Chapter 3:His Sister

0 2 0
                                    

Lianne's P.O.V

Isang linggo na simula nung mangyari ang tagpong yun.

At sa loob ng isang linggong yun wala akong ibang ginawa kundi ang mag-mukmok at umiyak sa loob ng kwarto ko.Lalabas lang ako kapag gutom pagkatapos babalik din agad.

Nakalimutan ko na nga ang tungkol kay May eh.Hindi ko nga alam kong paano nahanap nung babaeng yun ang bahay namin at hindi ko na inalam pa.Pasalamat na lang ako at walang masamang nangyari sa kanya.

Basta ang alam ko lang,nasasaktan ako.Nasasaktan ako ng sobra-sobra.

Nag-expect naman ako na baka pag-uwi ko may bago na siya.Pero hindi ko naman alam na makakabuntis siya agad.

Ganun ba talaga kadaling kalimutan ang lahat ng sa amin?

Oo,limang taon ko siyang pinaghintay pero sa tuwing tumatawag,nagte-text at nagvivideo chat kami parati ko namang sinisigurado sa kanya na babalik ako at tutuparin ang mga pangako ko eh,sobrang excited na ba talaga siyang magkapamilya?

Siguro nga yun yung dahilan niya,hindi naman kasi siya pabata ng pabata eh.Isa pa baka excited na ang mga magulang niyang magka-apo. Sigh. Sa tingin ko hanggang dito na lang talaga kami.Kuntento't masaya na ako na naging malaking parte ng buhay ko si Craude.

Napatingin ako sa pinto.

Sunod-sunod na katok mula dito ang narinig ko kaya natigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano.

Tumayo ako sa pagkaka-upo sa kama ko at lumapit sa pinto.Ata't?Masyadong excited tong taong ah,may importanteng ba siyang sasabihin sa akin?

Saktong pagbukas ko ng pinto,tumalon papunta sa akin ang taong nasa likod nito at yumakap sa akin ng sobrang higpit.

Kaya ang resulta pareho kaming nasa sahig ngayon,buti na lang talaga at hindi gaanong masama ang pagkakabagsak ko masakit lang ng kunti pwet ko.

"Ate Lianne!!!Andito ka na po talaga di ba?!!Miss na miss na kita!!Wahh!!Ate Lianne si Kuya Craude inagaw na sa atin ng bruha niyang fiancee!!Ano na pong gagawin natin ngayon??Wahhh!!"

Napangiwi ako sa pagsigaw niya.Siguradong magkakasundo si May at ang batang to.

Gumanti ako ng yakap sa kanya pagkatapos hinaplos ko ang buhok niya.

"Wala na tayong magagawa pa tungkol dun Althea.Alam mo naman na buntis na yung babaeng yun di ba?Dun pa lang natalo na ako.Kaya wala nang silbi kung lalaban pa ako.Pero hindi ko naman sinasabing sinusukuan ko na ang kuya mo.Ang akin lang,mas makabubuti sigurong manahimik na lang ako at bumalik ng Maynila para tuparin ang mga pangarap ko at ipagpatuloy ang buhay na walang Craude.Maging masaya na lang tayo para sa kanya dahil sa wakas magiging tatay na siya at ikaw naman magiging Tita na at magkaka-apo na din ang mga magulang niyo."

Bumitaw siya ng yakap at umayos ng upo.Ganun din ako.

"Mahal mo pa ba si Kuya?"

Tumango ako.Hindi naman nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya dahil lang sa pangyayaring yun.

"Sinasabi mong mahal mo siya pero bakit hindi mo siya ipinapaglaban?Bakit parang sumusuko ka na sinasabi mong hindi?Bakit?"

Nagsimulang magsibagsakan ang mga luha niya kaya yinakap ko siya.Hinagod ko din ang likod niya para pakalmahin siya.

"Hindi naman kasi porke't mahal mo ang isang tao kailangan mo na siyang ipaglaban dahil minsan mas makabubuting bitawan mo na siya lalo na kung alam mong wala ka nang laban.Gaya ng sitwasyon namin ng Kuya mo ngayon,pinipili kong bitawan at palayain siya dahil yun yung tamang gawin."

Sabi ko.Hinigpitan ko pa lalo ang yakap ko sa kanya pakiramdam ko kasi iiyak na naman ako.Ayaw ko na,pagod na ako.

"Ate?"

"Hmmm?"

"Ilang linggo ka nang walang ligo?"







Chapter Ends...

                                         -fernania_2001

Summer:The Season Of Love(On-Going)Where stories live. Discover now