DIA2: Chapter 16

1.9K 75 6
                                    

Devin POV

"Guys! Dalawang puntos na lang tabla na!"- sigaw ni Luis sa mga ka-Team nya.

Nilapitan naman ako ng mga ka-Team ko.

"Dev anong gagawin natin, 1 minute na lang."- mahinang saad sakin ni Vince.

Tinignan ko naman ang oras.

"Kaya pa yan, di tayo matatalo."- saad ko sabay punas ko sa pawis ko.

"Nasa atin ang bola, hindi nila yun pwedeng maagaw. Ibigay nyo sakin ang bola."- saad ko.

Nagkatinginan naman sila at pagkatapos ay sabay-sabay silang nagtanguan.

"Roger!"- sagot nila.

"Okay! isang minuto na lang at matatapos na ang laro sa pagitan ng Team A at B. Sino kayang mananalo!"- saad ni Rai na naka-mic na ngayon.

Nagsigawan naman ang mga estudyanteng nanonood.

Halos napuno na ang buong Gym...

"Team A! Team A!"

"Team B kaya nyo yan!"

"Sir Devin!!!"

"Tapusin na natin 'to."- saad ko kila Luis.

Pagkatapos nun, nagsimula muli ang laban namin sa basketball nila Luis.

"Wag nyo silang hayaang makapuntos!"- sigaw ni Luis.

Mas lalo namang lumakas ang hiyawan at sigawan ng mga estudyante ng ipasa sakin ni Vince ang bola.

"Huling paghaharap natin para sa larong 'to, wag mong ubusin ang oras. Pumuntos ka."- saad sakin ni Luis habang mahigpit akong binabantayan.

Humakbang naman ako pasulong.

"Wag kang mag-alala, hindi yan ang plano kong gawin."- saad ko sabay dribble ko ulit sa bola at hakbang paatras.

"Pupuntos ako."- saad ko sabay porma ko ng pang-three point shot.

"Hindi ka magtatagumpay!"- saad ni Luis sabay talon ng umikot ako patungo sa gilid at mula doon ay ishinoot ko ang bola na........

pumasok.

"Times up! Team A wins!"- sigaw ni Rai.

Nagsigawan naman ang mga estudyanteng nanonood. Lalo na ang mga kakampi ko.

"Nanalo tayo! HAHA! Lilinisin nila 'tong Gym! Bawal humingi ng tulong sa mga janitor ah!"- tuwang-tuwang saad ni Vince kila Luis.

Ngumiwi naman ang mga ito sabay tumango.

"Oo."- sagot ni Luis sabay tingin sakin.

"Grabe, hanggang sa sports ba naman hindi kita kaya? Lahat ng tira mo pumasok, ni isa walang pumalya!"- saad sakin ni Luis.

Bahagya naman akong ngumisi.

"Hindi lang kasi basta laro ang basketball, Habang naglalaro ako.. tila nag-aaral din ako. Sinusukat ko ang layo o distansya ko sa ring, maging ang pwersa ko. Sinisiguro kong tama lang ang pwersang pinakakawalan ko para pumasok ang bola sa ring."- saad ko.

Napailing naman sila.

"Iba talaga kapag matalino, the best ka talaga!"- saad ni Luis.

Natawa naman ako ng bahagya.

"Ako paba."- saad ko.

Pagkasabi ko nun, bigla na lamang bumukas ng pagkalakas-lakas ang pintuan ng gym at iniluwal nun sila Ashlie, Ylana at Tala na may mga bahid ng dugo sa damit.

Dark Island Academy 2Donde viven las historias. Descúbrelo ahora