Confusion 5: His Name

1 2 0
                                    

Tracey's P.O.V

Kinabukasan, maaga akong nagtungo sa karinderya.

Naabutan ko ang eksanang inaasahan kong makita ngayong araw.

Sa harap ng karinderya nina Cassidy, maraming tao ang nakatayo, nakikiusyo ata. May nakita rin akong mga taong naka-I.D, hindi ko alam kung sino ang mga yun pero sa hula ko kinatawan sila ng isang ahensiya ng pamahalaan. Sino kaya yung nagsumbong sa mga pinaggagawa nina Cassidy sa karinderya nila? Hindi naman ako. Nagbalak ako pero hindi ko na itinuloy, masasayang lang ang oras ko.

Umasa ako na may magsusumbong at sa kabutihang palad meron nga. Kung sino man siya malaki ang pasasalamat ko sa kanya.

Mga baliw kasi, sa dami ba naman ng pwedeng maisip na gimik yun pa talaga ang pumasok sa isip nila. Tss.

Pumasok ako sa karinderya namin at ipinagsawalang bahala na lang yung eksena sa harap namin. Bahala sila diyan. Problema na nila yan.

Dumiretso ako sa kusina at nagtimpla ng kape.

Umupo ako sa may bintana kung saan kita ang mga kaganapan sa labas. Naawa ako sa kanila, pero kasalanan din naman nila yun eh.

Abala ako sa paghigop ng kape, ng may marinig akong sigawan. Tumingin ako sa bintana at nakita kong pinipigilan ng mga tao si Cassidy.

Cassidy?

Naglalakad siya ng mabilis papunta sa kinaroroonan ko.

Masama ang kutob ko dito.

Nang makapasok siya sa karinderya namin, iginala niya ang tingin niya sa buong paligid hanggang sa tumigil ito sa akin. Napalunok ako ng laway.

"IKAW!! IKAW ANG MAY KASALANAN NG LAHAT NG TO!!" Naglakad siya ng matulin papunta sa akin. Kinuha niya ang mug sa mesa na naglalaman ng mainit ng kape. Patay!! Napatayo ako. Mukhang alam ko na kung anong mangyayari dito ah.

"Cassidy kung ano man yang plano mong gawin, huwag mo nang ituloy." Sabi ko ng may bakas ng pangamba sa boses. Ngumisi lang yung loka at humigop ng kape.

"Hmmm... Masarap ah. Magaling kang magtimpla ng kape. Hmmm..." Naglakad siya palapit sa akin at hinarap ako.

Hinala niya ang buhok ko at muling nilapag ang mug sa mesa. Salamat naman.

Humigpit ang hawak niya sa buhok ko. Ouch!!

"Ikaw yun di ba? Ikaw yung nagsumbong? Napaka-pakialamera mo talaga eh no? " sinampal niya ako ng malakas sa isang pisngi at isa pa sa kabila. Sa kabila ng kalagayan ko ngayon, nagawa ko pa ding mapansin ang mga tao sa labas na nanunuod sa eksenang ginagawa namin.

"Alam mo nang dahil sayo isasara ang negosyo namin. Nang dahil sayo unti-unting nasisira ang buhay ko. Alam mo ba sikat na sikat kami ngayon, hindi lang dito pati sa buong mundo. Ang sarap nga sa pakiramdam eh, pinag-uusapan ka ng lahat sa social media ng dahil sayo yun."  Balak niya ulit akong sampalin kaya pinikit ko ang mga mata ko at hinanda ang sarili ko.

Ilang segundo ang lumipas, hindi ko naramdaman ang sampal na hinihintay ko pero hindi niya pa rin binibitawan ang buhok ko.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at pamilyar na mukha ang bumungad sa akin.

Hawak niya ang kamay ni Cassidy na ipangsasampal sana sa akin. Sa ikalawang pagkakataon niligtas na naman niya ako.

"Bitawan mo nga ako, Reyford. Huwag ka nang makialam dito!!" Sigaw niya habang nagpupumiglas.

"Bita .wan. mo. siya!!" Mariin niyang sabi. Grabe nakakatakot siya.

"Okay fine!!" Marahas niyang binitawan ang buhok ko, binawi niya ang kamay niya sa pagkakahawak ng lalaking tinawag niyang Reyford at tinitigan ako ng masama.

"Hindi pa tayo tapos." Mariin niyang sabi at muli akong sinampal ng malakas.

Napahawak na lang ako sa pisngi ko na sinampal niya dahil sa sobrang pagkabigla.

Pagkatapos nun tumalikod siya sa akin at naglakad palabas. Saka ko lang napansin na nakatayo sina Mama sa may pinto. Sigurado akong nakita nila ang pagsampal sa akin ni Cassidy sana hanggang dun lang ang nakita nila.

Matalim ang tingin ni Ate at ni Mama kay Cassidy. Hindi sila pinansin ni Cassidy at diretso lang siya sa paglalakad.

Nagulat na lang ako ng bago siya makalabas natumba siya.

"Sorry ha di ko sinasadya. Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo." Rinig kong sabi ni Ate habang pinipigilan ang pagtawa niya. Ang astig ni Ate ko.

Tawa naman ng tawa ang mga usisero't usisera. Haha.

Tumayo si Cassidy at muling naglakad palabas.

Nagthumbs- up sa akin si Ate. Ang astig niya.

Tumingin ako sa lalaking nasa harap ko.

"Thank you. Niligtas mo na naman ako." Sabi ko na puno ng sensiridad.

Ngumiti lang siya sa akin at nilahad ang kamay niya. Okay? Para san to?

"Reyford Garcia." Pagpapakilala niya. So gusto niyang maging friends kami? Ganun? Wala namang kaso sa akin yun eh.

Kaya tinanggap ko ang kamay niya.

"Tracey Martinez." Sabi ko.



Chapter Ends...

                                         -fernania_2001


Summer:The Season Of Love(On-Going)Where stories live. Discover now