Confusion 7: A Day With Him

0 2 0
                                    

Tracey's P.O.V

Kanina pa ako walang tigil sa paghikbi. Ang sakit kasi talaga kahit hindi pa ako sigurado kung may relasyon nga ba talaga silang dalawa.

"Okay ka na ba?" Tanong sa akin ng katabi ko.

Anong klaseng tanong ba yan? Mukha ba akong okay??!! Sarap niyang bigwasan, yung sobrang lakas.

Kesa ang sigawan siya mas pinili ko na lang ang manahimik. Wala na akong extrang lakas para sa lalaking to.

Kasalukuyan kaming naka-upo ni Reyford sa damuhan sa may burol kung saan tanaw ang bayan sa baba. Hinila niya ako papunta rito kanina ng medyo tumahan na ako para raw  malaya kong mailabas lahat ng sakit na nararamdaman ko ng walang tira.

Hahaha. Nakakatawa nga eh. Alam ko naman na hindi agad mawawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil lang sa umiyak ako ng walang tigil pero naniwala pa rin ako sa kanya. Uto-uto ako eh.

Kahit papaano medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa napakagandang tanawin ng bayan sa baba idagdag pa ang napakagandang tanawin ng papalubog na araw.


Naramdaman kong kumilos siya kaya napatingin ako sa kanya.

Nakita kong tumayo siya at naglakad ng ilang hakbang palayo sa akin.

Humarap siya at ngumiti sa akin. Hindi ko siya matingnan ng maayos dahil nasisilaw ako sa sinag ng araw na tumatama sa kanya.

Ewan ko ba? Hindi ko alam kung dahil lang ba talaga sa sinag ng araw na tumatama sa kanya kaya siya nagliliwanag sa paningin ko o may iba pa?

Hindi ko din alam kung dahil lang din ba sa sinag ng araw kaya bigla siyang gumwapo sa paningin ko o dahil ngayon ko lang siya natitigan ng ganito.

Sa unang pagkakataon simula ng makilala ko siya, naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ngiti niya.

Crush?!!

Siguro?...... Pero pwede ding hindi. Basta ang alam ko, ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kanya.

"Tulala ka diyan. Halika dito. Lapit ka sa akin." Sigaw niya.

Natigil ako sa pag-iisip ng malalim ng sumigaw siya.

Nakatulala na pala ako.

Tumango ako bilang tugon sa kanya at tumayo sa pag-kakaupo sa damuhan.

"Oh? Anong gagawin ko dito ngayon?" Sabi ko ng makalapit ako sa kanya.

"Sumigaw ka. Isigaw mo lahat ng gusto mong isigaw." Sigaw? Mukhang di naman masama. Pero medyo nahihiya ako sa kanya.

Dati naman hindi ah. Ehh? Ano bang nangyayari sa akin.

"Para hindi ka mahiya, ako muna..." Huminga siya ng malalim pagkatapos...

"REYFORD GARCIA!! BAKIT ANG GWAPO, GWAPO MO!!" Napahagalpak ako ng tawa. Bwesit akala ko kung anong isisigaw niya. Yun lang pala haha.

Napahawak na ako sa tiyan ko. Nakakatawa talaga.

"Buti naman at napatawa kita." Sabi niya bigla. Natuod ako dahil dun.

"Ahem. Ahem." Umayos ako ng tayo at umiwas ng tingin sa kanya. Nakakahiya.

Narinig ko ang marahan niyang paghagikhik.

Bakit sobrang sarap pakinggan ng boses niya.

"Ikaw na. Sumigaw ka. Isigaw mo lahat ng gusto mong isigaw." Tumango ako at tumingin sa bayan.
Bahala na. Walang ng hiya-hiya.

Sana marinig mo, Aldrin....

"MAHAL NA MAHAL KITA ALDRIN!! KAHIT PA SINASAKTAN MO AKO NGAYON, MAHAL PA DIN KITA. HINDI YUN MAGBABAGO!! MAHAL TALAGA KITA!!" Sigaw ko ng sobrang lakas.

Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko dahil dun.

Tumingin ako kay Reyford. Hindi ko alam pero naguguluhan ako sa nakikitang emosyon sa mga mata niya.

Lungkot, Galit, Sakit... Halo-halo.

Anong nangyayari sa kanya?

"Hoy, Okay ka lang?" Sabi ko sabay tapik sa balikat niya.

"Huh?! Oo okay lang ako." Sabi niya sabay talikod.

"Tara na uwi tayo. Baka gabihin tayo sa gitna ng daan." Dagdag niya at dire-diretsong naglakad. Ba't ang lamig?

Ewan ko pero dahil sa nakita kong emosyon sa mga mata niya parang gusto ko siyang pasayahin at makitang tumawa. Weird?

Pinili ko na lang ipagsawalang-bahala ang bagay na yun at sumunod sa kanya.

Hmm. Hindi naman pala siya masamang kasama.

Sa tingin ko, okay din siyang maging kaibigan.

Kaya kaibigan ko na siya simula ngayon.




Chapter Ends....

                                         -fernania_2001

Summer:The Season Of Love(On-Going)Where stories live. Discover now