LTWH 5:Friends

5 2 0
                                    

Jaze P.O.V

Tahimik lang kami pareho habang binabagtas namin ang daan papunta sa kung saan.

Kahit na anong limot ang gawin ko,hindi pa rin talaga maalis sa isip ko ang mga tanong na bumabagabag sa akin tungkol sa kung sino ba talaga tong katabi ko.

Sinulyapan ko siya pero agad ko ding iniwas ang tingin ko sa kanya ng mapansin kong titingin siya sa akin.

Napansin kaya niya nang nakatingin ako sa kanya?

"Ahm..Ano" natuon ang pansin ko sa kanya.Hindi niya matapos-tapos ang pagsasalita niya parang nahihiya siya.Napahawak pa siya sa batok niya.Wahhh!!!Tatanungin na niya.Anong isasagot ko?Wahhh!!Help!!

"Can we??" Ha?Can we?Bakit ganyan ang simula?Di ba dapat "Are you?" Tapos "staring at me?" Dapat ganun di ba?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
be friends?"natahimik ako sa tanong niya.Hindi ako makapag-salita.Biglang nag-flashback sa isipan ko lahat ng alaala ko kasama ang mga bestfriends ko at kung paano ko sila sinaktan para layuan nila ako.

Napakahirap ng desisyon na yun.Sobrang hirap.Araw-araw akong umiiyak at humihingi ng tawad sa kanila kahit di nila alam.

Napaka-duwag ko.Pinag-sisihan ko na ginawa ko ang bagay na yun.Ang gusto ko lang naman iiwas sila sa sakit na maaring nilang maramdaman kapag nalaman nila ang kalagayan ko.Dahil sa kagustuhan na yun,hindi ko namalayan na mas sinaktan ko pa pala sila ng sobra.

Alam ng diyos kung gaano ko kagustong ibalik ang araw na iyon at baguhin ang lahat pero hindi eh.Hindi na pwede.

Ngayon may isang taong nag-aalok sa akin ng pagkakaibigan,kaya ko ba?Kaya ko bang tanggapin ang inaalok niya.

Alam ko sa puso ko na gusto kong maranasan ulit ang magkaroon ng kaibigan.Kaibigan na makakatawanan.Kaibigan na makakasama sa kabaliwan.Kaibigan na patatawanin ka kapag malungkot ka at ang kaibigan na handa kang damayan sa panahon na nahihirapan ka.

Oo hindi ko binigyan ng chance ang mga best friends ko na damayan ako kasi ayaw kong makita silang nahihirapan ng dahil sa akin,pamilya pa nga lang sobrang bigat na sa dibdib siguradong hindi ko na kakayanin kapag sumama pa sila pero napa-isip ako kong tama ba ang desisyon na yun.

"Hey!!Are you alright?Teka..Bakit ka umiiyak?" Hinawakan ko ang pisngi ko at tama siya umiiyak nga ako hindi ko man lang napansin.Pinunasan ko muna ang mga ito at sumagot sa tanong niya.

"Okay lang ako,don't worry." Yumuko ako at umiwas sa mga tingin niya.Tumingin na lang ako sa labas ng bintana para maka-iwas talaga.Hindi ko kasi mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko.Kaya hinayaan ko na lang.Ngayon ko lang na realized kung gaano ko na ka-miss ang mga kaibigan ko.Matagal kong itinago ang damdaming kong to pero hindi talaga maiiwasang lumabas ito pagdating ng panahon.Sa sobrang tagal sigurong nakatago kaya ganito na lang kahirap pigilan.

Nagpapasalamat ako kay Carlo dahil hindi na siya nag-usisa pa hinayaan lang niya ako.

Makalipas ang ilang minuto tumigil ang kotseng sinasakyan Pinunasan ko muna  ang mga luha ko at inayos ang sarili ko bago bumaba.Nahirapan pa akong buksan ang pintuan ng kotseng to.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng kotse malakas na ihip ng  hangin ang sumalubong sa akin.

Tumingin ako sa paligid.Wow.Andito kami sa isang sapa na napapaligiran ng mga puno hindi ko alam kung paano kami nakapunta dito at kung paano nila natagpuan ang lugar na to mamaya ko na lang tatanungin.

Ang ganda ng lugar na to.Napakatahimik at napakapresko ng hangin.Ang daming mga punong nakapalibot dito kaya hindi mainit kahit pa tirik na tirik na ang araw.Wahhh!!Ang sarap sa pakiramdam.

Summer:The Season Of Love(On-Going)Where stories live. Discover now