DIA2: Chapter 22

1.8K 65 2
                                    

Ice POV

"Saan ka pupunta."- saad ko kay Devin ng makita ko siyang lalabas ng bahay.

Umayos naman siya ng tayo at hinarap ako.

"Magtatrabaho."- walang emosyon nyang sagot.

Ngumiwi naman ako at pagkatapos ay nilapitan ko sya at hinila papunta at paupo sa sofa.

"Hindi, dito ka lang. Hindi ka lalabas, hindi ka muna magtatrabaho. Dito ka lang, sasamahan ka dito nila Mommy and Daddy kaya hintayin mo sila."- saad ko.

Agad naman syang umangal na parang bata.

"Ice naman! Wag mo kong ikulong! Hindi naman ako natatakot sa Joker na yun eh!"- angal nya.

Inirapan ko naman sya.

"Mukha ba kong may pake sa kawalan mo ng takot sakanya? Tch. Kahit anong sabihin mo di masusunod yang gusto mo, dito ka lang. Tandaan mong ikaw ang kalaban ni Joker at ikaw lang ang pwedeng makalaban at makatalo sakanya nang sa ganun ay di nya ko makuha. Magpalakas ka muna at pagkatapos, dun ka ulit rumonda sa DIA."- saad ko sabay buntong hininga ko.

"Alam kong delikado din ako, delikado ako kay Bella. Pero wag kang mag-alala, kung magkaharap man ulit kami ni Bella sinisiguro kong di nya ko mapapatay."- saad ko sabay talikod ko at lakad ko palabas ng bahay.

"Aalis na ko, hinihintay na ko nila Ashlie sa lobby. Gagawin namin yung sinabi ko kahapon, ha-hauntingin namin si Joker. At ikaw, diyan ka lang. Wag matigas ang ulo."- saad ko sabay tingin ko sakanya.

"Kung hindi malalagot ka sakin, seryoso ako."- saad ko.

Hindi naman sya nagsalita kaya naman lumabas na ko ng bahay at nagtungo sa DIA. Pagdating sa Lobby, sinalubong ako nila Ylana at Ashlie nang nakakabahalang balita.

"Ice, hindi sya pumasok sa klase nya. At simula kanina, hindi ko pa sya nakikita sa buong DIA. Nung tinanong naman namin yung dalawa, ang sabi nila iniwan daw nila ito sa dorm nila kasi kinakatok daw nila ito kanina sa kwarto pero di magising. Nakalock naman daw ang pinto ng kwarto nito kaya hindi nila mapasok, posible ba talagang.. maging sya si Joker? Hindi ko maintindihan. Kung sya, kailan at paano sya nagkagusto sayo? sa pagkakaalam ko may iba syang nililigawan dati bago tayo umalis. Posible ba talagang............

............ si Josh si Joker?"- mahinang saad sakin ni Ashlie.

Hindi naman ako nagsalita.

"Malakas at magaling makipaglaban si Josh, pwede mo syang ihanay sa Hari kaya naman sa lahat ng tao na kilala ko at maaaring tumapat sa Hari... si Josh ang alam kong maaari. Isa pa, may nunal sya sa kaliwang bahagi ng baba nya. Bukod pa doon kung hindi sya si Joker, bakit nung humingi tayo ng tulong sa kanilang tatlo tumanggi sya? Yung dalawa lang ang tumanggap nang alok natin. At lalong-lalo na, bakit grabe siya makayakap kay Ice nung nakita nya itong muli dito sa DIA? hindi pa yun, nabadtrip siya bigla nung akala nya na sinasaktan ni Devin si Ice at mas lalo pa syang nabadtrip ng sa tingin ko eh nagselos sya."- saad ni Ylana.

Nagsalita naman na ko.

"Sa totoo lang hindi ko rin matanggap na si Josh ang pinaghihinalaan nating si Joker, pero tama si Ylana sa sinabi nya. Sa lahat ng mga nakitaan ni Prof.China ng potensyal, si Josh lang ang nakikita at nararamdaman ko na maaaring si Joker."- saad ko sabay kuha ko sa cellphone ko at contact ko kay Prof.China.

"Hello Prof, may ipagagawa ako sayo. Pagkatapos ng klase mo, pumunta ka sa dorm nila Josh. Tignan mo kung may mga sugat sya sa mukha nya, kapag meron gumawa ka ng kwento. Kunwari makikipagkwentuhan ka lang sakanya kaya dinalaw mo sya."- saad ko kay Prof.China mula sa phone.

Dark Island Academy 2Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz