Chapter 1:Finally!!!

0 2 0
                                    

Lianne's P.O.V

"Sigurado ka bang aalis ka na talaga?Di ka na talaga magpapigil?Katatapos lang ng graduation natin ha,hindi ka ba muna magpapahinga?Bukas nang umaga ka na lang umalis Lianne,please..."

Pang-ilang ulit na niyang sinasabi sa akin yan.Pinipilit niya talaga akong mag-stay ng mas matagal.

Pwede naman eh.Kaya lang kasi may taong naghihintay sa akin dun at alam kong miss na miss na niya ako,ganun din naman ako.Miss na miss ko na din siya.

Sinara ko ang zipper ng maleta at pumihit patalikod.Tumayo ako sa pagkaka-upo sa kama at humarap sa kanya.Humawak ako sa mga balikat niya tapos tumingin ako sa mga mata niya at ngumiti.An apologetic one.

"May,sorry...Pero hindi na pwede eh.Alam mo naman na matagal kong hinintay ang pagdating ng araw na to di ba?Kaya hindi ko na kayang manatili pa dito ng mas matagal.Hindi sa hindi ako masaya dito kaya lang kasi may pangako akong binitawan sa isang tao at oras na para tuparin ko yun.Sorry talaga May.Magkikita pa din naman tayo eh.Huwag kang mag-alala."

Inalis niya ang pagkakahawak ng mga kamay ko sa balikat niya.Yumuko siya at tumalikod sa akin.

Naman eh.Ang hirap naman nito.Ayaw kong umalis na may sama ng loob sa akin ang kaisa-isa kong pamilya at kaibigan dito sa Maynila.

Nagsimula na siyang maglakad palabas ng kwarto ko.Kita ko kung paano niya punasan ang mga luha niya.Mukhang nasaktan ko siya at nasasaktan din ako dahil dun.Ano nang gagawin ko?!!

Ano na?Ano?!Ano?!!An-...

"Kung gusto mo sumama ka sa akin!!!"

Mabilis kong sabi.Yan ang kaisa-isang  ideyang pumasok sa isip ko.Kasi naman natataranta na ako.Sa oras kasi na makalabas siya ng pinto,mahihirapan na talaga akong suyuin siya.Iba pa naman ang topak niya pag galit.Sigh.Sana gumana.

Napatigil siya sa paglalakad at dahan-dahang humarap sa akin.

Ganun na lamang pagka-gulat ko ng makita ko siyang nakangiti  ng malapad as in sobrang lapad.Bwesit nadali ako dun ah.Hindi pala siya umiiyak,arte lang pala yun.Bwesit talaga.Kainis.

Tumakbo siya sa akin at yinakap ako.Baliw talaga.

"Yun lang naman ang hinintay kong sabihin mo eh.Tara na...Alis na tayo."sabi niya.Nauna siyang lumakad palabas at may parang hinihila sa gilid ng pader sa tabi ng pinto.Ano bang ginagawa niya?

Napaawang ang mga labi ko dahil sa nakita kong napakalaking maleta na hila-hila niya.May balak pa ba siyang umuwi?Grabe mukha atang dinala na niya lahat ng gamit niya .

Grabe siya halatang hindi niya pinaghandaan to.

" Ano na?!!Aalis ba tayo o hindi?"napabalik naman ako sa realidad dahil sa sigaw niya na yun.

Nagsuot ako ng sapatos at pagkatapos hinila ko ang aking maleta  at naglakad palabas ng kwarto.

'Iba talaga ang babaeng yun!!'napapa-iling kong wika sa sarili ko.Hindi ko talaga alam kung paano kami nagkasundo nun.Basta paggising ko na lang isang araw close na kami.

"PWEDE BA BILIS-BILISAN MO DIYAN!!NAKABABA NA AKO'T NAKASAYAW NG ISANG ROUND NG ZUMBA ANDIYAN KA PA DIN!!"

Kanina kung mag-drama wagas akala mo hindi na ulit kami magkikita tapos ngayon biglang-Sigh.Ewan!!Ang gulo talaga ng babaeng yun.

Pero kahit ganun ang takbo ng utak nun,mahal ko yun.
...................

Kasalukuyan kaming nasa bus.

Nasa kalagitnaan kami ng biyahe papunta sa probinsiya ko kung saan naghihintay ang mga taong importante sa akin lalong-lalo na siya.

Excited na talaga akong makita siya.Ano na kayang itsura niya ngayon?Siguro mas lalo siyang pumogi.

Sana nga lang hindi siya galit sa akin.

Pero mukhang malabo yun.Sana nga lang hindi siya sobrang galit sa akin to the point na kinalimutan na niya ako.Masakit yun panigurado.

Tumingin ako sa bintana at pinagmasdan ang mga bundok na aming nadadaanan at bumuntong-hininga.

Bigla tuloy nagkaroon ng takot sa puso ko dahil sa mga pinag-iisip ko.Kasi naman eh-ah basta.Bahala na.

Chapter Ends......

                                      -fernania_2001

Summer:The Season Of Love(On-Going)Onde histórias criam vida. Descubra agora