DIA2: Chapter 31

1.4K 64 22
                                    

Ice POV

"Ice."- tawag sakin ni Devin.

Agad ko naman syang nilingon.

"May problema ba?"- nag-aalala nyang tanong sakin.

Umiwas naman ako ng tingin sa kanya sabay buntong hininga.

"Pakiramdam ko may gagawin akong masama o sobra mamaya sa laban."- saad ko.

Napakunot naman sya ng kanyang noo.

"A- Ano naman?"- tanong nya.

Umiling-iling naman ako.

"Hindi ko alam."- saad ko sabay tayo ko mula sa pagkakaupo ko.

"Sila Mom at Dad, nakaalis naba sila?"- tanong ko.

Tumango naman si Devin.

"Oo, nakita ko kanina na papaalis na yung eroplano."- saad ni Devin.

Muli naman akong bumuntong hininga.

"Ganun ba."- saad ko sabay ayos ko ng tayo ko.

"Lalabas na ko, may gagawin lang ako bago natin simulan ang lahat. Wala munang kikilos, hintayin nyo ang go signal ko."- saad ko.

"Masusunod."- sagot nya.

Pagkatapos nun, agad na kong lumakad palabas ng kwarto naming dalawa. Pagkalabas ko, nakita ko si Ashlie at si Alex na nakatayo sa gilid.

Tinignan ko naman sila ng seryoso.

"Tayo na."- saad ko sa kanilang dalawa sabay lakad ko paalis.

Tumango naman sila at pagkatapos ay kaagad nila akong sinundan.

I'm feeling uneasy, but we need to do this now.. hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko ukol sa akin pero hindi ko na pwedeng iurong ang plano na 'to. Kailangang ngayon na namin ito gawin, kung ano man ang ibig sabihin ng nararamdaman ko ngayon haharapin ko nalang yun ng buong tapang at buong puso.

"Ice."- tawag sakin ni Ashlie.

Tinignan ko naman sya agad.

"Si Joana."- mahinang saad sakin ni Ashlie sabay turo nya kay Joana na nakaupo sa isang bench sa hallway.

Hindi naman ako nagsalita at naglakad na lamang papalapit kay Joana.

Pagkalapit ko, agad ko syang kinausap.

"Hey."- saad ko sabay tabi ko kay Joana sa bench.

Agad naman nya kong tinignan sabay ngumiti.

"Ms.Ice!"- masaya nyang sabi.

Nginitian ko naman sya.

Mukhang wala nga syang alam na alam na namin na sya si Shion.

"How's school?"- tanong ko sa kanya.

Ngumuso naman sya.

"Hmp.. sobrang daming gawain! Halos lahat ng subjects may gawain, nakakastress!"- saad nya sabay pout.

Tumawa naman ako.

"Well, that's given."- saad ko at pagkatapos inalis ko ang mga tingin ko sa kanya at sumeryoso.

"I have a question to you."- seryoso kong saad.

"Hmm.. Ano po? Nag-away na naman po ba kayo ni Sir.Devin?"- tanong nya.

Umiling-iling naman ako.

"No, hindi kami nag-away."- saad ko.

"Then, ano pong tanong nyo?"- saad nya.

Dark Island Academy 2Where stories live. Discover now