DIA2: Chapter 2

4.3K 133 4
                                    

Devin POV

"Grabe, Napakadami ngang mga bagong estudyante ngayong taon."- saad ni Ashlie habang nakasilip sya sa bintana dito sa loob ng bahay na tinutuluyan naming lahat dito sa Isla.

"Yung iba may hawak pa nung libro ni Ylana, Galing talaga ng Fiance ko!"- tuwang-tuwang saad ni Brent.

Napangiti naman ako at pagkatapos ay tinignan ko si Ice na nakaupo sa sofa at nakacross-arms. Tila wala sya sa sarili nya.

"May problema ba, hindi kaba masaya na dumami pa lalo ang mga estudyante ng DIA?"- saad ko kay Ice pagkalapit ko sa kanya.

Tinignan naman nya ko at pagkatapos ay bumuntong hininga sya.

"Masaya naman, Sadyang hindi lang maganda ang kutob ko sa mga mangyayari ngayong taon."- saad nya.

Tinabihan ko naman sya sa sofa.

"M- may... hindi ka magandang nararamdaman?"- saad ko.

Tumango naman sya.

"Hindi ko alam kung anong mangyayari kaya naman tila di ako mapakali, pero alam ko naman na malalagpasan natin ang kung ano man yun. Yung laban natin kay Tito June, isa yung napakatinding laban. Para sakin wala ng mas titindi pa doon kaya naman kung ano man 'tong nararamdaman ko ngayon, sigurado akong malalagpasan natin yun."- saad nya.

Ngumiti naman ako at hinawakan sya sa kamay.

"Tama ka, mag-isip lang tayo ng positibo. Sinisiguro ko sayo na kung ano man yang masama mong nararamdaman, Malalagpasan natin yan. Basta lang wag tayong maghihiwalay."- saad ko.

Sandali naman nya kong tinitigan at ilang sandali lang ay ngumiti na sya.

"Yeah, tama ka."- saad nya sabay tayo nya at unat nya.

"Magsisimula na ang pagbubukas ng klase, mabuti pang lumabas na tayo."- saad nya.

Agad naman akong tumayo at hinawakan sya sa kamay.

"Sabay-sabay nating harapin ang mga bagong estudyante ng DIA."- saad ko sabay tingin ko sa mga kaibigan namin na nakatingin samin at mga nakangiti.

"Halika na, magpakilala na tayo sa lahat."- saad ko.

Sabay-sabay naman silang tumango.

"Malamang mga kating-kati na yung mga Fans ng DIA na makita ang mga bida sa libro na inilabas ni Ylana, magugulat sila sa kagandahan at kagwapuhan natin."- saad ni Ashlie.

Napailing naman kami.

"Ewan ko sayo."- saad ni Ice kay Ashlie sabay tingin nya sakin.

"Tara na?"- saad nya.

Tumango naman ako.

"Then let's go guys."- saad ni Ice.

Pagkatapos nun ay sabay-sabay kaming lumabas sa bahay na aming ipinatayo dito sa isla. Pagkalabas namin, sabay-sabay na napatingin samin ang mga bagong estudyante na nasa school grounds kung saan mismong nakatayo ang bahay na ipinagawa namin. Pagkakita ng mga ito samin, nagsimula na ang mga bulungan ng mga ito.

"Gosh! Sila naba yung Dark Cards Reapers?"

"Ang gagwapo ng mga boys!"

"Puro mga chikababes yung mga babae pre!"

"Idol ko na talaga sila!"

"Sino kaya dyan si King Devin?"

"At sino naman kaya dyan si Ms.Darkiela? Gosh I'm super excited!"- bulong ng mga estudyanteng nadaraanan namin habang patungo kami sa lobby ng school na syang magiging entablado namin.

Dark Island Academy 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon