LTWH 10:Re-United

2 2 0
                                    

Jaze P.O.V

Matapos ng mala J.S Prom na drama namin ni Carlo,nagpasya kaming matulog na dahil masyado nang malalim ang gabi isa pa bawal akong magpuyat.

Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad patungo dun sa tent.

Ang driver niya,andun pa sa harap ng bonfire dun lang daw muna siya hanggang dalawin siya ng antok.

Kanina habang nagsasayaw kami ni Carlo hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko basta masaya ako,masayang-masayang.

Kung pwede lang sana...kung pwede lang na ilipat sa iba tong sakit na to,dun sa taong mas karapat-dapat ginawa ko na.Nang sa ganun makasama ko ng mas matagal ang mga taong mahal ko.Pero hindi eh at wala na akong magagawa tungkol dun.

Pero biglang sumagi sa isip ko ang katotohanang dahil sa sakit na to,nagtagpo ang magkaibang mundo namin ni Carlo.Dahil sa sakit na to nakilala ko siya,ang lalaking magmamahal sa akin at mamahalin ko.

"Makikilala ko kaya si Carlo kung wala akong sakit?"

Haist.Tama na nga to.Mas malulungkot lang ako.

Tumingala ako at pumikit.

Ang sarap sa tenga ng huni ng mga kuliglig at ng agos ng tubig sa sapa.Nakakarelax.

Bigla na lang umihip ang hangin at halos manginig ako sa lamig.Brrr.Napayakap tuloy ako sa sarili ko.

Napansin kong hindi na nakasunod sa akin si Carlo,kaya lumingon ako sa likod.Nakita ko siyang nakatayo lang dun nakayuko at hindi gumagalaw.

Lumapit ako sa kanya.

"May problema ba Carlo?" Tanong ko.

Nag-angat siya ng tingin at tumingin direkta sa mga mata ko.Hindi ko mabasa ang samu't saring emosyon sa mukha niya.

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.Naramdaman ko ang pagkabasa ng kanang balikat ko.Umiiyak ba siya?

"Hoy,Carlo okay ka lang?May problema ka ba?"Nag-aalala ako sa kanya.Ito ang unang pagkakataon na may isang taong umiyak sa balikat ko at si Carlo pa.

Carlo's P.O.V

Hinigpitan ko pa lalo ang yakap ko sa kanya.Sa nag-iisang babaeng mahal ko.

Natatakot ako.Kanina habang pinagmamasdan ko siya habang nakapikit.May ilang senaryong biglang nag-pop-up sa utak ko.

Si Jaze nasa ospital hirap na hirap dahil sa sakit niya at ang pinakamalala,bigla ko ring naisip na,paano kung mawala si Jaze kakayanin ko ba?

Ito ang unang pagkakataon na may babae akong pinahalagahan higit sa Mama ko.Kaya hindi ko alam kung kakayanin kong ipagpatuloy ang buhay na wala siya.

" Please...wag kang mawawala sa akin.Dito ka lang sa tabi ko,Jaze."Sabi ko habang nakayakap pa rin sa kanya.Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin.

"Hindi ako mawawala sa tabi mo.Dito lang ako.Promise."

Ilang minuto kaming nanatiling nakayakap sa isa't isa.Ninanamnam ang bawat sandali.

.............

Nakahiga kaming dalawa sa loob ng tent,magkaharap at magkahawak ang kamay.

"Naalala kong sinabi mo sa akin dati na,dahil sa akin nalaman mo kung ano ang gusto mong maging paglaki mo di ba?Ano nga ba yun?Ano bang gusto mong maging paglaki mo?Doctor no?"

Bigla niyang sabi.Naalala pa pala niya yun?Eh halos makalimutan ko na nga tungkol dun eh.

"Uhmm." Tumango ako.

Summer:The Season Of Love(On-Going)Where stories live. Discover now