DIA2: Chapter 15

1.8K 74 1
                                    

Devin POV

"Devinnnn!"- rinig kong sigaw ni Ice mula sa banyo.

Nataranta naman ako at agad na napatayo mula sa higaan.

"Ice! Bakit? Anong nangyayari!?"- taranta kong sabi sabay takbo ko papasok sa banyo.

Pagkapasok ko sa loob, agad siyang napatingin sakin.

"Bakit? Anong problema? Positive? Buntis ka?"- saad ko.

Nagpoker face naman sya.

"Hindi."- saad nya sabay lakad nya palapit sakin.

"Negative."- saad nya sabay ngisi.

"Haayy! Akala ko Juntis na ko, buti na lang hindi. Over thinking lang yata ako kaya palaging masama yung pakiramdam ko."- saad ni Ice sabay bigay sakin ng hawak nyang PT at kindat sakin.

Sumimangot naman ako.

Akala ko pa naman nakalusot na ko.

"Oh? Bakit nakasimangot ka dyan?"- saad sakin ni Ice.

Agad naman akong umayos.

"Wala, wala 'to."- saad ko sabay ngiti.

Tinaasan naman nya ko ng kilay.

"Wala? Pero bakit sa tingin ko disappointed ka kasi di ako buntis."- saad nya.

Agad naman akong dumipensa.

"Huh? Hindi ah! Hindi ako disapointed. Naiintindihan ko kung bakit ayaw mo pang magbuntis kaya naman bakit naman ako madi-disappoint?"- saad ko sabay lapag ko nung PT sa lababo at hugas ko ng kamay.

Narinig ko naman syang bumuntong hininga.

"Sige, sinabi mo eh. Di ko na ipagpipilitan yung akin kasi baka mag-away pa tayo."- saad nya sabay alis.

Napapikit naman ako.

Inaamin kong nadisappoint talaga ako, kahit sinabi ko dati na naiintindihan ko yung rason nya kung bakit ayaw pa nyang magbuntis. Hindi ko parin talaga maiwasan na hindi malungkot. Ang tagal na naming kasal, gusto ko ng magkaanak....

"Mamaya pumunta ka sa paliparan, ngayon darating yung mga computers na binili natin para sa comshop."- rinig kong saad ni Ice.

Dumilat naman ako sabay umayos ng tayo.

"Maglilibot na ko sa DIA."- rinig ko pang saad nya at pagkatapos ay nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto.

Napabuntong hininga naman ako.

"Habang tumatagal mas lalo syang nagiging Bossy..."- saad ko at pagkatapos ay napailing na lamang ako.

"Mahal mo eh, ginusto mo! Ngayon magtiis ka."- saad ko sabay labas ko sa banyo at lakad ko pabalik sa higaan.

"Di ko na alam ang gagawin ko sayo Ice..."- saad ko pa.

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Bryan.

"King!"- sigaw nito pagkapasok dito sa loob ng kwarto namin ni Ice.

Walang gana ko naman syang tinignan. Nakapangbasketball ito na damit.

"Problema mo."- walang gana kong sabi.

"Naghahaya ng Basketball sila Luis kasama ang iba sa Skulls dun sa gym kasama ang Wolves, Phantomrick at Souls. Pampatanggal stress daw."- saad ni Bryan.

Ngumiwi naman ako.

"Stress? Wala naman siyang masyadong ginagawa para ma-stress sya."- saad ko.

Dark Island Academy 2Where stories live. Discover now