DIA2: Chapter 27

2K 78 13
                                    

<<Continuation>>

"Sit there."- saad sakin ni Sir.Bryan sabay turo nya sa upuan na nasa tapat ng teacher's table dito sa science lab.

Agad ko naman syang sinunod. Pagkaupo ko, agad din syang umupo sa upuan na nasa harapan ko.

"Okay so, first of all. Sasabihin ko sayo yung parusa para sa ganitong kaso na tulad ng iyo. Kung sa tingin mo ay hindi mo kayang gawin o tiisin, you can give me a valid reason kung bakit ang bababa ng marka mo sa mga test papers. I know hindi talaga mahina ang utak mo, it's either na may pinoproblema ka lang kaya hindi ka nakapagfocus sa test or ano. Kapag nabigyan mo ko ng maganda at kapanipaniwalang rason, then ako ng bahalang mag-isip ng mababang parusa para sayo."- saad sakin ni Sir.Bryan.

Tumango-tango naman ako.

I know hindi parin nawawala sa kanya yung nakasanayan nya, so i think nakaisip na ko ng rason ko. I know papatusin nya 'to.

"Yung parusa, alam mo naman siguro yung dating darkness room hindi ba? Sa silid na yun, ikukulong ka doon ng isang linggo. Bibigyan ka ng sapat na pagkain na kailangan mong pagkasyahin sa loob ng isang linggo. Bukod sa pagkain meron pang ibibigay sayong mga libro, ballpen at papel na gagamitin mo habang nandoon ka sa loob. Kung naguguluhan ka at kung nagtataka ka kung para saan ang mga libro, ballpen at papel well gagamitin mo yun sa pag-aaral mo ng mag-isa. Habang nasa loob ka, magseself study ka. Kailangang mapag-aralan, matandaan at malaman mo ang lahat ng nasa libro na ibibigay sayo ng mag-isa dahil pagkatapos ng isang linggo ay palalabasin kana sa silid na yun at muling pag-eexamin. At sa punto na yun kailangang makakuha kana ng mataas na marka dahil kung hindi ibabalik ka sa loob ng dating darkness room at imbis na isang linggo lang ang pananatili mo dun, dalawang linggo ka ng mananatili doon. Hangga't hindi ka natututo paulit-ulit mong gagawin yun at madadagdagan ng madadagdagan ang linggo nang pananatili mo doon."- saad ni Sir.Bryan.

Bahagya naman akong napalunok ng laway ko.

Obviously, I CAN'T DO IT! Simpleng math equation nga hindi ko matutunan kahit na may nagtuturo sakin eh! Ganun pa kaya na Self study lang.

"T- Too Hard."- saad ko sabay yuko at nanginginig kunwari.

Kahit may rason na ko oras na tanggihan ko ang nakakatakot na parusa na ito, syempre kailangan ko paring umarte.

Narinig ko namang tumawa si Sir.Bryan kaya't agad akong napatingin sa kanya.

"I know it's hard, ginawa talagang ganun ang parusa nang sa ganun ay mag-aral ng mabuti ang bawat estudyante dito sa DIA. Lahat ng Professor dito sa DIA ay inutusan namin na sabihin sa inyo ang tungkol doon and i guess nasabi sa inyo ng Professor nyo ang tungkol dun pero sa tingin ko rin ay nakalimutan mo kaya naman nagkaganito ka."- saad ni Sir.Bryan.

Umiwas naman ako ng tingin ko.

Naalala ko, sinabi nga ng Prof namin yan nung first day of class. Since wala akong pake, nakalimutan ko yung ukol dyan. Shit lang!

"Mukhang hindi mo kayang gawin yung parusa, then give me a valid reason. Bakit ang bababa ng marka mo sa mga test papers mo?"- tanong sakin ni Sir.Bryan.

Umayos naman ako ng upo ko.

This is it! Oras na para magsimula. Humanda ka Ashlie, kukunin ko sayo si Sir.Bryan *smirk*

"A- Actually, I'm not interested in studying. And because of that i also don't have any interest in this school either. The reason to why i enrolled here is because of the man that i like, i wanted to see and i wanted to be with that man."- saad ko sabay lean ko sa kanya ng kaunti at tingin ko sa mga mata nya ng diretso.

Dark Island Academy 2Where stories live. Discover now