DIA2: Chapter 19

2.2K 78 16
                                    

Devin POV

Nandito kami ngayon ng DCR kasama ang Skulls, Wolves, Souls at Phantomrick sa bahay naming DCR. Nandito rin si Prof.China at ang mga magulang ni Ice at ni Reign, nandito kaming lahat upang mag-usap.

"Vin at Xandro, ngayong wala na dito sa DIA si Ate Rei at ang pinuno nyong si Luis aasahan ko parin ang maayos nyong trabaho. Kinailangan lang nilang umalis para sa kaligtasan ni Ate Rei, sana intindihin niyo."- saad ni Ice kila Vin at Xandro.

Tumango naman ang mga ito.

"Wag kang mag-alala Ice, naiintindihan namin ang sitwasyon at makakaasa ka rin samin na aayusin parin namin ang trabaho namin kahit wala ang pinuno namin."- saad ni Vin.

"Pero may inaalala lang kami ni Vin, dalawa na lamang kami ngayon sa Dorm. At wala pang mga naka-room sa mga katabi naming kwarto, paano kapag pinasok kami ng mga kalaban? kung ikaw Ice napabagsak ka ng kalaban. Kami pa kaya.."- saad naman ni Xandro.

Tinignan ko naman si Ice na tila nag-isip dahil sa sinabi ni Vin.

"Siguro maki-room muna kayo sa Souls."- saad ni Ice sabay tingin nya kay Owen.

"Sa Dorm nyo muna patuluyin si Vin at Xandro."- saad ni Ice kay Owen.

Agad naman itong tumango bilang pagpayag.

"Sige."- sagot nito.

Pagkatapos nun, tinignan naman ni Ice si Prof.China.

"Prof. I need your report, kamusta ang trabaho?"- tanong ni Ice kay Prof.China.

Naglabas naman ito ng isang papel.

"Nandyan na lahat ng mga estudyante na nakitaan ko ng potensyal, wala pa man akong naituturo about martial arts yang mga nakasulat dyan.. marami na agad silang alam. Ibig-sabihin, marunong silang makipaglaban."- saad ni Prof.China.

Agad namang kinuha ni Ice ang papel at ito ay tinignan.

"Sampu silang lahat, mula sa Class F. Niko Manalo at Tina Pagdayunan. Mula sa Class C sina Hazel Valenzuela, Mario Piña at Rehan Navarro. At ang huling lima pa, galing lahat sa Class A. Sina Jia Ocado, Jena Cawaling, Yura Bernabe, Josh Kristopher San Juan at Joana Katsuki."- basa ni Ice sa mga nakasulat sa papel.

"Kilala ko ang tatlo dito."- saad ni Ice sabay baba nya sa hawak nyang papel.

Nagsalita naman sila Ashlie, Ylana at Grey.

"Kami rin."- saad nung tatlo.

Tinignan naman kaming lahat ni Ice.

"Si Joana, Jena at Josh. Si Joana, sya yung estudyante dito sa DIA na biniktima nung unang payaso. Si Jena naman yung kaibigan ni Joana na nag-on ng koneksyon ng mga speakers sa music room At si Josh, isa sya sa JTrio ng Sheria. Kaibigan namin sya nila Ylana, Ashlie at Grey, kilala rin sya ni Prof.China. Paborito nyang estudyante yun."- saad ni Ice.

Tumango-tango naman si Prof.China.

"Nang makita ko si Josh dito, inilista ko na kaagad ang pangalan nya dyan sa papel. Magaling sa martial arts si Josh, masasabi kong pwede syang ihanay sa asawa mo Ice."- saad ni Prof.China.

Bahagya naman akong nagulat dahil sa narinig ko.

Pwedeng ihanay sakin?

"Alam ko, sa totoo lang kalahati ng nalalaman ko ukol sa pakikipaglaban ay kay Josh ko natutunan. Magaling sya sa pakikipaglaban pero kahit ganun, hindi ko masasabing maaaring isa sya sa mga kalaban. Dahil una sa lahat, kaibigan namin sya. Mabuti sya at isa pa walang rason upang maging isa sya sa mga payaso kaya naman sa tingin ko, siyam lang sa mga estudyanteng nakasulat dito sa papel ang nararapat nating subaybayan at imbistigahan."- saad ni Ice.

Dark Island Academy 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon