Confession 8: Another Confession and Confusion

0 2 0
                                    

Tracey's P.O.V

Ilang araw nang magulo ang utak ko.

Pakiramdam ko may nasabi akong mali nung andun kami sa burol ni Reyford, simula kasi nung araw na yun wala na siyang paramdam.

Isang linggo na simula nung araw na yun kaya isang linggo na din siyang walang paramdam maski text man lang wala. Dati rati naman sa tuwing gigising ako at titingnan ang phone ko morning message niya ang bubungad sa akin. Dinaig pa nga niya si Aldrin eh, parang siya pa nga ang boyfriend ko kung umasta siya.

Hindi naman sa namimiss ko siya, naninibago lang ako.

Oo talaga promise hindi ko siya namimiss.. Hindi nga sabi eh!!! Haist!!Oo na!! Oo na!! Miss ko na siya. Parang hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita. Wahh!! Reyford!!

"Anong tinatayo mo diyan at oy!oy! oy! anong klaseng mukha yan?!! Mamalasin tong negosyo natin dahil diyan eh." Sabi ni Mama.

"Problema?" Dagdag niya.

"Sigh. Opo. Problema nga po. Pero huwag po kayong mag-alala kaya ko po to." Sabi ko habang nakangiti kay Mama.

"Tracey!!" Sigaw ng isang kustomer.

"Sige ma. Balik na ako sa trabaho." Sabi ko sabay lakad palayo baka mamaya hindi ko mapigilan ang sarili ko at bigla kong masabi kay Mama ang lahat ng nasa isip ko. Malaman pa niyang nag-mamaganda ang anak niya dahil dala-dalawa ang lalaking iniisip. Masabihan pa akong malandi.

Habang naglalakad ako palapit sa kostumer na tumawag sa akin naramdaman kong nag-vibrate ang phone sa bulsa ng apron ko.

Dali-dali ko itong dinukot at tiningnan kung sino ang nagtext.

Sana...sana si Reyford... Please.

Pero nadismaya ako ng makitang hindi si Reyford ang nag-text. Si Aldrin.

Bakit ganto ang nararamdaman ko? Dapat nagtatatalon na ako sa saya di ba? Dahil sa wakas nagparamdam na din siya matapos ang halos dalawang linggo?!! Di ba? Di ba? Kaya bakit ganito?!! Ewan ko naguguluhan na talaga ako!!

Dinelete ko ang message niya without even reading it at pinagsisisihan ko yun.

Wahh!! Ang tanga ko!! Bakit ko dinelete!! Hindi ko man lang muna binasa? Ang tanga ko! Wahh! Ano nang gagawin ko? Anong bang laman ng message na yun?

"Tracey!!/Tracey!!" Rinig kong sigaw ng kung sino mula sa pinto ng karinderya namin. At base sa mga boses na narinig ko mukhang lasing ang mga ito.

Pamilyar ang mga boses nila. Hindi kaya??

"Tracey!!/Tracey!!" Confirmed!! Sila nga yun. Bakit kaya pareho silang lasing? At bakit dito pa sa karinderya namin sila nagpunta? at Bakit nila tinatawag ang pangalan ko? at Bakit puro ako tanong bakit hindi ko na lang sila lapitan ?Bakit ko kinakausap ang sarili ko? Argh!!

Tumakbo ako palabas ng karinderya at nakita ko sina Reyford at Aldrin na nakaluhod sa semento at parehong may hawak na isang bouquet ng bulaklak.

Okay. Anong nangyayari dito?

Naramdaman kong nakatayo na si Ate sa tabi ko habang habol ang kanyang hininga. Halatang tumakbo siya papunta dito.

Sabay nag-angat ng tingin ang dalawa at ngumiti sa akin. Sabay din silang kumilos at lumuhod sa harap ko.

"Tracey (Hik) Mahal kita!/ Tracey Mahal kita!"

Sabay nilang sabi sabay lahad ng bulaklak sa akin. Pagkatapos ng ilang segundo sabay silang bumagsak sa semento.

Tama ba...ang narinig ko? Si Reyford at si Aldrin mahal nila ako.

Tumingin ako kay Ate. Hindi ko alam kung bakit.

May bahid ng lungkot ang mga mata niya. Pero bakit? Ewan. Litong-lito na ako.

Mas lalo akong nalilito dahil sa pinagsasabi ng dalawang to.

Si Aldrin, alam kong mahal niya ako hindi lang halata at hindi ko ramdam pero si Reyford? Hindi ko ineexpect na may nararamdaman siya para sa akin.

Pero asa pa ako sure akong malilimutan din nila to pag-nahihimasmasan  na sila.

Pero bakit may parte sa puso ko na umaasa na hindi sana mangyari ang iniisip ko.

Pero para kanino? Kay Aldrin o Kay Reyford? Sino ang ayaw kong makalimot? Kanino ako umaasa?

Argh. Naguguluhan na talaga ako.

Chapter Ends...

                                         -fernania_2001

Summer:The Season Of Love(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon