DIA2: Chapter 18

2.1K 73 7
                                    

Devin POV

"Yan na muna ngayon, bukas na natin ituloy ang pagsasanay."- saad ko.

Napaupo naman sa sahig si Ice dahil sa pagod.

"Come to think of it, naiintindihan ko na kung bakit ang lakas mo. AAARRGGHHH!"- sigaw ni Ice sabay habol nya sa hininga nya.

Natawa naman ako at pagkatapos ay nilapitan ko sya at binigyan ng tubig.

"Kulang pa yan, marami pa kong ipapagawa sayo na ginawa ko dati."- saad ko.

Natawa naman sya at pagkatapos ay kinuha nya yung tubig at bumuntong hininga.

"Oo nga pala, naisip ko lang. Never pa tayong naglaban ng pisikal kahit nung di pa tayo okay, yung hindi pa tayo close."- saad nya sabay tingin sakin.

"Buti na lang ganun, dahil kung hindi malamang bali-bali na yung buto ko. Pumapatol kapa naman sa babae."- saad pa nya sabay inom nya ng tubig at higa nya sa sahig.

"Pero naisip ko rin, paanong hindi ka nakalaban dati nung hinuli ka ni Tito June para ikulong sa darkness room? Nanghina mga muscles mo? natulog yung lakas mo?"- saad nya.

Natawa naman ako ulit at pagkatapos ay inalala ko yung dati.

"Nope, sa totoo lang kaya kong lumaban nun. Kahit na hawak ako ng dalawa niyang tauhan nun at kahit na may mga armas sila, kaya ko paring lumaban at makatakas. Pero hindi ko ginawa, ipinakita ko sa kanila na kunwari hindi ko sila kaya... nagpumiglas ako tapos ayun nga kunwari hindi ko nga sila kaya. Pero ang hindi nila alam, sinadya kong magpatangay talaga kahit na alam kong maaari akong mamatay. Nung mga oras na yun kasi, may naalala ako. Yun yung rason kung bakit namin kayo ipinanalo at pinaalis dito sa DIA.."- saad ko.

Umupo naman ulit si Ice at nagsalita.

"Yung rason? Diba ang rason dun ay para mailigtas nyo ko mula kay Mr.Bueno dahil natatakot kayo na baka mamukhaan nya ko?"- saad ni Ice.

Tumango naman ako.

"Oo, pero hindi yun yung rason na sinasabi kong naisip ko nung mga oras na dinakip ako ng Headmaster. Sa totoo lang kasi, may isa pang rason. Yun yung sinabi sakin ni Vince nung naglaban kaming dalawa."- saad ko.

"Sinabi sakin ni Vince nun na, ipakita ko sayo na desidido akong talunin sya at desidido akong magpaiwan dito sa DIA. Sabi nya, magiging inspirasyon mo ko para makapag-isip ka kaagad. Kapag naiwan ako dito, hindi ka magkakanda-ugaga sa pag-iisip ng paraan dahil nga nandito ako at mag-aalala ka ng mag-aalala. Yun yung naisip ko nung mga panahong dinakip ako ng Headmaster kaya naman pinili kong hindi manlaban, naisip ko kasi na kapag nalaman mo na nadakip ako ng Headmaster.. matataranta ka at baka makaisip kana ng paraan. Nakita ko si Vince nun na napadaan sa pinto papunta sa likod ng school kaya naman, nagsisisigaw ako para marinig nya ko at para makita nya ang nangyayari. Hindi naman ako nadismaya, nakita nya ang nangyayari nung mga oras na yun at nailigtas nya ang mga kaibigan ko mula sa Headmaster. Isa pa, nakarating sayo ang balita. Nabasa ko sa libro ni Ylana na nung nalaman mo na hawak ako ng Headmaster, nanghina ka daw at di mo malaman ang gagawin. Pagkatapos, ilang sandali lang nakaisip kana ng paraan."- saad ko sabay ngisi.

"Grabe, kinilig ako nung nabasa ko yun."- saad ko sabay tawa ko ng bahagya.

Inirapan naman nya ko kaya umayos ako.

"Anyways, yun yung dahilan kung bakit hindi ako nanlaban kahit kaya ko naman. Hindi ko pinagsisisihan yun dahil nangyari ang inaasahan ko. Nakaisip ka ng paraan at pagkatapos nakabalik kana sa DIA."- saad ko pa sabay tingin ko sa kanya.

Napailing naman sya.

"Oo na lang."- saad nya sabay hila nya sakin paupo sa sahig.

"Sana lumabas na yung iba pa, sa tingin ko kasi mas mapapadali 'tong problema natin kapag lumabas na lahat ng mga kalaban natin."- saad nya sabay buntong hininga.

Dark Island Academy 2Where stories live. Discover now