DIA2: Chapter 12

2.4K 91 3
                                    

Devin POV

"Anong sa tingin nyo, natakot sya sa babala mo Ice kaya nanahimik sya bigla?"- tanong ni Ashlie kay Ice.

Umiling-iling naman si Ice.

"Hindi, may iba akong hinuha. Hindi 'bat pagkatapos magbabala ng Headmaster dati ay nanahimik bigla ang Headmaster? Sa tingin ko ay ginaya nya ang pananahimik ng Headmaster na yun at pagkatapos.... baka ibalik nga nya yung laro dati, yung tungkol sa pin."- sagot ni Ice.

Nagsalita naman si Bryan.

"Grabe, wala ng kasiguraduhan ang mga nangyayari ngayon."- saad ni Bryan.

Tinignan ko naman sya.

"Kaya dapat mag-ingat tayo, lalo na at tila tinanggap natin ang laro ni Killer Clown. Hindi natin alam at wala tayong kasiguraduhan sa susunod nyang ibabalik na pangyayari ngayon dito sa DIA."- saad ko sabay tingin ko sa kanilang lahat.

"Buwan na ang lumipas, Valentines Day na ngayon. Hangga't hindi pa natatapos ang araw na 'to wag tayong papakampante. Lalo na bukas.."- saad ko pa.

Tumayo naman si Ice mula sa kinauupuan nya at saka nagsalita.

"Tama si Devin, pero sa ngayon... tulad ng sinabi ni Devin. Valentines Day ngayon, Busy ang mga estudyante sa labas dahil sa mga booths at school activities. Ihinto muna natin ang pagpupulong na 'to at lumabas na tayo, magmasid tayo sa labas at baka may gawing kalokohan si Killer Clown na hindi natin alam kung ano. Alam nyo na kung saan kayo pupwesto hindi ba?"- saad ni Ice.

Nagsitayuan at nagsitanguan naman ang lahat.

"Kung ganun sige na, magkita na lang tayo mamaya."- saad ni Ice.

Hindi naman na nagsalita ang lahat at umalis na lamang upang sundin ang sinabi ni Ice, pagkaalis ng iba. Dalawa na lamang kaming naiwan dito.

Sinamantala ko naman ito para sabihin sa kanya ang kanina ko pa nais sabihin habang nagpupulong kami.

"Ice."- tawag ko sa kanya.

Agad naman syang humarap sakin.

"Oh bakit?"- tanong nya.

Nilapitan ko naman sya at nginitian.

"Mamayang 5o'clock, pumunta ka sa tapat ng gate. May ibibigay ako sayo."- saad ko.

Ngumiti naman sya at hinampas ako ng mahina.

"May paregalo para ngayong Valentines Day si Mayor!"- natatawa nyang sabi sabay tango nya.

"Okay, ako rin may ibibigay ako sayo."- saad nya sabay ngiti pa lalo.

Natawa naman ako at pinisil sya sa pisngi.

"Kita na lang tayo mamaya, don't be late ah."- saad ko.

Inirapan naman nya ko.

"Hindi ba dapat ako ang nagsasasabi nyan? Ikaw kaya palaging late satin."- saad nya.

Napakamot naman ako sa ulo ko.

"Oo nga pala 'no. Oh sarili ko, don't be late ah!"- biro ko.

Hinampas naman nya ko ulit.

"Umalis kana nga, bantayan mo na yung mga nagbabasketball dun sa Gym. Pupunta na ko sa terrace ng school para magmasid sa school grounds."- saad nya.

Hinalikan ko naman sya sa pisngi ng mabilisan.

"Okay."- sagot ko sabay lakad ko paalis.

"Don't be late ah."- natatawa nyang sabi.

Tumangotango naman ako.

Dark Island Academy 2Where stories live. Discover now