Confession 6: Hurt

1 2 0
                                    

Tracey's P.O.V

Isang linggo na ang nakakalipas simula ng mangyari ang pananakit at pangbibintang sa akin ni Cassidy at isang linggo na ring hindi nagpaparamdam sa akin si Aldrin. Wala man lang tawag maski text. Sigh. May problema kaya siya? Dalawin ko kaya?

"Lalim non ah. Problema?" At Oo nga pala, isang linggo na rin akong hindi tinitigilan ng Reyford na to. Aaminin ko, medyo magaan na ang pakiramdam ko sa kanya. Medyo lang.  Siya kasi yung tipo ng tao na nagpapakatotoo, yung parang walang tinatago, yung hindi nagpapanggap.

Kasalukuyan akong naglalakad sa gilid ng daan.

Tumigil ako at hinarap siya.

"Ikaw na naman?! Umalis ka na nga! Makita ka pa ng boyfriend ko, pagselosan ka pa nun." Sa totoo lang wala pa naman talaga akong boyfriend. Wala PA!! Dahil hindi ko pa sinasagot si Aldrin at may balak akong sagutin siya this week.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at iniwan siya dun.

"Hintay!!" Sigaw niya.

Bahala ka diyan. Mas binilisan ko pa ang lakad ko para mahirapan siyang mahabol ako pero useless lang din. Ang haba-haba kasi ng biyas eh. Yung dalawampung hakbang ko siguro, lima lang sa kanya. Kainis.

"Pwede ba tigilan mo ako Reyford-" Napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko si Aldrin kasama si...Ate? 

Hinila ko si Reyford papunta sa likod ng puno na malapit sa amin.

Tama ba yung nakita ko? Si Aldrin at si Ate? Hindi naman siguro di ba? Di ba?

Teka nga...

Bakit ba ako nagtatago at bakit hinila ko pa ang isang to?

Napa-iling na lang ako.

Sumilip ako para masiguro na hindi ako namamalikmata... Sila nga. Pero imposible naman yun eh. Kilala ko si Ate hindi niya magagawa sa akin tong naiisip ko dahil alam niyang mahal na mahal ko si Aldrin. Siguro magkaibigan lang sila, close friend. Tama! Tama! Yun lang yun.

Pero... hindi eh. Ang mga kilos ni Aldrin, ang mga ngiti niya, yun yung mga ngiting hindi ko pa nakita kapag ako ang kasama niya. Parang ibang tao tong nakikita ko ngayon.

"Siya ba? Siya ba yung sinasabi mong boyfriend mo? Hmmm. Mukhang nagtataksil siya sayo ah. Ate mo ba yung kasama niya?" Nakangiti niyang sabi habang nakatanaw sa dalawa.

"Bagay sila." Dugtong pa niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

Kung hindi lang malapit sina Ate sa amin kanina ko pa pinagsisigawan ang lalaking to. Tama bang sabihin na bagay sila gayong andito sa tabi niya yung babaeng nililigawan ni Aldrin. Nakakabwisit lang. Sarap niyang sakalin at sampalin ng paulit-ulit.

Sa totoo lang nasasaktan ako ngayon pero isasantabi ko muna yun. Kailangan ko munang kompirmahin ang mga hinala ko. Masaktan man ako, bahala na.

Pero sana...sana hindi. Sana mali ang nakikita ng mga mata ko. Sana ako ang nasa puso niya.

Muli akong sumilip at nakita kong nagsimula na silang maglakad paalis habang nagtatawanan at...


magka-holding hands...

Hindi ko na kinaya. Tumakbo ako habang pinipigilan ang mga luha ko. Ayaw kong umiyak. Ayoko. Pero kailangan.

Kaya hinayaan ko ang mga luha kong tumulo.

Takbo lang ako ng takbo habang pinupusan ang mga luha ko gamit ang likod ng palad ko. Pinagtitinganan na nga ako ng mga mata eh pero wala na akong pakialam.

Ano bang nangyayari sayo Tracey akala ko ba isasantabi mo muna ang sakit na nararamdaman mo? Kaya bakit ka umiiyak? Hindi pa naman sigurado kung sila nga eh? Isa pa, wala ka namang karapatang masaktan dahil in the first place hindi naman kayo. Hindi mo pa siya sinasagot kaya hindi mo pa siya boyfriend. Ano naman sayo kung humanap siya ng ibang babae? Kasalanan mo yan, hindi mo siya sinagot agad.

Kausap ko sa sarili ko.

Anong nang gagawin ko? Paano ko haharapin si Ate at Aldrin? Iiwas ba ako? O? Kakausapin sila? Ano bang tamang gawin ko? Yung hindi ako masasaktan ng sobra.

Bahala na. Basta nasasaktan ako ngayon. Eenjoyin ko na lang tong kadramahan ko ngayon.

Hahaha. Kahit paano napatawa ako ng sarili ko.

Napatigil ako sa pagdadrama at pagtakbo ng may humila sa kamay ko dahilan para mapatigil ako.

Muli niya akong hinila sapat para mapaharap ako sa kanya. Naramdaman ko na lang na yakap na niya ako.

"Umiyak ka lang. Huwag mong pigilan. Umiyak ka lang." Dahil sa mga katagang sinabi niya, tumulo ang mga luha ko ng sunod-sunod.

Sa gilid ng daan, habang dumadaan ang maraming tao, nakatayo kaming dalawa ni Reyford habang umiiyak ako.

Chapter Ends.....

                                        -fernania_2001

Summer:The Season Of Love(On-Going)Where stories live. Discover now