DIA2: Chapter 8

2.5K 99 6
                                    

Ylana POV

"Brent, nakita mo yung notebook ko?"- tanong ko kay Brent habang hinahalungkat ko yung drawer ko.

"Notebook mo? Anong notebook?"- tanong nya.

Umayos naman ako ng tayo at pagkatapos ay tinignan ko sya.

"Yung notebook ko, Alam mo yun. Yung sa Library dati?"- saad ko.

Napaisip naman sya.

"Ahh! Yung puro drawings mo ng mga idol mo?"- saad nya.

Tumango naman ako.

"Nawawala eh, di ko makita."- saad ko.

Inalis naman nya sakin ang mga tingin nya at ibinalik yun sa binabasa nyang libro.

"Hindi, hindi ko nakita. Diba ikaw ang nagtatabi nun? Malay ko dun. Gamit mo yun kaya dapat pinapahalagahan mo hindi yung ang burara mo, tignan mo nga yung mga gamit mo sa pagiging Writer mo. Puro nakakalat, kababae mong tao napakaburara mo."- saad nya.

Sumama naman ang mukha ko.

"Bwiset ka! Edi ikaw ng masinop!"- banas kong sabi sabay sara ko sa drawer ko at padabog na lumabas sa kwarto namin.

Narinig ko naman syang tinawag ang pangalan ko pero di ko sya pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad paalis.

Pesteng lalake yun! Tama bang yun ang sabihin nya sakin? Hugutin at Buhulin ko intestine nya eh!

"Oh? 'Bat ganyan pagmumukha mo?"- tanong sakin ni Ashlie ng magkasalubong kami sa pinto.

Papasok sya ako naman palabas.

"Nakakabwiset yung magaling kong fiance eh, Siya nang masinop ako ng hindi! Imbis na tulungan ako sa paghahanap nung nawawala kong notebook pinangaralan pa ko. Peste sya!"- banas kong sabi.

Bahagya naman syang natawa.

"Anong nakakatawa!?"- pagtataas ko ng boses kay Ashlie.

Ngumiwi naman sya.

"Well, if i were Brent yun din ang gagawin ko. Ugali mo talagang maging burara, wala ng bago dun."- saad ni Ashlie sabay hawak nya sakin sa balikat.

"Wag mong sabihing peste si Brent, matinong tao yan. Di tulad nung kakambal nya na syang tunay na peste! Swerte mo nga at yan ang napunta sayo eh. Palit kaya tayo, sayo na lang si Bry tas sakin si Brent."- saad ni Ashlie na may pataas-taas pa ng kilay.

Isang malakas na batok naman ang natanggap nya mula sakin.

"Gago!"- mura ko sa kanya sabay tabig ko sa kamay nya na nasa balikat ko.

"Hindi ka nakakatulong! Makaalis na nga."- banas kong sabi sabay alis ko at tungo sa DIA.

Tatambay na lang muna ko sa Library, kailangan ko yung atmosphere dun! Oras na lumamig ang ulo ko dun na lang ako lalabas. At yung magaling kong Fiance na yun... Babanatan ko sya!

Habang nasa Hallway, nakasalubong ko si Alex na nagmamasid sa buong paligid. Break Time ng mga estudyante ngayon kaya't maraming nasa labas.

"Oh Ylana, 'San ka pupunta?"- tanong sakin ni Alex sabay hinto nya sa paglalakad.

Huminto rin naman ako at pagkatapos ay sinagot sya.

"Sa lugar kung saan lalamig ang ulo ko, sa Library."- sagot ko.

Bahagya naman syang napakunot ng kilay.

"Why? Nag-away ba kayo ni Brent?"- tanong nya.

Ngumiwi naman ako at bahagyang tumango.

Dark Island Academy 2Where stories live. Discover now