LTWH 4:Who are you?

7 2 0
                                    

Jaze P.O.V

Ilang linggo na ang nakakalipas simula ng makalabas ako ng ospital.Pero bago mangyari yun nanatili muna ako dun sa loob ng dalawang linggo.Samu't saring test ang ginawa nila sa akin,pero hindi man lang sinabi nina Mama sa akin kung ano ang resulta ng mga iyon.

Hindi na ako nagtanong pa dahil alam kong hindi rin naman nila sasabihin.Kinakabahan ako sa totoo lang,hindi ko alam kung bakit, nagsimula to nung gumising ako sa ospital hanggang ngayon andito pa rin ang kabang yun.

Andito ako ngayon sa maliit naming sala nanonood ng paborito kong k-drama,Playful Kiss!!

Pang-limang ulit ko na ata to ngayon pero sige pa rin.

Walang ibang mapaglibangan eh.Mas nag-eenjoy ako sa panood nito kesa sa umupo,mahiga,kumain,matulog,magbasa,maglakad-lakad sa hardin,mag-ikot-ikot sa bahay at marami pang mga pwedeng gawin na hindi nakakapagod.

Nakakabagot na nga eh.Gusto kong gumawa ng mga gawaing bahay pero sa tuwing tatangkain ko bigla na lang susulpot si Mama mula sa kung saan at sasamaan ako ng tingin.Kaya hindi ko na pinagpapatuloy ang tangka ko uupo na lang ako sa isang tabi at mananahimik.Sigh.

"Magandang umaga po!!" Andito na naman siya?!Hindi ba siya nagsasawa?!Araw-araw na lang?!Kulang na lang dito na siya tumira!!

Tumingin ako sa pinto kung saan nakatayo si Carlo ngayon.Sinamaan ko siya tingin.

Hindi sa hindi ako marunong tumanaw ng utang na loob sa totoo lang thankful ako sa kanya sobra, kasi utang ko sa kanya ang buhay ko pero kasi tama bang gamitin yun para araw-araw siyang dumalaw dito sa bahay namin at sirain ang araw ko.

Simula ng makalabas ako hanggang ngayon hindi talaga siya pumapalya na dalawin kami dito.Nakakasawa na nga ang pagmumukha niya eh.

Hindi siya tinablan ng tingin ko.Ngumiti siya sa akin at nagsimulang maglakad papasok.Agad kong binawi ang tingin ko sa kanya at umayos ng upo.

Ang puso ko.....ang bilis ng tibok dahil lang sa simpleng ngiti na iyon.

"Oh!Carlo napadalaw ka ulit?"Tumingin ulit ako kay Carlo,mas domoble ang bilis ng tibok ng puso ko ng makita ko siyang ngumiti ulit.

"Na-miss ko lang po kayo,isa pa gusto ko lang pong kamustahin si-" hindi ko na siya pinatapos.

"Ako." Sabi ko.Tanong dapat yan eh.Tanong.Sa sobrang bilis ng tibok ng puso pati pagsasalita ko naapektuhan na.

Tumingin siya sa akin na may nakakalokong ngiti.Oh!Oh!

"Ang assuming mo naman,andito ako para dalawin si Diana,ang Ate mo." Pinagdiinan niya talaga ang Ate.

What?!!May sakit ba si Ate para dalawin?Ha!!Ako kaya ang may sakit!!Ako!!Si Jaze!!Carlo ako!!

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng inis.Ewan.Buti na lang napigilan ko ang sarli kong isigaw kung ano ang nasa isip ko.

"Talaga?!!Dinadalaw mo ako?Aww.Ang sweet naman ng Baby ko." Biglang lumabas si Ate sa kwarto niya at sinunggaban ng yakap si Carlo.Kita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Carlo dahil sa ginawa ni Ate.

Binaling ko na lang ang tingin ko kay Mama nadadagdagan kasi ang inis ko dahil sa nakikita ko.

Ano ba kasing nangyayari sa akin?

Kita mula sa sala ang kusina namin maliit lang kasi talaga ang bahay namin.

Busy si Mama sa pagluluto pero tinigil din niya ang ginagawa niya ng makita ang ginawa ni Ate.Marahas niyang binagsak ang sandok na ginagamit niya at tinanggal ang apron niya at tinapon niya lang to sa kung saan.

Patay kang bata ka ayaw pa naman ni Mama sa malalandi.

Kasi nung kabataan ni Mama marami siyang naging kaagaw sa puso ni Papa,gwapo kasi ng Papa ko eh,pero ang naging pinakamahigpit daw niyang kakompetensiya ay ang bestfriend niyang si Ninang Nathalie.Ninang namin pareho ni Ate.

Kanya-kanyang style daw sila nun kung paano paiibigan si Papa at ang naging style daw ni Ninang ay ang landiin si Papa sa kahit na anong paraan muntik pa ngang umabot sa punto na gagahasain na ni Ninang si Papa sa harap ng maraming tao maangkin lang ito pero siyempre wala sa wisyo nun si Ninang,lango siya sa alak nun in short lasing!!

Hindi naman kasi ganung babae si Ninang.

Nakakatawa talaga yun.Pero ang mas nakakatawa talaga ay ang naging style ni Mama nagpakadalagang Pilipina siya hinintay niya talagang si Papa ang gumawa ng unang move pero sa mismong araw na nanligaw si Papa sinagot na niya agad.

Hindi talaga ako tumigil sa kakatawa nun.Biruin mo yun.Haha.

Silang dalawa mismo ni Ninang ang nagkwento niyan sa amin.Wala naman silang galit sa isa't isa naging Ninang nga namin si Ninang Nathalie eh.

Gusto ni Mama na sa oras na tumibok ang puso namin ni Ate gayahin namin siya pero wag na yung part na sinagot niya agad si Papa.Magpaka-dalagang Pilipina daw dapat kami yung sagad to the bones.

Dali-daling lumapit si Mama sa kinatatayuan nina Ate.Piningot niya ang dalawa at dinala sa kung saan.

Nagkibit-balikat na lang ako at pinagpatuloy ang panonood ko.

......

Tanghali na at tapos na din kaming mananghalian.Si Papa andun sa taniman.Busy.Si Mama nasa kusina naghuhugas ng pinggan.Si Ate kinukulikot ang mga kuko niya.At ako  busy sa pagbabasa ng libro ng biglang pumasok si Carlo at hinila ako patayo.

"Tita,hihiramin ko lang po si Jaze sandali!!" Paalam ni Carlo.Tumingin sa amin si Mama at tumango.

"Iuwi mo siya bago dumilim ha!Ingatan mo siya at huwag mong papagurin!!'Ngumiti pa si Mama kay Carlo at kumindat sa akin.Ano bang tumatakbo sa isip ni Mama?

Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Ate nang makabawi siya sa pagkagulat sinamaan niya ako ng tingin.

" Opo Tita huwag po kayong mag-alala!!"pagkatapos niyang magsalita hinila na niya ako palabas.Hindi na ako nakapag-react dahil sa bilis ng pangyayari.

Namalayan ko na lang ang sarili ko sa harap ng kotse niya.T-teka?!Kotse?!May kotse siya?!

"Sakay na."Binuksan niya ang pinto at tumingin sa akin.Hindi pa rin ako makabawi sa pagkagulat.Pumitik siya sa ere na naging dahilan kung bakit naputol ang pag-iispi ko ng kung ano-ano.

Sasakay ba ako o hindi? Pero kasi kotse,ngayon lang ako makakasakay dito pagnagkataon.Sasama o hindi?

Syempre sasama!!Mamaya ko na lang iispin ang mga bagay-bagay.

Dali-dali akong pumasok,muntik pa akong mauntog dahil sa pagmamadali ko.

Tuwang-tuwa talaga ako ng maka-upo ako sa malambot na upuan ng kotseng to.Wahh!!Nakakatuwa talaga!!Hindi ko ma-explain ang kasiyahang nararamdaman ko.

" First time mo bang makasakay sa kotse?"walang bahid ng pang-iinsulto sa tono ng boses niya para siyang natutuwa.

"Nakakahiya man pero Oo first time ko to."eh nakakahiya talaga.Ymuko ako para matago ang mukha kong namumula panigurado.

" I'm glad...dahil isa ako sa nakapag-bigay ng isa sa mga first mo."heto naman ang puso ko.Tumingin ako sa kanya at saktong nakatingin din niya sa akin.Parang biglang huminto ang mundo at nawala ang lahat siya lang ang nakikita ko.Ano ba tong nararamda-

"Ahremm!!Ahremm!!Ang sakit ng lalamunan ko!!"Napaiwas agad ako ng tingin sa kanya at tumingin sa labas ng bintana. Nakakahiya!!Grabe may kasama pala kami dito ba't di ko man lang napansin.Nakakahiya talaga!!Pwede bang bumaba na lang?

" Tara na po?"tanong ng driver niya.Wahh!!Mukhang hindi.

Pe-pero teka kotse?Driver?Idagdag mo pa yung pagbabayad niya ng hospital bills ko?At pagbili ng mga gamot ko,Oo siya ang sumagot ng lahat ng gastusin namin sa hospital pati na din sa gamot,mga bagay na  tanging mga mayayaman lang ang...-

Posible bang-?!Pero hindi eh,malabo pero malaki din ang posibilidad.Haist.Ewan!!

Sino ka ba talaga Carlo Santiago?

Summer:The Season Of Love(On-Going)Where stories live. Discover now