DIA2: Chapter 25

1.7K 70 5
                                    

Ice POV

"So tama nga yung tip sakin nila Tita Rica at Tito Rey."- saad ni Devin ng ikwento ko sa kanya yung tungkol kay Yura at sa plano.

Tumango-tango naman ako.

Nandito kami ngayon sa sala ng bahay namin, oras ng pahinga namin ngayon at napagdesisyunan kong sabihin o ikwento sa kanya yung tungkol kay Yura at sa plano ko upang hulihin at parusahan ito. Yun lamang ang sinabi ko sa kanya dahil yung tungkol kay Josh, wala pa kong balak na sabihin sa kanya yun. Siguro hahanap pa muna ako ng magandang tiyempo....

"*smirk* Idiot. Sya rin mismo ang gumawa ng dahilan para mapunta sya sa libingan."- nakangising saad ni Devin sabay tingin sakin.

"Pero may iniisip ako, yung plano mo. Ayos lang ba yun? H- Hindi ba mag-aaway yung dalawang mag-asawa dahil dyan sa plano mo?"- tanong sakin ni Devin.

Nagpoker face naman ako sabay nag-cross arms.

"Nope. Hindi sila mag-aaway, excited pa nga yung dalawa na gawin yung naisip kong plano. Suportado ni Ashlie yung plano kaya naman 100% sure akong hindi yun magseselos at gagawa ng kilos na magiging dahilan ng pag-aaway nila."- saad ko sabay dikwatro.

"Bakit, gusto mo ba na tayong dalawa yung gumawa nung plano ko? kapag tayong dalawa yung gumawa ng plano 100% sure na mag-aaway tayo. Hindi sa napakaselosa ko pero parang ganun narin yun dahil alam naman nating lahat na maiksi lang ang pasensya ko, kahit na sarili kong plano yung naisip ko at kahit na alam kong yun ang paraan upang mahuli at maparusahan yung pangalawang payaso na yun malamang sa malamang magagalit at magagalit parin ako oras na makita kitang nilalandi yun."- saad ko sabay tingin ko sa kanya at taas ko sa kilay ko.

"So ano, gusto mo ba na tayong dalawa na lang yung gumawa ng plano? Basta siguraduhin mo lang na mahahandle mo yung galit ko."- saad ko.

Bigla naman syang tumawa. Pero yung tawa nya, halatang peke.

"Wala naman akong sinasabi na tayong dalawa na lang yung gumawa, hindi ba pwedeng concern lang ako dun sa dalawa lalo pa at may anak na sila. Chill ka lang okay?"- saad ni Devin sabay akbay sakin.

"Masyado kang mainit eh."- saad nya sabay halik sakin sa noo.

Inirapan ko naman sya.

"Isipin at piliin mo kasi yung mga salita mo, masyado akong sensitive ngayon."- saad ko sabay buntong hininga ko.

"Anyways, tumawag sakin si Ate Rei kaninang umaga. May sinabi sya sakin na nakapagdesisyon sakin na bilisan na ang pagtapos sa problema ng DIA ngayon."- saad ko.

"Really, Ano bang sinabi nya?"- tanong sakin ni Devin.

Muli naman akong bumuntong hininga.

"Sabi ni Ate Rei, kapag hindi pa daw tayo nagmadali na hulihin yung mga bwiset na payaso. Baka daw may nakakatakot na mangyari dito sa DIA, oras na mangyari daw yun may posibilidad daw na umalis ang mga estudyante dito at pagkatapos itong DIA ay maaaring bumalik ito sa pagiging eskwelahan para sa mga nais gustong maging mamamatay tao. Pero dahil sa panahon ngayon, maaaring hindi na mangyari yun sapagkat paniguradong marami nang tututol at magpoprotesta. Isa pa, panigurado din na hindi na ulit ito palalagpasin pa ng simbahan. Paniguradong mangengealam ulit sila at sa pagkakataong ito hindi na nila hahayaan na magpatuloy parin sa pagtakbo ang DIA. Oras na mangyari yun, isa lang ang mangyayari at kahihinatnan nitong DIA.... yun ay ang magsara na at hindi na muling magbukas pa."- saad ko.

Hindi naman nakapagsalita si Devin.

"Hindi pwedeng mangyari yun, pinaghirapan ng mga magulang ko na ipatayo itong paaralan. Sabihin na natin na hindi talaga maganda ang imahe nitong DIA kahit na sa simula pa lamang pero ngayong hawak ko na 'to at unti-unti ko nang nalilinis ang imahe nito.. hindi 'to pwedeng mawala. Maraming nagpakahirap para dito sa DIA, hindi lang sila Mommy at Daddy... kundi maging tayo rin."- saad ko sabay tingin ko kay Devin.

Dark Island Academy 2Where stories live. Discover now