay ngisi.

Napapoker face naman ako.

"Wag na nga lang, Gagawin ko na kahit ayoko."- saad ko sabay tanggal ko sa pagkakayakap nya sakin at lakad ko paalis.

Agad naman nya kong hinabol.

"Uy! Biro lang yun! Ang pikon talaga nito!"- natatawa nyang sabi sabay harap nya muli sakin sa kanya.

"Diba sabi ko sayo dati gagawin ko lahat para sayo? Kaya naman kahit anong ipagawa mo sakin... gagawin ko. Ayaw mong mag-speech? Ako ang gagawa para sayo."- saad nya sabay ngiti at halik sakin sa noo.

Napangiti naman ako at pagkatapos ay niyakap ko sya.

"Kaya mahal na mahal kita eh, Galing-galing talaga ng Mister ko!"- saad ko.

Niyakap naman nya ko pabalik.

"Ako paba?"- saad nya.

2 years na ang nakalipas simula ng mabawi namin ang DIA mula kay Tito June. Simula ng mabawi namin ang DIA agad namin itong ipinaayos ng mga magulang ko nang sa ganun ay masimulan namin kaagad ang pangarap ko para sa paaralan.

Yun ay ang gawin itong isang normal na paaralan na bukas para sa lahat ng mga nais ditong mag-aral.

Sa unang taon ng pagiging isang Normal na paaralan ng DIA, Naging maayos ang lahat. Kasama ko sa pagpapatakbo nito ang Mister ko na ngayong si Devin, 2 years na kaming kasal. Nagpakasal kami pagkatapos kong buksan ang DIA para sa lahat. Masaya kaming namumuhay sa sarili naming bahay ngayon na regalo samin ng mga magulang namin. Bukod kay Devin, Kasama ko rin sa pagpapatakbo sa DIA sina Ashlie, Bryan, Ylana, Brent, Grey at Alex na masasaya narin ngayon sa kani-kanilang mga buhay.

Tuwing ganitong simula ng klase, nananatili kaming lahat sa Dark Island upang mabantayan ng maigi ang DIA. Nagpatayo kami roon ng isang malaking bahay upang roon kami manatiling lahat.

Sa loob ng dalawang taon na pagiging normal na paaralan ng DIA, naging maayos ang lahat. Tila nawala ang dati nitong imahe at ngayong pangatlong taon nito, sana maging maayos muli ang lahat.

"Ninang! Ninong!"- rinig kong sigaw ng isang bata.

Agad naman kaming naghiwalay ni Devin at tinignan kung sino ito.

"Blake!"- tuwang-tuwa kong sabi sabay lapit at buhat ko dito.

"Aba! Anong ginagawa dito ni Bryan the second!"- saad ni Devin sabay lapit saming dalawa ni Blake.

Agad namang sumagot ang bata.

"Mommy bring me here."- sagot ni Blake.

Di ko naman napigilan ang sarili kong hindi panggigilan ang napakatalino at napakabibong batang ito kaya't pinaghahalikan ko ito ng todo.

Dark Island Academy 2Where stories live. Discover now