DIA2: Chapter 20

2K 86 23
                                    

Ice POV

"Siguro kung nakakatunaw lang ang titig kanina pa siguro natunaw yung kisame."- rinig kong saad ni Ylana.

Nagulat naman ako at agad na napatingin sa kanya.

"I- ikaw pala.."- saad ko sabay ayos ko ng upo ko dito sa couch sa sala ng bahay namin.

Tinabihan naman nya ko.

"Iniisip mo ba yung mga payaso?"- tanong sakin ni Ylana.

Inalis ko naman ang mga tingin ko sa kanya sabay tumango.

"Oo eh, medyo nagtataka kasi ako."- saad ko sabay sandal ko sa sandalan ng couch.

"Kung ganitong marami sila tulad ng sabi nila kahapon... sino sa kanila yung nagpapadala ng sulat. Yung ibinabalik ang mga pangyayari dati dito sa DIA? Adhikain ba nilang lahat yun o... nang iisang tao lang?"- saad ko.

Napaisip naman si Ylana.

"Oo nga 'no.."- saad nya sabay cross arms.

"Pero alam mo Ice, hindi lang ikaw ang may katanungan at may ipinagtataka ukol sa mga payaso na yan."- saad ni Ylana.

Napatingin namang muli ako sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?"- tanong ko.

Bumuntong hininga naman sya.

"May ipinagtataka rin kasi ako, yung tatlo dun sa mga payaso.. parang kilala ko yung mga boses nila. Ewan ko kung guni-guni ko lang pero parang kilala ko talaga yung mga boses nila eh! Di ko lang maalala kung kaninong boses ang mga yun."- saad ni Ylana.

Sandali naman akong natahimik.

Tatlo sa mga payaso?

"Sino sa limang payaso kahapon ang tinutukoy mo?"- tanong ko.

Agad naman syang sumagot.

"Sila Bella, Joker at Shion. Yung Bella Bueno, iba man yung tono ng pananalita nya kahapon medyo narecognize ko parin. Parang narinig ko na yung boses na yun sa kung saan, yung Joker naman sa tingin ko kilala natin yung lalaking payaso na yun kaya naman pamilyar sakin ang boses. Isa pa, may gusto sya sayo. May posibilidad na kilala o nakasalamuha na natin yun at yung Shion na syang pinuno nung mga bwiset na payaso, yung boses ng Shion na yan narinig ko narin. Pero yung kanya, naaalala ko ang boses nya. Naaalala ko kung kaninong boses yun."- saad ni Ylana sabay tingin sakin ng diretso sa mga mata.

"Sa tingin ko yung mga payaso na yan, sa tingin ko nakikipagmabutihan o nakikipagkaibigan satin yang mga yan. May posibilidad na ginagawa nila yun! Kung tama ang hinala ko ukol sa pagkakakilanlan nung Shion. Nakikipagkaibigan at nakikipagmabutihan nga sila satin."- saad ni Ylana.

Bahagya naman akong napataas ng kilay.

"Nakikipagmabutihan? Eh wala namang mga nakikipagmabutihan o nakikipagkaibigan satin ah."- saad ko.

Ngumiwi naman sya.

"Wala nga ba? Sa pagkakaalala ko merong isa, at babae sya."- saad ni Ylana.

This time, napakunot na ko ng noo.

Sino ba ang tinutukoy nya?

"Wala namang nakikipagkaibigan satin, wala namang mga estudyante ang lumalapit at nakikipag-usap o nakikipagmabutihan satin. Maliban na lang kay Joana na palagi nating nakakasalamuha at pinuntahan pa ko sa Clinic nung inatake kami ni Ate Rei ni Be--"- saad ko na hindi ko natuloy ng may marealize ako.

Natawa naman si Ylana.

"Narealize mo ba? Yang babaeng estudyante na yan. Pinaghihinalaan ko siya ng sobra simula kahapon na lumabas yung limang malalakas na payaso, 'etong sasabihin ko sayo ngayon Ice. Narealize ko 'to kahapon."- saad ni Ylana.

Dark Island Academy 2Where stories live. Discover now