Tumango lang siya. Matagal munang siyang napaisip bago niya napagdesisyunang umalis ng restaurant.

ONTARIO, CANADA

          SUMAPIT ang gabi na matiwasay ang lahat. Nakilala ni Danica kanina ang mama ni Pierre na si Madam Adele. Ang buong akala niya ay magagalit ito sa naging desisyon ng anak na kunin siyang pangatlong katulong sa bahay ng mga ito. Ngunit, natuwa pa nga ang Ginang dahil madagdagan na naman daw ang ka tsismisan nito sa bahay. Kanina niya nalaman na masaya pala ito kausap.

Tinulungan siyang magligpit nina Keery at Sandra ng kaniyang mga gamit bago sila maghapunan. Nagtataka siya kanina kung bakit nasa ibang panig ang kuwarto niya. Samantalang ang kuwartong kinahihigaan ng mga kaibigan ay ang malapit sa kusina. Binuksan niya ang built in closet para kunin ang isang larawan--- nila ni Jake.

Kuha ito nung araw na sumama siyang pumunta ng water park. Ang kaibigan nitong si Sanjo ang kumuha ng larawan. Hindi na talaga siya nahiya sa itsura niya dahil ‘di man lang siya nag-abalang magsuklay ng buhok. Basa ng tubig ang buo niyang katawan dahil kaliligo lang niya sa pool kasama ang mga batang nakasalamuha niya ng araw na iyon. Isang malaking t-shirt at short short lang ang suot niya dahil wala siyang bathing suit na maisusuot.

FLASHBACK

‘O Danica tumabi ka nga kay Jake para makunan ko kayo ng larawa.’ Request ni Sanjo sa kaniya.

Kababalik lang niya galing sa paliligo sa pool at basang-basa pa ang buo niyang katawan. Si Jake naman at walang suot na t-shirt kaya kitang-kita niya ang ibabaw’ng bahagi ng katawan nito. Uminit bigla ang kaniyang mukha dahil sa kaniyang nakita.

‘Sumukan mong lumapit sa akin at makakatikim ka talaga!’ banta ni Jake sa kaniya.

Binitawan nito sandali ang hawak na braha at umikot sa kinauupuan para sa picture taking nilang dalawa.

‘Dumikit ka nga e ang layo mo sa akin baka sabihin nilang may AIDS ka.’ Biro niya dito.

Hindi sumagot si Jake kaya siya na ang dumikit dito. Ang unang plano niya ay ang idikit ang basa niyang pisngi dito. Ngunit, nagdadalawang isip siyang baka hindi siya makaka-uwi mamaya dahil sa kalokohan niya.

‘O ayan ang ganda. One---Two---Three--- say cheese!!!’

‘Chessssssss’ Danica.

‘Cheeeeeees’ Jake.

Narinig niyang bumunghalit ng tawa si Mark.

‘Wow ang ganda nyo namang gawing model ng magazine.’ Kumento ni Sanjo.

END of FLASHBACK

Tok tok tok

Bumukas ang pintuan at pumasok si Pierre.

Ang 'syota kong promdi COMPLETEWhere stories live. Discover now