Chapter 7: The Dinner (Part 2)

0 2 0
                                    

Lianne's P.O.V

Malakas na tawanan ang naririnig ko habang palapit ako sa dining nila.

Ito na talaga. Wala nang atrasan. Humihinga ako ng malalim at pinakawalan ito. Kung andito lang sana si May siguradong hindi ko nararamdaman tong kabang to ngayon. Pero wala siya eh. Pero kakayanin ko to. Fighting!!!

"Oh, andito ka na pala iha, upo ka na dito." Sabi ni Tito Andrew habang tinatap ang upuang katabi niya at kaharap ni Craude. Nananadya ba si Tito?

Tumango lang ako at naglakad papunta sa upuang tinuro niya. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang matatalim na tingin sa akin ng babaeng katabi ni Craude. Ang fiancee niyang hindi ko alam ang pangalan.

Dahan-dahan akong umupo. Nakayuko lang ako. Iniiwasan kong magtama ang paningin naming dalawa ni Craude. Katakot kasi ang fiancee niya. Feeling ko pinapatay na niya ako sa utak niya. Ehhh...Creepy.

May naramdaman akong umupo sa tabi ko kaya nag-angat ako ng tingin. Si Christian, pinsan ni Craude katabi naman niya si Althea at katabi ni Althea si Manang Flor. Gwapo din tong isa to, yun nga lang may kasamaan ang ugali. Konti lang naman.

Nginitian niya ako kaya sinuklian ko din siya ng ngiti.


Tahimik kaming kumakain ng basagin ito ni Tita Emmy.

"Lianne, may boyfriend ka ba ngayon?" Nabilaukan ako dahil sa tanong na yun. Buti na lang inabutan agad ako ng tubig ni Christian. Napa-ayos ako ng upo at tumingin kay Tita.
Aksidenteng nagtama ang mga mata namin ni Craude. Parang naghihintay siya sa sagot ko.

"Ahrmm. Ahrmm. Sa totoo lang po, wala." Si Craude lang naman kasi ang laman ng puso't isip ko eh. Ay gumaganon.

Napansin kong napangiti silang lahat maliban lang kay Craude, at sa fiancee niya. Tsk. Bakit kaya wala siyang reaksiyon?

"Ikaw kuya Christian, wala ka bang girlfriend?" Tanong ni Althea.

Napansin kong tumingin siya kay ano sa fiancee ni Craude at ngumiti. Isang ngiti na may kasamang lungkot. Hmm. I smell something fishy.

"Wala na. Dati meron pero nasa piling na siya ng iba ngayon." Malungkot niyang sabi.

"Si Ate Lianne, available siya. Ligawan mo kaya siya Kuya. Bagay kayo oh. Ayieee."

Naramdaman kong tumingin sa akin si Christian. Tingin nga ba o titig?

Nag-init tuloy ang pisngi ko. Nakakahiya.

"Tsk." Tumayo si Craude at nagmartsa palabas ng dining.

Anong nangyari dun? Tumawa silang lahat maliban lang sa aming dalawa ng fiancee ni Craude. Anong nakakatawa?

Nagulat ako ng padabog ding tumayo si fiancee at sumunod kay Craude mas lumakas ang tawa nila ng dahil dun. Ano bang nakakatawa di ako makarelate?

Hanggang sa natapos kaming kumain hindi na bumalik si Craude at ang fiancee niya. Problema ng dalawang yun? Gusto sigurong mag-solo.

Ay! Oo nga pala nakalimutan kong batiin si Manang Flor. Tapos na akong kumain at lahat hindi ko pa siya nababati at hindi ko pa din naiaabot tong regalo ko sa kanya.

Hinanap ko si Manang Flor kaya lang hindi ko siya mahanap. Saan kaya siya nagpunta?

Nakakapagod. Saktong andito ako sa garden nila at may swing sila dito kaya mauupo muna ako dun.

Nakahinga na din ng maluwag.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at balak ko sanang i-text si May para sunduin ako dito pero di natuloy dahil sa lalaking nakatayo sa harap ko ngayon.

"Craude."

Chapter Ends.....

                                         -fernania_2001


Summer:The Season Of Love(On-Going)Where stories live. Discover now