Confession 10: She's Gone

5 2 0
                                    

Reyfords P.O.V

*Beeeeeep!!!!*


Napapikit ako ng mata. Gusto kong tumakbo papunta sa kanya at iligtas siya pero hindi sumasang-ayon ang katawan ko. Para akong paralisado.

F***!! Kumilos ka Reyford!! Huwag kang tumayo lang diyan at pumikit!! Hahayaan mo lang bang mamatay ang babaeng mahal mo?

Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko ng biglang nag-flashback sa akin lahat ng masasayang alaala naming dalawa ni Tracey.

Mas dumiin ang pagkakapikit ko sa mga mata ko at naikuyom ko ang mga kamao ko.

Hanggang sa mga alaala ko na lang ba makikita ang magandang niyang mukha at ngiti niyang nakakaakit?

Bakit humantong sa ganito ang lahat?

















"Hoy Miss!! Kung may balak kang magpakamatay huwag mo akong idamay!! Tumalon ka sa building o kaya sa tulay!! Oh di kaya mag-bigti ka na lang. Mas okay yun!! Wala kang madadamay na iba. Tabi nga!!" Mabilis pa sa alas-kuwatrong nagmulat ako ng mata ng marinig ko yun at tumingin sa kinatatayuan ni Tracey. Nakasalampak na siya sa semento, sa sobrang takot siguro kaya  bumigay ang mga tuhod niya. 

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang walang nangyaring masama sa kanya.

Sabay kaming tumakbo ni Aldrin papunta sa kanya at sinubukang tulungan siya pero tinabig niya lang ang kamay namin at tumayo siya ng mag-isa.

Nilagpasan niya kami pareho ng walang kahit na anong salitang lumalabas sa bibig niya.

Sinubukan ko siyang habulin para makapag-paliwanag pero pinigilan ako ni Aldrin. Kaya wala akong ibang magawa kundi ang titigan ang papalayo niyang imahe.

Tracey...

Tracey's P.O.V

Sunod-sunod na nagsibagsakan ang mga luha ko ng malagpasan ko sila. Hindi pa nga natutuyo yung unang batch may bago na naman.

Sana nga nabangga na lang ako kanina. Eh di sana tapos na ang paghihirap ko. Sana wala na tong sakit na nararamdaman ko ngayon.

Bumalik ako ng bahay. Nakita ko si Ate sa sala naka-upo sa sofa.

Tumayo siya ng makita niya ako. Pero nilagpasan ko lang siya bago pa man siya makapag-salita.
Hindi ko kailangan ang paliwanag niya. Dumiretso ako sa taas, sa kwarto ko.

Alam ko sa sarili kong hindi dapat ako nakakaramdam ng galit sa kanilang dalawa ni Aldrin dahil para akin wala silang kasalanan. Nagagalit lang siguro ako dahil hindi nila sinabi sa akin ang tungkol sa kanila ng mas maaga, idagdag mo pa si Reyford. Hindi rin dapat ako nagagalit sa kanya dahil una sa lahat wala naman  akong karapatan kaya siguro ako nagkakaganito dahil sa katotohanang yun.

Nang makapasok ako agad akong nag-empake. Kanina habang naglalakad ako pauwi napag-isip-isip kong magpapakalayo-layo na muna ako. Kailangan kong gawin yun dahil hindi ko na alam kung paano ko pa haharapin ang mga taong nakapalibot sa akin. Nasasaktan ako, nagagalit at nahihiya. Bakit ba nangyayari sa akin ang lahat nang to?

Pinunasan ko ang mga luha ko. Desidido na ako.

Binitbit ko ang bag ko at nilibot ng tingin ang buong kwarto. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mawawala pero babalik pa naman ako pag okay na ako.

Nagsimula akong maglakad palabas ng kwarto, nakasalubong ko si Ate.

"Te-teka, aalis ka?" Gulat niyang tanong nang mapansin niya siguro ang malaking bag na bitbit ko.

"Kailangan eh. Ikaw na muna bahala sa Karinderya natin at kina Mama. Huwag kang mag-alala babalik din ako, yun nga lang hindi ko alam kung kailan. Kailangan ko munang buuin ang sarili ko. Sirang-sira na kasi ako. Pagbalik ko napatawad ko na kayo at napatawad ko na din ang sarili ko. Paalam mo na sa ngayon Ate."

Ngumiti ako at nilagpasan siya.

Sa pagbabalik ko alam kong buo na ulit ako at wala na tong galit at sakit sa puso ko.

Paalam muna...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
....Sa ngayon.............




Chapter Ends....

                                         -fernania_2001

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Summer:The Season Of Love(On-Going)Where stories live. Discover now