Chapter 2:Already Over?

0 2 0
                                    

Lianne's P.O.V

Sigh. Pang-ilang buntong hininga ko na to simula kanina. Eh, kinakabahan talaga ako.

Last na to promise.Sigh.

Muli akong tumingin sa labas ng bintana.Ganun na lamang ang pangungunot ng aking noo ng mapansing tila hindi gumagalaw ang bus.

"Hoy!!Babae mukhang nag-enjoy ka ata kakaupo diyan at hindi mo man lang namalayan na andito na tayo.Sige kung gusto mo pang mag-stay diyan,iiwan na kita ha.Maglilibot-libot na lang muna ako dito at tatawagan na lang kita mamaya.Okay?Bye!"

Balak ko pa sana siyang pigilan pero mabilis siyang nakababa ng bus.Ang babaeng yun talaga.

Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng bus.

Ako na nga lang talaga ang andito.

Bumaba ako ng bus at nag-unat unat.

Sa wakas nakarating din.

Namiss ko talaga ang probinsiyang to...Lalong-lalo na siya at ang pamilya ko.Hindi na ako makapag-hintay na makita ulit sila.

........

"Okay.Maraming salamat." Bumaba ako ng tricycle at humarap kay Manong driver.

"Ito po oh.Bayad ko.Maraming salamat po ulit." Tumango lang siya at ngumiti sa akin.

Pumihit ako patalikod at humarap sa bahay namin na napaka-simple.Wala pa ring pinagbago,kung anong itsura nito nang umalis ako ganun pa din ang itsura niya ngayon.Simple pero maganda.

Parang gusto kong umiyak.Sa wakas matapos ang halos limang taon naka-uwi na din.Naka-uwi na din sa lugar kong saan ako pinakamasaya.

"Lianne,ikaw ba yan?" napatigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano ng marinig ko ang pamilyar na boses na yun.

Sino kaya yun?

Nagpalinga-linga ako pero sa tingin ko wala sa mga tao sa paligid ang nagsalita.Ang lalayo kaya nila, dapat sumigaw sila para marinig ko pero hindi naman sigaw yung narinig ko kanina eh.

Tumingin ako sa likod ko,nagbabakasali lang at tama nga ako, isang pares ng mata ang bumungad sa akin.Ang mga matang kilalang-kilala ko.

"Craude?" Sambit ko sa pangalan niya.Siya na ba talaga to?

Ano na?Bakit wala akong masabi?Ano na?!Utak naman gumana ka!!

Magsalita ka din naman Craude.Ano magtititigan na lang tayo.Pagabi na oh.

"Craude tara na uwi na tayo.Malapit nang gumabi.Makakasama sa akin kung mahahamogan ako."

Sabi ng isang babae na naglalakad palapit sa kanya.Tiningnan niya ang babaeng yun sandali at muling bumaling sa akin.

Sa loob ng isang segundo may nakita akong bahid ng lungkot sa mga mata niya pero agad ding nawala.

Dahil dun muling gumapang ang kaba sa puso ko pero ngayon mas doble na ito at may kasama nang lungkot.

Ito ba ang dahilan kung bakit ako kinakabahan kanina?Dahil meron nang siyang iba?Dahil may pumalit na sa akin?

Tumingin ako sa babaeng yun at mas lalo pa akong nalungkot ng mapansin ko ang bukol sa tiyan niya.Buntis siya,at mukhang si Craude ang ama.

Nang tuluyang makalapit ang babaeng yun,humalik siya sa pisngi ni Craude at iniangkla ang braso niya sa braso nito.

Sa tingin ko nasaktan ko talaga siya ng sobra.Sakit na naging dahilan para kalimutan niya ako at ang mga pangako namin sa isa't isa.

Pero hindi ko din naman siya masisisi dahil in the first place ako ang may kasalanan ng lahat.

Pero hindi ako nag-sisisi sa naging desisyon kong yun,dahil kahit hindi ko man matupad ang pangako ko sa kanya atleast matutupad ko naman ang pangako ko sa pamilya ko na magtatapos ako ng pag-aaral kahit na anong mangyari.








Hanggang dito na lang ba tayo?..
.
.
.
.
.
.
.
.

Craude?

Chapter Ends.......

                                         -fernania_2001

Summer:The Season Of Love(On-Going)Where stories live. Discover now