Chapter 5:The Invitation

0 2 0
                                    

Lianne's P.O.V

Nang sumapit ang gabi,hindi ako makatulog dahil paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan ang nakita ko dun sa espesyal na lugar namin ni Craude.

Nagpasya akong lumabas para makalanghap ng sariwang hangin at makapag-isip-isip pa ng mas malalim.

Alas-diyes pa lang ng gabi,pero ang tahimik na hindi tulad sa Maynila na ganitong oras gising na gising pa ang lungsod at ang mga tao.Bigla tuloy akong nanibago.Nung unang linggo nang pananatili ko dito,hindi ko to naramdaman.Siguro dahil abala ang isip ko nung panahong yun.

Bumunot ako ng malalim na hininga at pinakawalan ito.

Tumingala ako at pinagmasdan ang  nag-niningningan mga bituin.

Balak ko sanang humakbang ng matigil ito dahil may nakita akong tao sa may labasan ng bahay namin.

Dali-dali akong nagtago sa katawan ng puno sa bakuran namin.Pinagmasdan ko ang taong iyon.Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya pero pamilyar ang pigura niya.

Panay ang talon niya,parang may hinahanap.Saktong pagtalon niya ulit napaatras siya at tinamaan ng ilaw na nagmumula sa poste ang mukha niya.

Napasinghap ako.Si Craude.Oo si Craude,siya yung taong yun.Anong ginagawa niya dito?

Tumalon pa siya ulit at malungkot na umalis ng bahay.Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan ng siyang mawala sa paningin ko.

Naglakad ako pabalik sa pwesto ko kanina at tumitig sa kawalan.

'Bakit siya nandito?Anong kailangan niya?'

Sigurado akong hindi ako makakatulog ngayong gabi.Sigh.May panibagong mga tanong na naman kasi sa isipan ko na gugulo sa akin mamaya.Goodluck na lang sa akin.

Pumasok ako ng bahay makalipas ang ilang sandali at umakyat ng kwarto.

Susubukan kong makatulog kahit mukhang imposible.Fighting!!!

.......

4:00 A.M.

Gising na gising pa rin ang diwa ko.Arghh!! Gusto kong matulog pero hindi ako dinadalaw ng antok.Naman eh. Kainis.

Bumangon ako sa higaan at nagpasyang pumunta sa kusina.

Napansin kong wala na kaming stock ng pagkain.

Since hindi naman ako makatulog ako na lang ang mamamalengke ngayon.

Nag-iwan lang ako ng note dun sa ref namin at umalis na.

........

Maingay,magulo at buhay na buhay na palengke ang naabutan ko.Nalula ako sa dami ng mga gulay,isda,karne at maraming pang iba na tinitinda ng mga tindera.

Oras na para mamalengke!!

Mukhang fresh na fresh lahat ng tinitinda nila dito ah.Ang saya naman.


Abalang-abala ako sa pamimili ng mga gulay dito sa isang pwesto ng may lumapit dito.Bibili din ata.Hindi ko na lang pinansin pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko.

Nang makapili na ako.Iningat ko ang tingin ko at humarap sa tindera.

"Ito na po lahat ng napili ko." Sabi ko.Actually hindi naman talaga ako namili eh dahil hindi naman na kailangan yun.Lahat naman ng tinitinda nila dito fresh na fresh.

"Lianne iha.Ikaw ba yan?"sabi ng tao sa tabi ko. Mababakas sa boses niya ang  pagka-gulat.

Tumingin ako sa kanya at ganun na lamang ang pagkagulat ko.

" Manang Flor?!!Manang Flor ikaw nga!!"Yumakap ako sa kanya at humiwalay rin pagkaraan ng ilang segundo.

"Kamusta ka na iha?Ilang taon na rin mula ng huli kitang makita ah.Kakauwi mo lang ba?" Sabi niya.

"Okay naman po ako.Sa totoo lang po nung isang linggo pa po ako naka-uwi hindi ko lang po kayo nadalaw kasi ano...-" nahihiya akong sabihin ang rason ko. Anong sasabihin ko ngayon? Mukhang kailangan kong magsinungaling.Patawad po Lord.

"Kasi po ano,medyo natuwa ako dahil naka-uwi na rin po sa wakas matapos ang ilang taon kaya bonding with the family ang drama ko." Tumango-tango siya at ngumiti sa akin.

Inabot ko ang mga pinamili ko ng ilahad ito sa akin ng tindera ganun din si Manang Flor.

"Ganun ba.Ah bago ko makalimutan.Punta ka sa bahay nina Craude mamayang gabi ha dun ka na maghapunan.Aasahan kita."

Sabi niya.Kumunot ang aking noo.Anong meron dun?

"Ano pong meron mamayang gabi?"

Taka kong tanong.

"Nakalimutan mo na ba? Sabagay,naiintindahan ko naman yun kasi naman matagal-tagal ka ring nawala dito.Birthday ko ngayon pero mamaya pang gabi yung handaan.Punta ka ha." Tumingin siya sa wristwatch niya at muling bumaling sa akin.

"Mamaya na lang natin ipagpatuloy ang pag-uusap natin iha.Siguradong sa mga oras na to gising na sina Sir at Mam pati na din si Craude at ang fiancee niya.Siguradong pagkain ang hahanapin ng mga yun kaya una na ako.Aasahan kita mamaya ha." Napatango na lang ako.Huli na ng marealize ko ang lahat.

Ako? Pupunta sa bahay nina Craude mamaya?

Patay!! Sana hindi bumaha ng luha dun mamaya.

Siguradong masasaktan ako mamaya ng bonggang-bongga.

Si Manang Flor pala,siya ang pinagkakatiwalaang Yaya ng pamilya nina Craude.

Oo,mayaman sina Craude.Pero hindi yung sobrang yaman pero masasabi mo ring mayaman. Ah basta ganun.

Sana masurvive ko ang gabi mamaya ng hindi nauubusan ng luha.

Chapter Ends....

                                         -fernania_2001

Summer:The Season Of Love(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon