Confession 4: The Other Guy(Part 2)

1 2 0
                                    

Tracey's P.O.V

Kanina pa ako nakahalumbaba dito sa karinderya namin. Nakakapagtaka,  wala masyadong costumer ngayon. Dati rati kapag mga ganitong oras dagsa na ang mga taong gustong kumain dito.

Tumingin ako sa pwesto ni Aldrin kung saan siya palaging naka-upo kapag andito siya. Doon ko narealize kung bakit?

Mukhang mali ata ang desisyon ko ng sinabi kong tumigil na siya sa pagtambay dito sa karinderya namin, pabalikin ko kaya siya. Huwag na lang nakakahiya.

"Ate, labas lang ako sandali ah. Magtatawag lang ako ng costumer!!" Sigaw ko. Andun kasi siya sa kusina kasama sina Mama at Papa.

Lumabas ako ng karinderya namin at nagunat-unat. Napatigil ako sa ginagawa ko ng mapansin kong ang daming taong nakapila sa karinderya nina Cassidy. Mostly, mga lalaki ang nakapila. Anong meron?

Dahil nacucurios ako, nagpasya akong lumapit. Hindi naman siguro masama tong ginagawa ko.

Kinalabit ko ang mamang nasa harap ko.

"Kuya, anong meron?"

"Huwag kang magulo diyan." Panay ang tingin niya sa loob ay!! Hindi lang pala siya pati yung ibang mga lalaki humahaba rin ang leeg. Bwesit. Hindi man lang ako sinagot ng maayos ng mamang to. Mas lalo tuloy akong nacucurios.

Bahala kayo diyan. Sumingit ako sa pila pero mukhang mali ata yun. Well, mali naman talaga ang sumingit sa pila.

"Hoy!! Ano ba!! Pumila ka nga! Wag kang sisingit-singit!!" Sabi nung chakang mama sabay tulak sa akin ng may kalakasan.

Napaupo ako sa semento. Bwesit talaga. Ano bang meron sa karinderyang to. Ouch. Ang sakit ng pwet ko.

Tumayo ako at pinagpagan ang sarili ko.

Dahil sa nangyari trumiple ang curiousity na nararamdaman ko.

Muli akong sumingit sa pila ng mga abnoy na lalaki at ilang mura at tulak ang natanggap ko ng paulit-ulit. Pero hindi ako sumuko.

At sa wakas matapos ang sakit sa katawang pagsingit nakarating rin sa harap.

Muntik akong masuka sa nakikita ko ngayon. Kaya pala. Kaya pala pinipilihan ng mga lalaki ang karinderya nila. Dahil, dahil lahat ng waitress nila halos hubo't hubad na!!!  Nakakadiri. Lahat sila nakabikini lang, anong akala nila andun sila sa beach?!! Pati si Cassidy!! Yuck!! Nakakadiri talaga!!

Makaalis na nga dito!!

Tumalikod ako ngunit muling humarap ng may gulat na expresyon ng may mapansin akong lalaki di kalayuan sa pwesto ko. Andito siya!! Yung driver ng motor na muntik nang pumatay si akin.

Patay ka sa akin ngayon.

Nagmartsa ako papunta sa pwesto ng mokong na yun.

Inagaw ko ang tray na dala ng isang waitress na papunta sa pwesto ni mokong at buong lakas na inilapag ito sa harapan niya.

Gulat na gulat siya muntik pa nga siyang matumba sa pagkakaupo eh. Hahaha. Bagay lang sa kanya yun. Tumalikod ako sa kanya at nagmartsa palabas. Abot tenga ang ngiti ko.

Yehey!! Nakaganti rin sa wakas. Naiparamdam ko rin sa kanya ang gulat at kaba na naramdaman ko ng muntik na niya akong masagasaan.

Paglabas ko sa karinderya nina Cassidy nagtatatalon ako dahil sa sobrang kasiyahan.

Hahaha. Ang epic ng itsura niya. Muli akong lumingon sa pintuan habang nakangiti pero nawala ang ngiti na yun ng makita kong palapit sa akin si mokong. Oh! Oh! Tumakbo ako ng sobrang bilis. Ayaw kong lumingon sa likod, natatakot ako.

Balak ko na sanang tumawid ng kalsada ng mapatigil ako dahil may humawak ng mahigpit sa kanang wrist ko at hinila ako ng sobrang lakas dahilan para tumama ang mukha ko sa matigas niyang dibdib. Napapikit ako.Hmmm. Ang bango niya.

Napamulat ako ng mata ng marinig ko ang mabilis na pagdaan ng humaharurot na sasakyan. Kaya ba niya ako-? Iniligtas niya ako?

Humiwalay ako sa kanya at hinarap siya.

"Ikaw!!" Sigaw ko habang nakaturo sa kanya.

Bakit ba lapitin ako ng sasakyan?

"Thank you!!" Sabi ko sabay karipas ng takbo.


Chapter Ends...

                                         -fernania_2001

Summer:The Season Of Love(On-Going)Where stories live. Discover now