DIA2: Chapter 11

2.1K 88 0
                                    

Ice POV

"Sa tingin mo, anong susunod niyang gagawin pagkatapos nung ginawa nya nung isang araw? May naisip kana ba?"- tanong sakin ni Devin.

Bumuntong hininga naman ako sabay umiling.

"Hindi ko alam, iniisip ko kung anong pwede nyang isunod pagkatapos nun pero kahit anong gawin kong isip hindi ko parin mahulaan kung anong pwede nyang isunod. Masyadong maraming nangyari dati...."- saad ko sabay tingin ko sa kanya.

"Hangga't hindi pa natatapos ang construction sa ibaba, kailangan muna nating magawan ng ibang paraan ang problema natin ngayon dito sa DIA. Kaya naman hindi ako titigil sa pag-iisip."- saad ko.

Bumuntong hininga naman sya at pagkatapos ay lumapit sya sakin.

"Binasa ko ang libro ni Ylana kagabi, at nabasa ko dun na pagkatapos ng laban nyo ni Alex ang sumunod na pangyayari dun ay ang pag-uutos satin ng Headmaster na magsagawa ng checking sa likod ng lahat nang mga babaeng estudyante ng DIA. Pagkatapos nun, natagpuan mo si Reign. Sunod naman ay ang pagbibigay ng babala ng Headmaster sa lahat, pagkatapos nun wala ng nangyari. Yun na yung panahong biglang nanahimik ang Headmaster, sunod ay yung Foundation at Valentines Day na kung saan doon sinabi ng Headmaster ang larong ipinagawa nya satin kinabukasan. Yung sa pin, naaalala mo pa? Yung larong yun, may mga namatay din dun sa laro na yun. Isa yun sa mga maaari nyang ibalik pero kung ibabalik nya yun, anong version naman ang gagawin nya..."- saad ni Devin.

Napaisip naman ako.

Yung laro na yun... sa laro na yun ay binigyan ng isang pin ang bawat estudyante na mayroong pangalan nila. Kailangan nila yung ingatan dahil kung hindi makukuha yun ng kung sino mang nakabunot sa kanila. Sa larong yun ay ang Dark Cards ang nabunot naming Reapers, at tinalo namin sila dun. Kung uulitin ni Killer Clown ang pangyayari na yun ngayon dito sa DIA... paano nya gagawin? Anong version ang gagawin nya.

"Ice may naisip ako."- biglang saad ni Devin.

Tinignan ko naman sya.

"A- Anong naisip mo?"- tanong ko.

Tinignan naman nya ko ng diretso.

"Tutal hindi natin mahulaan kung anong sunod nyang gagawin, ano kaya kung.... tayo ang magsimula ngayon ng kilos. Unahan natin sya."- saad ni Devin.

Napakunot naman ako ng noo.

"P- Paanong unahan?"- naguguluhan kong sabi.

Ngumiti naman sya.

"Hindi 'bat bago nangyari yung laro na ukol sa pin ay nagbigay muna ang Headmaster ng isang babala? Ano kaya kung, magbigay tayo ng babala ngayon. Pero ang gawin natin ay ang sariling version din natin, imbis na babala para sa mga estudyante... babala na para kay Killer Clown ang gagawin natin. Oras na gawin natin yun, papasok sa isip nya na handa tayong makipaglaro sa kanya. Na gusto natin na makipaglaro sa kanya dahil sinasabayan o tinutugunan natin sya dito sa laro nya, oras na pumasok sa isip nya yun malaki ang posibilidad na ang sunod nyang gawin ay may kaugnay sa laro na ukol sa mga pin. At isipin mo Ice, kung yun ang gagawin nya.. maaari nating mapigilan yun."- saad ni Devin.

Sandali naman akong natahimik.

Tama sya, maaari ang hinuha nya. Pero ang tanong........

uubra kaya?

Oras ba na magbigay ako ng babala sa Killer Clown na yun.... ang laro dati na may kaugnayan sa mga pin ba ang isusunod niyang ibalik dito sa DIA?

Kahit medyo nangangamba at nagdadalawang isip ako, sumang-ayon na lamang ako sa suhestiyon ng asawa ko.

"Sige, gawin natin yang sinabi mo."- saad ko.

Dark Island Academy 2Where stories live. Discover now