67 - Almost Euphoria

Magsimula sa umpisa
                                    

Nasaan na nga ba si Rhea? Bigla na lang s'yang nag-drop out noon kung kailan malapit na ang graduation. Ano bang nangyari sa kanya? Ni hindi man lang s'ya nagparamdam. Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko sa lungkot na nararamdaman ko. Gusto kong makita si Rhea.

***

Bumalik kami sa realidad kung saan kailangan na ulit naming maghiwa-hiwalay para ipagpatuloy ang sari-sariling buhay. This is adulthood, saya!

Pagbalik ko sa Manila hindi mawala-wala ang lungkot sa puso ko. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ang lungkot-lungkot ko? Dumating ako sa puntong iyak lang ako ng iyak sa di malamang dahilan, basta ang lungkot ko, di maipaliwanag na lungkot.

Tumawag ang manager ko at nagpaalalang susunduin na lang daw n'ya ako sa airport pagbalik ko ng Amerika. Itong natitira kong mga araw sa Manila ay pahinga ko na lang talaga.

Maliligo na sana ako sa banyo nang sa kamalas-malasan bigla akong nadulas at tumama ang balakang ko sa sahig. Badtrip! Ang lakas ng iyak ko sa sakit eh. Ano ba namang kamalasan na 'to at magkaka-injury pa ata ako. Sinikap kong bumangon at ayusin ang suot kong tapis. Gusto kong paulanan ng kamehame wave ang tiles na 'to!

Sa sobrang sakit ng balakang ko namimilipit ako sa sakit kahit sabihing nakabangon pa ako. Sinong hihingian ko ng tulong? Iyak pa rin ako ng iyak sa sakit.

Kailangan ko ng tulong.

***

"Baldado ka na ba, friend?" pang-aasar ni Daillie pagkasilip n'ya sa 'kin. Bakit ba dinalaw pa 'ko nito sa ospital.

"Maya-maya lang makakabangon na ako dito para sakalin ka, friend," sagot ko kay Daillie.

"Ay friend ang violent mo talaga. Etong grapes para tumamis naman yang maasim mong muka."

Nandito rin sina Elavel at Errol na nagbabantay sa 'kin mula pa kagabi.

"Ang daming reporter sa labas, nakikibalita. Tinatanong kung seryoso ba daw ang injury mo at kung makakatakbo ka ba daw ulit?" seryosong balita ni Errol.

Naloko na. Ang career ko! Maiyak-iyak ako kapag naiisip kong baka hindi na ako makatakbo dahil dito. Kasalanan 'to ng talampakan kong nadulas sa hindi naman kadulas-dulas ng tiles ng banyo.

"Buti na lang dumating sina Elavel para saklolohan ka," daldal ulit ni Daillie.

"Tinawagan na lang n'ya kami noong naka-admit na s'ya dito," sagot ni Errol.

"Oh? Buti nakalakad ka pa papuntang ospital?"

Nagtakip na lang ako ng muka dahil hindi ko alam kung pa'no ikukwento sa kanila.

Lalo pa akong nagtago sa ilalim ng kumot nang pumasok ang doktor ko.

"Kumusta ang pasyente ko?"

Inangat ko ang takip sa muka ko at sinilip ang dumating. Nang aktong nagtama ang mata namin ni Blaire parehas kaming nag-iwasan ng tingin.  Hiyang-hiya ako promise. Bakit feeling ko pati s'ya naalala n'ya rin yung nangyari?

"Si Blaire ang doktor mo?" gulat na gulat si Daillie kaso may ikagugulat pa 'to tiyak.

"S'ya din ang nagdala dito sa kaibigan nating lampa," dugtong pa ni Elavel.

Medyo inangat ni Daillie ang kumot ko para kausapin ako, "friend, saan ka nga ulit nadulas?"

"Sa banyo, bakit?" iritable kong sagot. Bakit ba ang dami n'yang tanong?

"So wala kang suot na damit nun? Friend, aksidente ba talaga 'yon o-"

"Tandaan mo ang araw na 'to chararat! Kapag gumaling ako ilalabas ko lahat ng pinakatinatago mong picture noong mga bata pa tayo," desperada kong banta sa kanya para tumigil na s'ya sa pang-aasar.

Our Fancy Romance | #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon