Chapter 6:The Dinner

0 2 0
                                    

Lianne's P.O.V

Nang sumapit ang gabi.Hindi na ako mapakali.Kasi naman, inimbita ako ni Manang Flor diba? Naisip ko ngang wag na lang sumipot kaso nakakahiya naman.

"Oy, nakabihis ka ah, saan punta mo?" Tanong ni May habang may nginunguyang chips.Naglakad siya palapit sa akin at umupo sa gilid ng kama katabi ko.Kumuha ako ng chips na kinakain niya.Pampa-tanggal kaba.

"Inimbita kasi ako ni Manang Flor, birthday niya kasi ngayo-"

"Ateeeeeee Lianne!!!!!" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng marinig namin ang napakalakas na sigaw na yun.Si Althea.

Rinig na rinig namin ang bawat yabag niya palapit sa amin.

"Ate Lianne!!" sigaw niya ulit habang nakatayo na sa may pinto ng kwarto. Mababakas sa boses niya ang kasiyahan.

Hinanda ko na ang sarili ko.Buti na lang talaga naka-upo ako sa kama.Hindi ako masyadong masasaktan.

Tumakbo siya palapit sa kinaroroonan ko at tumalon payakap sa akin.

Arg. Masakit pa rin pala. Baliw talaga tong batang to.

"Ate Lianne!! Tara na pinapasundo ka na sa akin ni Manang Flor." Sabi niya habang nakayakap pa rin siya sa akin. Nagulat na lang ako ng maramdaman kong hindi na siya nakapatong sa akin.

"Hoy bata!!Maawa ka naman sa bestfriend ko. Kita mo nang halos buto't balat na lang yang babaeng yun tapos kung makatalon ka-" rinig kong sigaw ni May kay Althea. Paktay. Mag-aaway pa ata. Kaya inawat ko na si May. Akala ko pa naman magkakasundo ang dalawang to. Mukhang mali ako.

"Hep! Tama na! Magbihis ka May, samahan mo ako." Pa-utos kong sabi. Kailangan ko siya dun mamaya dahil siguradong malulungkot lang ako ng bongga.

"Sige. Sige. Sandali la-" hindi siya pinatapos ni Althea sa kung ano man ang sasabihin niya.

"Pasensiya na po, kasi po hindi po kami nagpapasok ng chaka sa bahay namin." Sabi ni Althea in sarcastic way.

"Ah, ganun ba? Buti pinapapasok ka nila. Sabagay, anak ka pala nila." Sagot naman ng bestfriend ko sabay pasok sa banyo. Balak pa sanang sumagot nitong katabi ko ng itikom niya ulit ang bibig niya at ngumiti ng nakakaloko. Patay. May binabalak.

Hinila niya ako palabas ng kwarto.

"Teka lang si May." Awat ko sa kanya. Pero hindi siya nagpatinag tuloy-tuloy lang siya sa paghila sa akin palabas.

"Hayaan mo na Ate yung bruha yun. Bahala siyang mag-effort kakaligo. Wahaha." Napa-iling na lang ako. Baliw talaga.

Sumakay kami ng kotse niya. Sakanya daw to eh sabi niya. Regalo ng parents niya nung nag-graduate siya ng Elementary. Ang bongga di ba?

Tinext ko na rin si May na nauna na kami. Pinapasunod ko nga siya, kaya lang ayaw niya eh, nahihiya daw siya. May hiya pa pala siya.

"Ate, andito na tayo. Baba ka na." Ang bilis naman ata. Sabagay, ilang bahay lang naman ang kailangang daanan bago makarating dito sa bahay nila eh.

Wahh!! Kinakabahan ako. Kakayanin ko ba? Kakayanin ko bang harapin si Craude at ang fiancee niyang mukhang ipis.

Balak ko na sanang tumalikod at umalis pero mukhang tadhana na ang gumagawa ng paraan para tuluyan kong makaharap ang mag-fianceeng yun.

"Andito ka na pala Lianne iha. Tara pasok na tayo." Wala na akong magagawa.

Patnubayan niyo po ako.



Chapter Ends......

                                         -fernania_2001



Summer:The Season Of Love(On-Going)Where stories live. Discover now