DIA2: Chapter 28

1.9K 78 31
                                    

Ice POV

Nandito kami ngayon ng DCR sa dating torture room kasama sila Mommy, Daddy, Prof.China, Tala at Vince.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa ginawa nila Ashlie, Bryan, Grey at Alex. Hindi ako galit sa kanila dahil sa ginawa nilang hindi pagsunod sa orihinal na plano. Sa totoo lang, natutuwa pa ko sa kanila.

"Sinasabi ko na nga ba at malaki ang maitutulong satin nung mga secret cam. Alam nyo naba kung saan nagpunta yung nakatakas?"- mahina kong tanong kila Grey.

Tumango naman si Grey.

"Nasa dorm nya, simula nung pumasok sya dun hindi pa sya lumalabas."- mahina ring saad ni Grey.

"Mukhang wala syang balak na tumakas. Siya kaya si Shion o baka naman si Bella? pero kahit sino man sya sa dalawa, halatang napakalakas ng loob nya para hindi umalis sa lugar na 'to. Kung ako sa kanya aalis na ko sa isla, pero sya hindi nya yun ginawa. Sa halip, sa dorm nya sya nagtago. I wonder.. ano kayang nasa isip nya at doon sya nagtago."- mahina kong sabi.

"Pero kung iisipin, mabuti narin at sa dorm nya sya nagtago. Hindi tayo mahihirapan na madakip sya."- saad ko pa.

Nagsalita naman si Ylana.

"Ngayon alam ko na kung bakit binuksan ng Jena na yan yung switch na nagkokonekta sa music room sa mga speakers dito sa buong DIA nung kumakanta si Joana sa music room. Isa pala sya sa mga payaso! Sinadya nya talaga yun kasi nga diba isa sa plano nilang mga payaso ang ibalik ang mga pangyayari dati dito sa DIA? At Oo nga pala, yang Joana na yan. Mas lalong lumakas yung kutob ko na isa sya sa mga payaso ngayong nalaman na natin na isa sa mga payaso yang kaibigan nya na si Jena. Sigurado na talaga ko na isa sa mga payaso yung babae na yun at kaya sya nagbabait-baitan satin kasi parte yun ng arte nya para hindi natin sya mahalata o paghinalaan."- mahina ngunit mariin na saad ni Ylana.

Hindi naman ako nakapagsalita.

"Ang mabuti pa bantayan nyong maigi yung babae na yun. Grey, wag nyong aalisin ni Alex ang mga mata nyo sa babaeng yun. Bantayan nyo syang mabuti."- saad ni Mommy kay Grey.

Tumango naman ito at maging si Alex.

"Masusunod po."- sagot ni Grey.

Bumuntong hininga naman si Mommy sabay humarap sakin.

"Ngayon anak, anong gagawin mo dyan sa dalawang bihag natin."- tanong sakin ni Mommy.

Tinignan ko naman sila Jia at Yura na nasa loob ng napakalaking kulungan na ginamit dati ni Tito June para sa huling labanan o para sa huli nyang palaro. Yung cage fight na kung saan kami ng Reapers ang nanalo dahil sa sabwatan ng ibang mga grupo upang mapaalis nila kami dito sa DIA at mailigtas ako mula sa mga mata ni Lorenzo Bueno.

"Kapag hindi natin pinatay yang dalawang yan, tayo ang papatayin nyan oras na makatakas sila. Paniguradong ililigtas sila ng mga kasamahan nila kaya naman mas mabuting tapusin na natin sila nang sa ganun wala ng abutan dito ang mga kasamahan nila."- sagot ko.

Nagsalita naman si Ashlie.

"Teka Ice, hindi mo ba sila susubukang tanungin tungkol sa kung sino si Jena sa pagiging payaso nito at kung sino ang natitirang isa pa na hindi pa natin alam ang pagkakakilanlan? Malay mo sagutin ka nila."- mahinang saad sakin ni Ashlie.

Magsasalita na sana ako nang..

"Anong isa pang natitira na hindi natin alam ang pagkakakilanlan? Hindi ba dapat dalawa? tatlo pa lang naman ang kilala natin ah. 'Etong dalawang nasa kulungan tsaka yung nakatakas na si Jena."- saad ni Vince.

Nagkatinginan naman kami nila Ashlie at pagkatapos pare-pareho kaming natahimik.

"Kung ganun may isa ngang payaso na alam nyo ang pagkakakilanlan ang hindi nyo sinasabi sa amin."- malamig na saad ni Devin.

Dark Island Academy 2Où les histoires vivent. Découvrez maintenant