LTWH 8:Fishing

3 2 0
                                    

Jaze P.O.V

Dalawang araw na ang nakakalipas simula ng aminin ni Carlo na mahal din niya ako.

Sa loob ng dalawang araw na yun palagi pa rin siyang dumadalaw sa bahay namin pero hindi ko siya pinapansin.Alam na rin ni Papa ang tungkol sa pag-amin ni Carlo,nagulat nga ako kasi hindi man lang siya nagalit mukha ngang masaya pa siya.

Pero napapansin ko nitong mga nakaraang araw parang may mali kay Carlo.Palaging siyang nakatulala at parang may malalim na iniisip,ramdam ko ding malungkot siya.

Naguguilty tuloy ako,pakiramdam ko kasi kaya siya nagkakaganyan ay dahil sa akin,sa hindi ko pagpansin sa kanya at sa pag-iwas na ginagawa ko.Pero anong magagawa ko?Kung pwede lang sana.Kung kaya ko lang sana.Alam ng diyos kung gaano ko kagusto na lapitan siya at sabihin sa kanya ang nararamdaman ko pero hindi talaga pwede.Ayaw kong masaktan siya.Ayokong mas lalong lumalim ang nararamdaman namin para sa isa't isa dahil pagnagkataon mas masakit at mas mahirap yun sa amin pareho.

Nagpasya akong maglakad-lakad muna sa maliit naming Barangay para maalis naman sa isip ko si Carlo at ang tungkol sa kalusugan ko.Isa pa namimiss ko na rin ang kumain ng mga street foods gaya ng fishball at kikiam.

Isa pa pakiramdam ko nakulong ako sa bahay sa loob ng maraming taon kaya hindi ko na alam kung anong pagbabago sa munti naming barangay.Nagpaalam naman ako kay Mama at ang sabi niya huwag daw akong magpapagod,palagi namang ganyan ang sinasabi niya eh.

Masaya kong binabagtas ang daan patungo sa covered court ng barangay namin,andun kasi ang mga nagtitinda ng masasarap na street foods ng may pamilyar na kotseng biglang tumigil sa gilid ko.Sa kabila ng pagkagulat napansin ko pa rin ang mapag-usisang tingin ng mga tao na nakatingin sa akin ngayon at sa kotse.

Bumukas ang pintuan nito sa kabila at lumabas si Carlo,dali-dali siyang pumunta sa pwesto ko at hinila ako palapit sa kotse niya,binuksan niya ang pintuan at hinila ako papasok pero nagpumiglas ako.

"Teka nga,san mo ba ako dadalhin ha?"sabi ko habang pinipigilan siyang maipasok ako sa kotse niya.Hindi siya sumagot sa tanong ko.Hinarap niya ako sa kanya at tumitig siya sa mga mata ko.Tumitig din ako sa mga mata niya kahit nakaka-ilang,pero wala akong makitang expression dito.

" Pag hindi mo sinabi kung saan tayo pupunta,hindi ako sasama sayo."Pagpapatuloy ko.

"Last na to Jaze.Last na to,pagkatapos hindi mo na ako makikita ulit.Kaya pagbigyan mo na ako.Please..."paki-usap niya sa akin.Ramdam ko ang lungkot sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.Bigla akong nakaramdam ng lungkot ng sabihin niyang last na to,ibig sabihin pagkatapos nito talagang hindi ko na siya makikita?Dapat makaramdam ako ng saya di ba?Kasi nga mawawala na siya.Pero bakit ang lungkot ko?

Tumango na lang ako,hindi ko kasi kayang magsalita,parang umurong ang dila ko.

Tahimik akong pumasok sa kotse niya.Pagpasok niya agad niyang sinabihan ang  driver na umalis na kami.

Tahimik kaming pareho sa biyahe papunta sa kung saan hindi ko alam.Hindi maalis sa isip ko ang sinabi niya kanina.Last na to?Aalis ba siya?San naman siya pupunta kung ganun?Malamang san pa ba?Edi sa Maynila.

Pagkaraan ng ilang minuto,naramdaman ko ang pagtigil ng kotse.Naunang bumaba si Carlo at pinagbuksan niya ako.

Pamilyar na tanawin ang bumungad sa akin pagkababa ko.Andito kami sa sapa kung saan niya ako dinala dati.Gaya ng dati,maganda pa rin ang lugar na to.

Hinawakan ni Carlo ang mga balikat ko at hinarap ako sa kanya.Tumitig siya sa mga mata ko,ganun din ako.Ang daming mababasang emosyon sa mata niya.

"Jaze,kahit ngayon lang.Magpanggap tayo bilang tayo.Kahit ngayon lang.Please..."naguguluhan ako sa inaasta niya.Gusto ko siyang tanungin kung bakit siya nagkakaganito?Pero,pakiramdam ko hindi niya sasabihin sa akin ang dahilan niya.

Kung ito man ang huling pagkikita namin mas makabubuting pagbigyan ko ang hiling niya at ang kahilingan ng puso ko.Atleast sa ganitong paraan matutupad ko ang isa sa mga pangarap ko,ang maramdaman kong paano magmahal at mahalin kahit panandalian lang di ba?At kung umalis man siya kahit papaano may naiwan siyang isang alaala.

Tumango ako.Nakita ko ang pag-aliwalas ng mukha niya at ang pag-ngiti niya.Isang ngiti na babaunin ko hanggang sa kabilang buhay.

Pinagsalikop niya ang mga kamay namin at hinila niya ako palapit sa tubig.Nakakailang pero masarap sa pakiramdam.Bahala na.Hindi ko na muna iisipin ang mga bagay-bagay.Kakalimutan ko muna ang lahat sa oras na to.

Sana ganito na lang kami palagi.Sana tumigil ang oras ngayon dito mismo sa lugar na to habang kasama ko siya.Sana.

" Anong gagawin natin dito?"tanong ko.

Humarap siya sa akin at ngumiti.

"Mangingisda." Maikling niyang sagot.

"Mangingisda?Marunong ka ba nun?" Tanong ko.Umiling siya kaya napatawa ako.Tss.Mangingisda daw pero hindi naman marunong.

Napansin kong papalapit sa amin ang driver niya na may dalang dalawang fishing rods at isang box.Lalagyan siguro ng pain.

"Talagang pinaghandaan mo ang araw na to ha?" Sabi ko sa kanya.Ngumiti lang siya.

"Paano pala kapag hindi ako sumama?"tanong ko.

"Sigurado naman akong hindi mangyayari yun."

"Paano mo nasabi?" Natigil ang munting away namin ng biglang nagsalita ang driver niya.Hindi ko man lang napansin na andito na pala si Kuya.

"Eto na po Sir.Mangisda na po kayo." Sabi nito.

Kinuha ko ang isa sa mga fishing rod na dala niya at nilagyan ng pain ang hook.Nakita ko sa sulok ng mata ko na ginagaya ni Carlo ang mga ginagawa ko.Napangiti tuloy ako.Ang cute niya,ay mali ang gwapo niya pala.

Marunong naman talaga akong mangisda kasi madalas akong isama noon ni Papa kapag nangingisda siya yun kasi ang nagsisilbing bonding time naming dalawa.

.
.
.
.

Ilang oras na ang nakakalipas simula ng mangisda kami ni Carlo at sa kasamaang palad hanggang ngayon wala pa rin kaming nahuhuli kahit na isang maliit na isda man lamang.

Malas.

"Oh,oh,sa tingin ko may huli na ako!!" Biglang sigaw ni Carlo.Dali-dali akong lumapit sa kanya at tinulungan siya.Aksidenteng nahawakan ko ang mga kamay niya ng hawakan ko ang rod para sana tulungan siya sa paghila.Hihilahin ko na sana ang mga kamay ko palayo,dahil nakakailang,pero hindi niya yun hinayaan,hinawakan niya ang mga kamay ko at lumipat siya sa likod ko,para na kaming nagyayakapan sa posisyon namin ngayon.Ang bilis ng tibok ng puso ko,at pakiramdam ko nagbablush rin ako.

"Sa tingin ko,malaking isda ito." Bulong niya sa tenga ko.Halos lumabas na ang puso ko sa aking dibdib dahil sa sobrang lakas ng pagtibok nito.Carlo,ano ba ang ginagawa mo sa akin?Bakit ganito na lang epekto mo sa akin?

Buong lakas naming hinila ang fishing rod.Halos magpa-gulong gulong ako sa lupa sa kakatawa ng tuluyan namin itong mahila,hindi isda ang nasa hook kundi sanga ng puno,kaya pala ang bigat.Akala ko malaking isda na.Haha.

"Ang laki ng nahuli mo.Promise." sabi ko habang panay pa rin ang aking pagtawa,lalo na nung makita ko ang itsura niya.Haha.
Ang driver naman na nagmamasid di kalayuan,humagalpak na rin sa kakatawa.

Ang saya ko sa araw na to,sana talaga hindi na matapos to.






Pero alam kong hindi mangyayari yun,kaya sisiguraduhin kong susulitin ko ang araw na to kasama ang lalaking mahal ko.

Chapter Ends........

                                         -fernania_2001

Summer:The Season Of Love(On-Going)Where stories live. Discover now