DIA2: Epilogue

2.9K 77 10
                                    

Ice POV

"Ninanggggg!"- masayang sigaw ni Blake sabay takbo nya palapit sakin pagkapasok na pagkapasok naming dalawa ni Devin sa bahay nila Ashlie.

Napangiti naman ako.

"Oh namiss mo ba si Ninang?"- tanong ko sakanya.

Tumango-tango naman si Blake.

"Opo!"- saad ni Blake sabay tingin nya kay Devin na nasa likuran ko.

Pagkakita nya kay Devin at sa mga benda nito, bigla na lamang syang sumimangot.

"Ninang, i don't understand. First si Mommy, bakit ang daming sugat ni Mommy? tapos ngayon naman si Ninong Devin, Why?"- kunot noong saad ni Blake.

Bahagya naman akong natawa.

"Ahh, may nangyari kasing hindi maganda sa DIA kaya ayan nasugatan sila."- saad ko kay Blake.

Lalo namang kumunot ang noo nya.

"Why? bakit po may nangyaring hindi maganda?"- tanong ni Blake.

"E- Eh K- kasi may mga bad people na nanggulo sa DIA, pinigilan namin yung mga bad people na yun tapos ayun nasugatan sila."- paliwanag ko.

Pini-pressure ako ng batang 'to.

"Why? Bakit po may mga bad people na nanggulo sa DIA?"- tanong ni Blake.

"A- ano.... bawal kong sabihin sayo eh."- saad ko.

"Why?"- saad ni Blake.

"Kasi bata kapa."- saad ko.

"Why?"- saad ulit ni Blake.

Napakamot naman ako sa ulo ko.

Minsan napapaisip talaga ako kung anak ba talaga nila Ashlie at Bryan 'tong batang 'to eh. Bukod sa nakakapagsalita na agad ng tuwid, napakatalino at napakabibo niyang bata. May pa-english-english pa siya tapos kung mag-isip at kumilos minsan akala mo kung sinong matanda na.

"Blake, bawal kong sabihin sayo ang dahilan dahil bata kapa. Problema yun ng mga tulad naming malalaki so hindi dapat yun sabihin sa isang bata, kapag malaki kana katulad namin maiintindihan mo rin yung sinasabi ko sayo okay? so stop asking Ninang na okay?"- mahinahon kong saad kay Blake.

Bahagya naman syang yumuko.

"Okay..."- saad nya.

Ngumiti naman ako

"So, where's your Mom and Dad?"- tanong ko kay Blake.

Tinuro naman nya ang sala nila.

"Watching TV."- sagot ni Blake.

Napapoker face naman ako.

"Watching TV? how about you what are you doing before we came?"- tanong ko kay Blake.

Agad naman syang sumagot.

"I'm trying to call Ninang Ylana because Mom ask me to do that."- sagot ni Blake.

Lalo naman akong napapoker face.

"Really?"- saad ko sabay lakad ko patungo sa sala nila Ashlie.

Pagdating ko dun, nakita ko yung dalawa na sweet na sweet na nanonood ng TV habang nakaupo sa sofa. Tahimik ko naman silang nilapitan mula sa likuran.

"Wow, ang sweet nyo ah. Ang dami ng langgam oh."- saad ko.

Nagulat naman silang dalawa at agad na napalingon sakin.

Dark Island Academy 2Where stories live. Discover now