LTWH 3:His Laugh

10 2 0
                                    

Jaze P.O.V

Minulat ko ang mga mata ko at pamilyar na tanawin and bumungad sa akin.Nasa ospital na naman ako panigurado.

Naramdaman kong may nakakabit sa ilong ko ewan kong anong tawag dito basta tumutulong ito sa paghinga ko.

Sigh.Bakit ba nagising pa ako,ayaw ko  nang maranasan ulit ang ganung klaseng sakit hindi ko maipaliwanag basta pakiramdam ko parang hinihiwa ang puso ko sa dalawa. Sobrang sakit.

Ginalaw ko ang ulo ko at umungol hindi ako makapagsalita pakiramdam ko hinang-hina ako.

"Ma gising na siya." narinig kong sabi ni Ate.Wala man lang akong maramdamang kasiyahan sa tono ng pananalita niya,parang hindi siya masayang buhay pa ako.Sabagay bakit naman siya magiging masaya tingin nga  niya sa akin pabigat di ba?Kaya malamang mas gugustuhin niyang hindi na ako magising pa.Ang sakit lang.Parang wala kaming pinagsamahan.

Narinig ko ang mga nagmamadaling yabag nina Mama at Papa papalapit sa akin.

Nang tuluyan silang makalapit,pinagsalikop ni Mama ang kamay namin at humalik dito samantala si Papa naman ay nakatingin lang sa akin na puno ng pag-aalala.

"Anak...Kumusta ang pakiramdam mo?May masakit ba sa iyo?Nagugutom ka ba o kaya nauuhaw?Ano?"tanong ni Mama sa akin na mahihimigan ang pag-aalala boses niya.

"Ano ka ba naman Ma?Isa-isa lang pwede?Kita mong kagigising lang ng anak natin di ba?"awat sa kaniya ni Papa.Tiningnan lang ni Mama ng masama si Papa at muling binaling sa akin ang atensiyon niya.Napangiti tuloy ako.Nabawasan kahit papaano ang sakit na nararamdaman ko dahil kay Ate.Atleast alam kong may mga taong naghihintay sa paggising ko.Masaya na ako dun.

"Hayy!!Ikaw talagang bata ka pinag-alala mo ako!Kami ng Papa at Ate mo!Buti na lang talaga at may nakakita sayo at tinulungan ka dahil pagnagkataon hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko sa oras na mawala ka sa amin."

Napahigpit ang pagkakahawak ni Mama sa kamay ko kasabay ng pagbagsak ng mga luha niya.

Hindi ko maiwasang hindi mapaluha sa nakikita kong sakit na nararamdaman ni Mama nang dahil sa akin.

Bakit nga ba hindi ko sila naisip?Kung anong mararamdaman nila sa oras na mawala ako?

Sigurado akong malulungkot sila at ayaw kong mangyari yun.

Bigla akong nabuhayan ng loob.Handa na akong lumaban para sa sarili ko at para sa pamilya ko.Hindi ko susukuan ang laban na to.

Yinakap ako nina Mama at Papa ng sobrang higpit.Ramdam kong mahal talaga nila ako.

Tumingin ako sa gawi ni Ate pero tinarayan lang ako ng loka-loka.Mukhang mali si Mama hindi ko pinag-alala si Ate.

Nang bumitiw sila ng yakap pinunasan ni Mama ang luha sa mga mata ko at ngumiti na nagpagaan sa loob ko.

Napansin kong may lalaking nakatayo di kalayuan  sa likod  nina Mama at Papa nakatingin siya sa akin.Nang mapansin ni Ateng nakatingin ako sa lalaking yun,tinarayan niya ulit ako at naglakad papunta dun sa lalaki at kinausap ito,kung usap ba talaga ang tawag sa ginagawa niya.

Inalis ko ang tingin ko sa dalawang yun at tinuon ang pansin ko kay Mama ng maramdaman kong hinawi niya ang buhok kong nakaharang sa aking mga mata.

"Anak,huwag kang susuko ha kahit na anong mangyari.Promise mo yan ha?Hindi kasi alam ni Mama kung makakaya niyang mawalan ng isang anak.Kaya please lumaban ka.Andito lang kami para sayo." Panay pa rin ang pagtulo ng mga luha ni Mama.Si papa naman hinahagod ang mga balikat ni Mama para pakalmahin ito.

Summer:The Season Of Love(On-Going)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum