DIA2: Chapter 33

1.8K 63 13
                                    

Continuation

"Nasaan si Josh?"- tanong ni Devin kay Vince habang naglalakad sila patungo sa school building.

"Sinabihan ako kanina ni Grey na nasa Rooftop daw si Josh, sinabi sakin kanina ni Grey yun 5 minutes ago. Siguro nandun parin si Josh hanggang ngayon."- sagot ni Vince kay Devin.

"Shall we go there?"- saad ni Vince.

Tumango naman si Devin.

"Ah! matanong ko nga pala. Kapag nakaharap mo na si Josh, sa paanong paraan mo sya papatayin? Kilala ka dito sa DIA sa brutal mong pagpatay. Sa ganoong paraan mo ba sya papatayin?"- tanong ni Vince kay Devin.

Tinignan naman ni Devin si Vince.

"Mas maganda sana kung mapatay ko sya sa madali at mabilis na paraan, kung maaari ayokong gamitin sa kanya ang nakasanayan kong paraan kaya naman susubukan kong hindi maging brutal mamaya sa laban. Gagawin ko yun para kay Ice at para rin kay Prof.China na para naring Ina ni Ice."- saad ni Devin sabay alis nya ng mga tingin nya kay Vince.

"Alam kong hindi magiging madali sakin yun sapagkat nakasanayan ko ang pagpatay sa brutal na pamamaraan at pumatay ng walang ibang iniisip o inaalala, kaya naman aasahan kita mamaya sa laban. Aasahan kong papaalalahanan mo ko sa tuwing madedemonyo ako at sa tuwing hindi na makatarungan ang ginagawa kong pagpatay kay Josh. Maasahan ba kita?"- saad ni Devin sabay tingin nya ulit kay Vince.

Bahagya namang natawa si Vince.

"Oo naman! ako pa ba? it's such an honor na asahan ka ng Hari ng DIA. Isa pa, oras na mapatay mo sa brutal na pamamaraan si Josh may posibilidad na magalit sayo si Ice bukod pa dun baka mawala sya sa katinuan nya sa sobrang kalituhan niya sa pag-iisip kung paano haharapin si Prof.China at ang mga magulang ni Josh. Hindi magiging madali kay Ice ang lahat, kaibigan nya si Josh at malamang na nakilala na ni Ice ang mga magulang nito. Oras na mamatay si Josh dito sa DIA na pagmamay-ari ni Ice sa brutal na pamamaraan paniguradong walang mukhang maihaharap si Ice sa mga magulang ni Josh, alam mo King mahirap magkaroon ng taong sobra ang pagkamuhi sayo. Kaya naman tama ka sa desisyon mo, kung kailangan talagang mamatay ni Josh. Patayin mo na lamang sya sa normal at hindi brutal na pamamaraan, don't worry! gagawin ko lahat upang paalalahanan ka tuwing nadedemonyo ka. Willing akong maging anghel para sayo."- saad ni Vince kay Devin habang nakangiti.

Napailing naman si Devin.

"No wonder, anak ka nga ni Mr.Vicente."- saad ni Devin at pagkatapos ay sumeryoso sya at muling inialis ang mga tingin kay Vince.

"Pero tama ka sa sinabi mo, kaya naman dapat lang talaga na mapigilan ko ang sarili ko mamaya sa laban. Dapat hindi ako maging brutal."- saad ni Devin.

'Kailangan kong gawin ang lahat upang mapigilan ko ang sarili ko, kailangan kong patayin si Josh sa hindi brutal na pamamaraan. Pero paano? paanong pamamaraan o anong pamamaraan ang gagamitin o gagawin ko? Should i stab him direct in his heart or should i break his neck? Hindi ko alam ang gagawin ko.. but well, ang pagpatay ay isang brutal na gawain. Kaya naman sa tingin ko, siguro ayos na ang pagsaksak sa kanya ng diretso sa puso. Isang saksak lamang, hindi dapat sosobra. Kailangang walang makita sa kanyang paghihirap sa pagkamatay nya.'- sa isip-isip ni Devin.

"Nandito na tayo."- saad ni Vince pagkarating nila ni Devin sa tapat ng pinto ng rooftop.

"Tayo na."- saad ni Devin.

Tumango naman si Vince at pagkatapos ay kanya nang binuksan ang pintuan ng rooftop.

"Ah! Mabuti naman at dumating kana. Kanina pa kita hinihintay, King."- saad ni Josh habang nakatanaw siya sa tanawin mula sa rooftop.

Dark Island Academy 2Where stories live. Discover now