DIA2: Chapter 17

2.1K 75 5
                                    

Ice POV

"Ayos kana Ice?"- tanong sakin ni Tala.

Tumango naman ako.

"Oo, hindi naman ganun kalalim yung saksak sakin. Wala lang sakin yun."- saad ko sabay tingin ko kay Ate Rei na nakahiga sa katabi kong higaan at wala paring malay.

"Pagkagising na pagkagising nya, papaalisin ko muna sya dito sa DIA. Kailangan niyang umalis dito, maaaring ngayon nakaligtas sila ng anak nya pero baka sa susunod... Hindi na. Kaya naman sa ayaw at sa gusto nya, aalis sya dito sa DIA."- saad ko sabay buntong hininga ko.

"Kung sasama si Luis sa kanya, ayos lang. Pero ang iba sa Skulls, kailangan natin sila dito."- saad ko pa.

"Anyways, may mahalaga akong dapat na sabihin sa inyong lahat. Tipunin mo ang lahat sa opisina, pupunta ako dun after 30 minutes."- saad ko.

Tumango naman si Tala.

"Sige."- sagot niya.

Pagkatapos nun, agad syang umalis at sinunod ang sinabi ko. Wala pang isang minuto, bumukas ang pinto at pumasok si Joana.

"M- Ms.Ice..."- nakayuko nitong saad pagkapasok nya.

Tinignan ko naman ito ng diretso.

"Bakit."- walang emosyon kong saad.

Lumapit naman ito sakin.

Napakunot naman ako ng noo ng makita kong umiiyak sya. Agad ko naman syang hinawakan sa kamay at tinanong ang dahilan kung bakit sya umiiyak.

"Bakit ka umiiyak? May problema ba? Anong nangyari sayo?"- tanong ko.

Umiling-iling naman ito.

"M- Ms.Ice... S- Sorry po! Sorry po kasi hindi po namin nahanap agad sila Ms.Ashlie kaya po nahuli sila ng dating. Sorry po! Kung binilisan lang po sana namin.... H- hindi po sana nangyari sa inyo ni Ms.Reign yan."- umiiyak nitong sabi.

Sandali naman akong natigilan at pagkatapos ay napangiti na lamang ako ng bahagya at pinatahan sya.

"Wag kang umiyak, wala kayong kasalanan ng mga kaklase mo."- saad ko sabay alis ko ng tingin ko kay Joana.

"Kasalanan 'to nila Devin, kung hindi sana nila ginawa yung ginawa nila kahapon.. hindi sana mawawalan ng tao sa paligid at hindi sana magkakalakas ng loob na lumabas yung pangatlong Killer Clown na yun. At isa pa...."- saad ko sabay yuko ko ng bahagya.

"Kasalanan ko rin, dahil napakahina ko."- saad ko.

Sandali namang nanahimik pagkatapos kong sabihin yun. Hanggang sa....

"Ms.Ice."- tawag sakin ni Joana.

Agad ko naman syang tinignan.

Nakangiti sya.

"Alam mo po, sa totoo lang po wala pong ibang dapat na sisihin dito kundi po yung Killer Clown na yun. Pero kung para po sayo may kasalanan po sila Sir.Devin at maski po ikaw, 'eto lang po ang masasabi ko."- saad ni Joana sabay upo nya sa higaan kung saan ako naroroon.

"Ms.Ice.. Una po, kung sa tingin mo po talaga may kasalanan sila Sir.Devin. Wag mo naman po sana sila itakwil, iniisip ko po kasi baka hindi mo na po sila pansinin. Lalo na po si Sir.Devin, masakit po saming mga tagahanga nyo po yun so please po wag po! Sana po patawarin mo po sila."- malungkot na saad ni Joana.

Hindi naman ako nakapagsalita.

"At pangalawa po, kung sa tingin mo rin po na kasalanan mo rin po kung bakit nangyari po sa inyo ni Ms.Reign yan, 'eto lang po ang maipapayo ko sayo Ms.Ice. Hindi ka po mahina, napakalakas mo po Ms.Ice at naniniwala po ako dun. Sabi po sa libro ni Ms.Ylana, nakakatakot daw po kayo. Kaya naman po nung bloody welcome po hindi po nila kayo pinalaban, malakas po kayo. Sadyang hindi nyo lang po inilalabas ang lakas na yun."- saad ni Joana sabay hawak nya sa mga kamay ko.

Dark Island Academy 2Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα