DIA2: Chapter 3

2.8K 109 2
                                    

Ashlie POV

"Anak, dun kana muna kila Lola mo okay? It's so dangerous here kasi eh, let's talk na lang thru video call."- saad ko sa anak ko.

Ngumuso naman ito bago tumango.

"Okay...."- malungkot nitong sabi.

Bahagya naman akong ngumiti.

Mabuti na lamang matalino at masunuring bata itong anak ko kaya walang problema.

"Ash, Sigurado kaba na ikaw lang ang magdadala kay Blake kila Mama?"- rinig kong tanong ni Bryan mula sa likod.

Agad ko naman syang hinarap.

"Oo, maiwan ka dito at tulungan mo silang bantayan maigi ang DIA. Mabilis lang naman ang biyahe makakabalik din ako agad dito."- saad ko.

Bumuntong hininga naman sya at pagkatapos ay tinignan nya si Blake.

"Blake, come here buddy."- saad ni Bryan.

Agad namang lumapit sa kanya si Blake.

"Wag kang magpapasaway kila Lola ah? Tama na yung ako lang yung naging dahilan ng sakit ng ulo nila. Pakabait ka dun ah?"- saad ni Bryan kay Blake.

Tumango-tango naman ang anak namin.

"Yes Daddy."- sagot nito.

Ngumiti naman si Bryan at pagkatapos tumingin sya ulit sakin.

"Ikaw naman pagdala mo kay Blake dun umalis kana agad sa bahay, alam mo namang tuwing nakikita ka ni Mama halos ayaw kana nyang paalisin at dinadaldalan ka nya ng sobra."- saad ni Bryan.

Natawa naman ako.

"Alam ko na gagawin ko, sisiguraduhin kong di nya ko makikita."- saad ko.

Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Bryan kaya't napakunot ako ng noo.

"Bakit?"- kunot noo kong sabi.

"Kung ano mang mangyari ngayong taon, siguraduhin nating makikita parin tayo ng anak natin na buhay pagkatapos. At isa pa...."- saad nya sabay higit nya sakin sa bewang.

"Susundan pa natin sya ngayong taon din mismo, kaya bawal mamatay. Dito tayo gagawa kasi diba, nandun sya kila Mama walang epal sa pagla-loving-loving natin."- saad nya sabay ngiti nya ng todo.

Napailing naman ako.

"Wag ka ngang ano dyan! Marinig ng anak mo yang sinasabi mo nako lang."- saad ko.

Isinubsob naman nya ang mukha nya sa leeg ko.

"Eeeee... kasi naman eh! Laging epal si Blake, sa kwarto laging tumatabi satin sa pagtulog. Kung hindi sya sa kwarto eepal sa kahit saang lugar kasi bigla-bigla na lang syang sumusulpot, ganyan ba talaga anak ng parehong professional sa pakikipaglaban at pakikipagpatayan? Ninja?"- saad nya sabay ayos nya ng tayo.

"Hindi na ko magugulat kung paglaki ni Blake mas magaling pa satin yan makipaglaban."- saad ni Bryan.

Natawa naman ako.

"How i wish na sana ganun nga, nang sa ganun ay maprotektahan nya ng sigurado ang sarili nya at maging ang mga mahahalagang tao sa paligid nya."- saad ko sabay hawak ko sa magkabilang pisngi ni Bryan.

"Dadalhin ko na si Blake sa mga magulang mo, nang sa ganun mawala muna yung epal sa pagla-loving-loving natin na sinasabi mo."- saad ko sabay halik ko sa kanya ng mabilisan sa labi.

"Blake anak, Let's go na."- saad ko sabay tingin ko sa kinaroroonan ni Blake nang......

"Nasan si Blake?"- saad ko sabay tingin ko sa paligid ngunit........

Dark Island Academy 2Место, где живут истории. Откройте их для себя