DIA2: Chapter 30

1.5K 60 6
                                    

Ice POV

Tch.

"Sigurado ba kayo na nasa loob parin ng dorm nya si Jena o Bella Bueno?"- tanong ni Devin habang nakangiti ng bahagya.

Nagsitanguan naman ang lahat nang mga nandito na halata ang sobrang pagtataka.

Nandito kami ngayon sa oposina naming DCR, pinag-uusapan namin ang gagawin naming pagdakip sa mga natitira pang payaso na sina Joana, Jena at Josh. Pero tila naiilang ako sa pagpupulong na 'to dahil kay Devin. Halatang nagtataka, naguguluhan at hindi makapaniwala ang lahat ng mga nandito sa inaarte nya.

"N- nagtalaga kami ng mga karapatdapat at sapat na mga bantay sa harap at likod ng dorm ni Jena upang masigurong hindi sya makakalabas doon, nagtalaga din kami ng mga sniper sa itaas ng building na nasa harapan ng dorm nya nang sa ganun, kung sakali mang lumabas si Jena at manlaban sa mga nagbabantay sa kanya mula sa likod at harap ng dorm nya ay hindi parin sya makakatakas. Binigyan ko ang mga sniper ng karapatan na barilin si Jena oras na mangyari yun."- saad ni Brent.

Tinignan naman sya ni Devin.

"May pahintulot ba ni Ice o nila Mr. & Mrs. Killiano ang hakbang na yan?"- tanong ni Devin kay Brent habang nakangiti parin ng bahagya.

Tumango naman ang tila naiilang na si Brent.

"O- Opo, binigyan po ako ng pahintulot ni Ms.Ice."- saad ni Brent sabay yuko.

Lalo naman akong nailang sa nangyayari.

"Ganun ba? good."- saad ni Devin kay Brent habang nakangiti.

"Grey."- saad ni Devin sabay tingin nya kay Grey.

Agad naman na nagsalita si Grey at nagbigay kay Devin ng report.

"Bente kwatro oras po namin na binabantayan ang mga kilos ni Joana, wala naman po kaming nakikitang ano mang kilos mula sa kanya laban sa atin. Sa palagay po namin wala pa siyang ideya na alam na nating isa sya sa mga payaso at sya ang pinuno ng mga ito."- saad ni Grey.

Tumango-tango naman si Devin.

"Ice, ano sa palagay mo ang dapat gawin kay Joana?"- tanong sakin ni Devin sabay tingin nya sakin.

"Sue her."- sagot ko agad.

Nagtaas naman sya ng kilay.

"Honestly i don't have any interest for her, kung ako ang tatanungin ukol sa kung anong dapat na gawin sa kanya ito lang ang sasabihin ko. Yun ay kundi parusahan sya sa idinudulot nyang problema dito sa DIA but i don't want to be the one who will punish her. Bella Bueno is my target because of what she did to me and to Ate Rei kaya naman ibinibigay ko sa inyo si Joana. Kayo nang bahalang magdesisyon sa kung anong dapat na gawin sa kanya."- nakapoker face kong sabi.

Ngumiti naman si Devin na lalo kong ikinapoker face.

What the heck.

"Okay."- saad ni Devin sabay tingin nya kay Ashley na tila tumaas ang mga balahibo sa gulat.

"I'll hand Joana to you so tell us, anong balak mong gawin sa kanya?"- tanong ni Devin kay Ashley habang nakangiti ng bahagya.

Halata naman ang pangingilabot ni Ashley.

To be honest nahihiya at naiilang ako sa ginagawa ni Devin. I know na ako ang dahilan kung bakit ganito sya ngayon ang kaso lang, SUMOBRA NAMAN SYA! Lahat dito kinikilabutan dahil sa itsura o ekspresyon nya. Lahat kami dito nginingitian nya, ang hinahon din nyang magsalita at nakakakilabot din ang ginagawa nyang pagpapahayag samin ng nasa isip nya. Ayoko naman syang sawayin dahil baka mamaya mauwi lang kami sa hindi pagkakaintindihan ulit.

Dark Island Academy 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon