Chapter 8: Conversation

0 2 0
                                    

Lianne's P.O.V

"Craude." Ngumiti lang siya at dire-diretsong umupo sa swing na katabi ko.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Feeling ko anytime bigla na lang akong mahihimatay dito. Ano bang dapat kong sabihin? O kung may dapat nga ba akong sabihin? Arg. Ang awkward.

Tumingala ako at pinagmasdan ang mga stars sa langit. Dati kapag nakikita ko ang mga stars parang gumagaan ang pakiramdam pero ngayon, Oo napapagaan pa din naman nito ang pakiramdam ko pero hindi na tulad ng dati. Nung mga panahong kasama ko pa tong lalaking katabi ko ngayon. Si Craude.

"Naalala mo pa ba, yung pangako natin sa isa't isa?" Basag niya sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa.

"Oo, naaalala ko pa yung mga yun. Yung mga pangakong binitiwan natin sa isa't isa dun sa harap ng puno ng mangga nung gabi bago ako umalis para mag-aral sa Maynila." Hindi ako makatingin sa kanya. Natatakot ako na baka bigla na lang akong tumakbo papunta sa kanya at yakapin siya ng sobrang higpit. Natatakot ako na baka bigla ko na lang sabihin sa kanya na umalis kami dito at kalimutan ang lahat at magbagong buhay kung saan kami lang dalawa.

"Bakit hindi mo ako inantay? Nangako tayo di ba? Na pagbalik ko magpapakasal tayo agad-agad."

Bigla kong tanong. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Andito na din naman siya. Katabi ko. Kaya ilalabas ko na lahat ng hinanakit ko sa kanya at itatanong lahat ng mga tanong na bumabagabag sa isip ko nang sa ganun sa oras na bumalik na ako sa Maynila wala nang Craude sa isip at puso ko. Wala nang Craude sa bagong buhay niya.

"Naghintay ako Lianne. Hinintay kita. Pero hindi ko-"

Hindi niya natuloy ang dapat na sasabihin niya ng may marinig kaming mga sigawan.

Hinila niya ako at nagtago kami sa mga halaman. Bakit nga ba kami nagtatago?

Humarap ako sa kanya at balak ko sanang sabihin yun pero hindi natuloy. Sobrang lapit ng mga mukha namin isang maling galaw at siguradong maglalapat ang mga labi namin.

Nakita kong nagulat din siya pero sandali lang yun at napalitan din yung nakakalokong ngisi.

"HANGGANG KAILAN MO BALAK LOKOHIN SI CRAUDE AT ANG PAMILYA NIYA HA? KUNG HINDI KO PA AKSIDENTENG NARINIG ANG PAG-UUSAP NIYO NG BESTFRIEND MO HINDI KO PA MALALAMAN NA AKO ANG AMA NG BATANG YAN!!"

Domuble ang gulat sa mukha ko at ang kaninang ngisi ni Craude napalitan ulit ng pagka-gulat na may kasamang galit.

Napansin kong balak niyang tumayo at mukhang ilalabas niya ang galit niya ng pigilan ko siya.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at umiling. Napansin kong pumikit siya ng mariin at pagkaraan ng ilang sandali ay bumuntong-hininga.

Hindi ko man masyadong maaninag ang mukha ni Craude dahil sa may kadiliman dito sa pinagtataguan namin alam kong umiiyak siya dahil sa mga pigil na paghikbi na naririnig ko mula sa kanya.

"HABANG BUHAY KO SIYANG LOLOKOHIN KUNG YUN LANG ANG PARAAN PARA MAKASAMA KO SIYA  GAGAWIN KO!! AT WALA TALAGA AKONG BALAK NA SABIHIN SAYO NA IKAW ANG AMA NITONG BATA TO DAHIL MAKAKASIRA KA LANG SA MGA PLANO KO AT SA BUHAY NAMIN!!"

"HINDI KA BA NAAWA KAY CRAUDE!! HINDI IKAW ANG MAHAL NIYA!! SI LIANNE!! MAAWA KA NAMAN SA BATA AT KAY CRAUDE. MAGPAPALAKI SIYA NG BATA NA HINDI KANYA. KAYA KO NAMAN KAYONG PANAGUTAN EH. KAYA KONG PANAGUTAN ANG BATANG YAN."

"PERO HINDI IKAW ANG MAHAL KO!! SI CRAUDE!! SIYA ANG MAHAL KO!!"

"PERO HINDI KA NGA NIYA MAHAL EH!! SI LIANNE ANG MAHAL NIYA SIYA ANG GUSTO NIYANG MAKASAMA AT MAGING INA NG MGA ANAK NIYA KAYA PAKAWALAN MO NA SIYA."

"HINDI KO GAGAWIN ANG BAGAY NA YUN!! NAGPAKAHIRAP AKO PARA MAAGAW SI CRAUDE SA HAYOP NA LIANNE NA YUN TAPOS BASTA KO NA LANG SIYA  PALALAYAIN DAHIL LANG SINABI MO!! ANO AKO BALIW?!!  MATAPOS KONG MAGPABUNTIS SAYO AT IAKO ANG RESPONSIBILIDAD KAY CRAUDE IBABALIK KO LANG SIYA NG BASTA-BASTA KAY LIANNE NG WALANG KAHIRAP-HIRAP!! PASALAMAT NGA SIYA DAHIL WALA SIYA DITO NG SINULOT KO ANG DYOWA NIYA EH DI SANA NASAKTAN KO SIYA NG BONGGA!! MAY PA- ARAL-ARAL PA KASI SA MAYNILA AKALA NIYA NAMAN IKAKAYAMAN NIYA YUN!! BUTI NGA SA KANYA DAHIL SA KAGAGAHAN NIYA WALA NA SIYANG BINALIKANG BOYFRIEND DITO!! SANA NAGPABUNTIS NA LANG SIYA DUN!!"

Hindi ko na kayang pigilan tong nararamdaman kong galit. Bwesit na babaeng higad na to. Ang lakas ng loob niya ah. Anong pinagmamalaki niya? Ang talent niyang magpabuntis sa kahit sa sinong lalaki at iako ang responsibilidad sa iba? May sayad ata siya sa ulo eh.

Marahas kong binitawan ang kamay ni Craude at lumabas sa halamang pinagtataguan namin.

Wala na akong pakialam kahit na buntis pa siya. Bwesit siya. Ginagalit niya talaga ako.

"HOY IKAW PANGET NA MALANDI NA PINAGLIHI SA HIGAD. HUMANDA KA SA AKIN!!" sigaw ko habang naglalakad palapit sa kanya. Kinuyom ko ang kamao ko dahil sa sobrang galit. Nag-ngingitngit talaga ako.

Kita kong nagulat siya. Hindi niya siguro inaasahan na makikita niya ako dito at maririnig ko lahat ng kasinungalingan niya.

Humanda ka talaga.

Ganun na lamang ang pagkagulat ko nang makita kong lumabas si Althea at May mula sa kung saan at sabay nilang sinampal si fianceeng hindi ko pa din alam ang pangalan,ng magkabilaan. Kailan pa sila naging magkasundo kanina lang para silang aso't pusa kong mag-away.

Napatigil tuloy ako sa paglalakad. Wala na naunahan na ako ng dalawa.

Naramdaman kong may humila sa akin patalikod at basta ang alam ko na lang magkalapat na ang labi naming dalawa ni Craude. Hinalikan niya ako isang halik na matagal kong inasam.

Walang salita na makakapag-describe kung gaano ako kasaya ngayon.

Sa wakas matutupad ko na din ang pangako ko sa kanya.

"Pangako magpapakasal agad tayo pagbalik na pagbalik ko dito."

Ang eksaktong mga salitang binitawan ko sa kanya noon. Tutuparin ko na yun ngayon. Tutuparin na namin.


Chapter Ends...

                                         -fernania_2001


Summer:The Season Of Love(On-Going)Where stories live. Discover now