LTWH 11:Goodbye.

3 2 0
                                    

Jaze P.O.V

Matapos ang tilian session naming apat,nagpasya kaming lumapit kina Carlo.Malayo pa ako,amoy ko na ang sarap ng niluluto niya.

Marunong pala siyang magluto?

Hindi ko alam yun ah.

"Girl ang swerte mo talaga sa kanya,perfect husband!!Pwede bang hati tayo,sayo yung taas,akin ang baba.Sige na." Binatukan siya nung dalawa.

"Tumigil ka nga diyang bakla ka." Sabi ni Faith.

"Ang sakit nun ah.Joke lang naman eh."

"Pagdating sa mga lalaki walang joke sayo.Kaya magtigil ka kung ayaw mong paduguin ko yang nguso mo."  Sabi ni Annie.Katakot talaga tong babaeng to.Mukha lang siya mahinhin at inosente pero sa oras na magalit yan,ihanda mo na lang ang sarili mo.

"Okay.Ititigil ko na."pagsuko ni Christian.

Tumigil kami ilang hakbang sa pinaglulutuan ni Carlo.

Katulong niya yung driver niya sa pagluluto.

" Jaze,halika dito."Natuon ang pansin ko kay Carlo.

"Ayieehh!!" Sabay-sabay sabi ng mga kaibigan kong baliw.Nakakakilig na ba yun?

"Lapit ka na dun." Sabi ni Faith.

"Hinihintay ka na ng prince charming mo.Ay teh,ang gara!!" Sabi ni Christian.

Tinanguan lang ako ni Annie at alam ko na ang ibig sabihin nun.

Tinulak nila akong tatlo ng marahan at shi-noo.Ang supportive na mga bestfriends ko no?

Naglakad ako palapit sa kanya.

"Oh..Anong kailangan mo?" Tanong ko.Tumigil siya sa saglit sa paghahalo ng niluluto niya na hindi ko alam kung ano at tumingin sa akin.

Mesa lang ang pagitan naming dalawa.Basta sa isang mesa,dun sila naghihiwa at nagluluto.

"Tikman mo to." Sabi niya.Kumuha siya ng kutsara at kumuha ng maliit na sarsa dun sa niluluto niya.Hinipan niya ito at isinubo sa akin.

"Ano masarap ba?" Tanong niya.Hindi ako makapag-salita.Sobrang sarap nito.

Ngumiti ako at tumango nagthumbs-up  rin ako sa kanya.Ang galing niyang magluto grabe.

"Tikman ko nga rin,baka pinagloloko mo lang ako." Sabi niya.Ginamit niya yung kutsarang gamit ko kanina.

Rinig na rinig ko ang tilian ng tatlo.Lalo na ang kay Christian.Napa-iling na lang ako habang nakangiti.

Matapos nilang magluto ng driver niya,kumain kami ng sabay-sabay.Kung saan-saan napunta ang topic namin.Tawa dito,tawa dun.Napakasaya ng araw na ito.

Napatigil ako sa pagkain ng maramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko.Hindi ko yun pinahalata sa kanila.Rinig ko pa rin ang tawanan nila,yun nga lang hindi ko naiintindihan kung anong pinag-uusapan nila.

Please naman,wag ngayon.Ayaw kong masira ang araw na to.

Naalala ko bigla ang nangyari kagabi.Tama may gamot nga pala si Carlo.

Pero hindi ko pwedeng hingin sa kanya yun.Tiyak mag-aalala siya.

Nakita kong nag-lalakad angdriver niya papunta sa kotse.Si Kuyang driver baka alam niya kung saan yun nakalagay.

Tumayo ako.

"Ipagpatuloy niyo lang ang pagkain at kwentuhan niyo,may kukunin lang ako sandali sa kotse." Ginawa ko lahat ng makakaya ko para hindi nila mahalatang nahihirapan ako.

Lumapit ako kay Kuya.

"Kuya,alam mo ba kung saan nilagay ni Carlo ang gamot ko?" Hinang-hina ko nang sabi sa kanya.Hirap na hirap na akong huminga.

"Inaatake ka na naman ba?Teka lang." Pumasok siya sa kotse at paglabas dala na niya ang gamot.May kasama pang tubig.

Tumingin ako sa pwesto nila ni Carlo.Buti naman at hindi nila ako napapansin.

Tumalikod ako at isinubo ang gamot ko sabay inom ng tubig.Inabot ko kay Kuyang Driver ang baso pagkatapos kung uminom.

Muli akong humarap at tumingin ulit  sa pwesto nina Carlo.

"Kuyang Driver,atin-atin na lang to ha.Huwag mo na sanang banggitin to kay Carlo,ayaw kong mag-alala siya." Sabi ko habang nakatingin sa pwesto ni Carlo.Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya kaya napatingin ako sa kanya.Tumango siya sa akin at ngumiti.

"Babalik na po ako dun." Paalam ko sa kanya.Muli siyang tumango at nagsimula na akong maglakad pabalik sa pwesto ko.

.........

Ilang oras na kaming nagtatawanan dito.Si Christian kasi panay ang pagpapatawa.

Natigil lang ito ng magsalita ang driver ni Carlo.

"Wala akong balak na sirain ang kasiyahan niyo pero pinapaalala ko lang po sir na mamayang alas-diyes ang alis natin." Biglang nagbago ang mood ng paligid ang kaninang masaya bigla na lang lumungkot.

Biglang tumayo si Carlo at hinila ako.

"Hiramin ko lang siya sandali ah." Paalam niya sa mga bestfriends ko.Tumango lang silang tatlo habang panay ang hampasan nila sa isa't isa.

Naglakad kami palapit sa kotse.Akala ko papasok kami dun,hindi pala nagpunta kami sa kabilang side ng kotse at may bike dun.

Sumakay si Carlo dun at mukhang hinihintay niya ako.

"May problema ba?" Umiling ako.

"Naalala ko lang na,Simula ng magkasakit ako,hindi na ako muling nakasakay ng bike.Ngayon na lang ulit."

Inabot niya ang kamay ko at dahang-dahan akong hinila palapit sa bike.Ngumiti lang siya sa akin.Isang ngiti na nagpagaan sa loob ko.

Umangkas ako sa bike at yumakap kay Carlo.Ayaw kong umalis siya.Pero may magagawa ba ako?Wala.

Nagsimula na siyang mag-pedal.Mas humigpit ang yakap ko sa kanya at alam kong umiiyak na naman ako.

"Wag ka nang umiyak babalik din naman ako next summer promise." Mas napahagulhol ako ng iyak.

Sana nga buhay pa ako next summer.Sana...

.........

Sumapit ang na ang oras ng pag-alis ni Carlo.Muli kong naramdaman ang pagsikip ng dibdib ko.Akala ko dahil lang to sa aalis na si Carlo pero hindi pala.Ang sakit ko umaatake na naman.

Yinakap ako ni Carlo ng sobrang higpit ganun din ako.Una akong bumitiw at panay na naman ang tulo ng luha ko.Hinahagod naman ng tatlo ang likod ko.

Pinunasan niya ang mga luha ko at muli niya akong yinakap.Ayaw kong bumitiw pero kailangan.

"Bye.Jaze.See you next summer..." Tumango ako kahit walang kasiguraduhan na makikita ko pa siya sa susunod na summer.

Tumalikod siya at nagsimula maglakad papunta sa kotse.Pumasok siya dun at kumaway sa huling pagkakataon.

Kumaway rin ako at ngumiti.Dahil baka ito na ang huling ngiti na makikita niya sa akin.

Umandar na ang kotse nila.Palayo na ito ng palayo.Hanggang sa hindi ko na ito makita.

Hindi ko na kayang pigilan pa to.Bigla akong natumba.Naramdaman kong nasalo ako ni Christian.

"Jaze...."Rinig kong sigaw nila kasabay ng pagtapik nila sa mga pisngi ko.Ito na ba yun.Hanggang dito na lang ba talaga.

"Jaze...."

"Jaze..."

"Ja...." At tuluyan na akong nilamon ng dilim.Paalam na.Mukhang hanggang dito na lang ako.












Chapter Ends.......

                                         -fernania_2001

Summer:The Season Of Love(On-Going)Where stories live. Discover now