LTWH 7:Contented

4 2 0
                                    

Jaze P.O.V

Maaga akong nagising.

Sino ba namang hindi?

Ang aga-aga pero ang kapitbahay namin wagas na kung makapag-videooke.Buti sana kung magaganda ang mga boses.Di ba nila alam na nakaka-istorbo sila ng tulog.Kainis.

Ginulo ko ang buhok ko at napabuntong hininga na lang.Wala naman na akong magagawa pa kundi ang pabayaan sila eh.

Bumangon ako sa higaan at nagpasyang lumabas ng kwarto ko para magbanyo.

Oo,wala akong banyo sa kwarto ko.Mahirap nga lang talaga kami.Iisa lang banyo sa bahay na to.Maliit lang pero okay naman.Buti nga hiwalay kami ng kwarto ni Ate dahil pagnagkataon na hindi,Hindi ko na alam kung humihinga pa rin ba ako hanggang  ngayon.

Saktong paglabas ko ng kwarto nakasalubong ko si Papa.

"Oh,anak,Good Morning!!Aga ng gising natin ha?"

"Uhmm." Tumango na lang ako.Antok na antok pa talaga ako.

"Sige,una na ako anak ha."paalam ni Papa sa akin.

"Bye Pa.Ingat."

"Ingat ka rin.Bye."

Dumiretso ako sa kusina,naabutan ko si Mama dun na nagluluto ng agahan.

"Oh,gising ka na pala.Sandali na lang ito anak maluluto na to." Sabi niya.

Tumango lang ulit ako.Pumasok ako sa maliit naming banyo at ginawa ang mga dapat kong gawin.

"Pwede ba bilis-bilisan mo diyan,hindi lang ikaw ang gagamit ng banyo no!" Sigaw ni Ate mula sa labas.Napaka-inipin talaga.Ganito palagi ang eksena namin tuwing umaga.

Sa halip na bilisan ko ang kilos ko mas binagalan ko pa.Bahala siya  magsisigaw diyan hindi naman ako ang mapapaos eh.

Paglabas ko nang banyo,dali-daling pumasok si Ate.Tinulak pa niya ako paalis sa daanan.Haha.Nakakatawa ang itsura niya,ihing-ihi na talaga siya.

"Good Morning!!"Halos mabitin naman sa ere ang tawa ko ng marinig ko ang boses na yun.Si Carlo.

" Oh,Carlo ikaw pala.Good Morning din.Tamang-tama katatapos ko lang magluto,saluhan mo na kami sa agahan."sabi ni Mama.

Lumingon ako sa kanya.Eto na naman ang tibok ng puso ko.Ang bilis na naman.

Habang nakatingin ako sa kanya parang unti-unting bumabagal ang oras.Ang mga kilos niya parang bumagal kita ko kung paano gumalaw ang mga parte ng katawan niya mula ulo hanggang paa at ang malala pa para siyang nagliliwanag dahil sa mga ngiti niya.Kailangan ko na talagang ipa-check ang mga mata ko.

Nabalik naman ako sa realidad ng biglang sumigaw si Mama.

"Anak,halika ka na dito kumain ka na."

"Ah Opo!!" Gulat kong sabi.Dali-dali akong naglakad palapit sa hapag kainan at umupo malayo kay Carlo,mahirap na baka bigla na lang akong bumulagta mamaya kapag nagdikit kaming dalawa.

Pero ang loko,hindi nga dumikit sa akin umupo naman sa harap ko,so bale magkaharap na kami ngayon.

Kanina ko pa napapansin ang titig ni Carlo sa akin.Hindi tuloy ako makakain ng maayos kasi naiilang ako sa mga titig niya.Kung nakakatunaw lang talaga ang tingin malamang kanina pa ako  tunaw dito.

Hindi ko na talaga kayang tiisin to.

"Kung may balak kang titigan ako maghapon kunan mo na lang ako ng picture sa ganung paraan hindi ako mailang sa mga titig mo.Hindi ako makakain ng maayos dahil sayo eh." Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.

Napansin kong napatigil si Mama at si Ate sa pagkain.

Tumingin ako kay Carlo.Tumingin naman sa akin sina Mama at Ate.

Binitawan niya ang kutsara't tinidor na hawak niya at tumingin diretso sa mga mata ko.Ngumiti siya at mas linapit niya ang mukha niya sa akin.Pero hindi ako umiwas,nakipagtitigan ako sa kanya.

"Kung alam mo lang,gabi-gabi kong tinitigan ang mukha mo sa picture nating dalawa nung andun tayo sa sapa pero hindi ako kontento dun mas gusto kong titigan ang mukha mo ng personal at malapitan gaya nito.Ang makintab mong buhok," sabay haplos niya sa buhok ko."ang mapupungay mong mga mata,"sabay haplos niya sa ibabang bahagi ng mga mata ko gamit ang hinlalaki niya."ang matangos mong ilong"sabay haplos niya dito gamit ang hintuturo niya."at ang mapula mong labi."tinitigan niya ito pagkatapos muli siyang tumingin sa mga mata ko. "Gusto kong titigan ang mga yun ng harapan."sabi niya ng di inaalis ang tingin sa akin.Hindi ako makasagot.Ang lakas din ng tibok ng puso ko,palagi naman kapag andyan siya eh.

Nakatitig pa rin siya sa akin ganun din ako.

" Gusto kita.Ay mali.Mahal na kita."dugtong niya sa sinasabi niya.Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko.Napansin ko naman sa gilid  ng mga mata ko ang paglaki ng mga mata ni Ate at ni Mama sa narinig nila.

Hindi to tama.Mali to.Hindi niya ako pwedeng mahalin.

Tumayo ako sa pag-kakaupo at mabilis na tinungo ang kwarto ko at ni-lock ito.

Umupo ako sa gilid ng kama.

Oo masaya akong malaman na mahal niya ako,sino ba naman kasi ang  hindi magiging masaya sa oras na malaman nila na mahal din sila ng taong mahal nila di ba?Wala naman siguro.

Pero kasi ang sakit ko...

Lumalala.....

2 months...dalawang buwan na lang ang itatagal ng buhay ko sa oras na walang mahanap na donor na ka-match ng puso ko.

Pahina ng pahina ang puso ko at  paiksi naman ng paiksi ang oras ko sa mundong ito.

Paano ko nalaman?Narinig ko kina Mama kagabi habang nag-uusap sila  ni Papa,pagkatapos ko silang iwanan bumalik ako pagkatapos ng ilang minuto para sana sagutin ang tanong ni Papa tungkol sa kung may nagugustuhan na ba ako hindi nila siguro napansin na papalapit ako sa kanila.Kaya pala di nila sinasabi sa akin ang resulta ng mga test na ginawa sa akin dahil ayaw nila akong matakot at malungkot.

Hindi ako galit sa kanila,nagtatampo lang dahil nilihim nila sa akin ang tunay kong kalagayan.

Sa loob ng maiksing panahon naging masaya ako sa naging buhay ko dito sa mundo.Kahit panandalian lang kontento na ako.Maraming bagay pa akong gustong gawin pero sa tingin ko hindi ko magagawa ang lahat ng yun sa loob ng dalawang buwan kaya ang mga pinapangarap ko na lang ang gagawin ko para atleast kung bawian man ako ng buhay naranasan at nagawa ko ang mga bagay na yun.

Kabilang na dun ang magmahal.Gusto kong maranasan kung paano magmahal at mahalin,kung ano ang pakiramdam ng may matawag na boyfriend,gusto ko ring maranasan ang magka-asawa't magkapamilya pero impossible na.Hindi naman ako makahahanap ng asawa sa loob ng dalawang buwan at lalong malabo na magkapamilya ako sa maiksing panahong iyon.

Mahal ko si Carlo at mahal din niya ako pero ayaw kong mag-iwan ng sakit sa kanya kung sakali mang mawala ako.

Kontento na ako na.........











magkaibigan lang kami.Masaya na ako dun.

Chapter Ends.....

                                         -fernania_2001

Summer:The Season Of Love(On-Going)Where stories live. Discover now