Chapter 52: "Masochist"

8.3K 240 21
                                    


Dedicated to: @

➖➖ ➖➖ ➖➖ ➖➖


Matapos ang lahat ng heartache na binigay sa akin ni scumbag. Matapos ang torture na binibigay nila sa akin ni Talandi sa SAU. Matapos ang frustrations ko sa sarili ko dahil isa akong masokista. Yeah. Isa akong masokista dahil patuloy pa din akong nagpupunta sa kanila tuwing lasing sya. Wala eh! Nag-aalala ako sa kanya kaya hindi ko din matiis na hindi sya puntahan in his drunk state.




He still has two different personalities. The happy and the cranky. Hindi nga ako nakatiis at tinanong ko na din si Tito Xan kung may lahi ba sila Schizophrenia, you know the split personality disorder. He just laughed at me then assured me that they doesn't have any and that his son is just weird. Yeah, I bet that scumbag is really freaking weird.




Nagdidiwang ang puso ko sa tuwing nasa happy state sya. He follows what I asked of him to do and becomes really such a darling with all his childishness. Iyon nga lang masyadong pababy at gustong tabihan ko palagi tuwing matutulog.




Nagdurugo naman ang puso ko sa tuwing cranky state sya. Although he didn't force himself on me anymore, hindi naman nawala ang pagsasalita nya sa akin ng masasakit na salita at ang pagwawala nya making his room looked like a mess after.



Malapit ko nang palitan ang unang sinabi kong specialization na pupursigihin ko once I am accepted to medical school. Ayoko nang maging Cardiologist. I think I'll try being a Psychiatrist. Since I am beginning to think that I was a shrink that give David an every day session.



Kagabi, nasa cranky self nya si scumbag. Hindi ako nagtagal sa kwarto nya. Baka dumanak ang dugo mula sa kanya dahil hindi ko na mapigilang hambalusin sya ng flower base sa ulo nya para matauhan.



Enough of my thought! Back to reality na tayo. Ito ako ngayon at papasok sa aking first class. Annoying biology. Bakit ko ba kailangan aralin ito? Kailangan ba ito talaga sa pre-med ko? Mental slap. Aww. Syempre kailangan kasi BS Biology nga course ko.



"You look like 'corpsed bride', Janna." Sabi ni Greg pagkaupo ko sa tabi nya. I just glared at him but just laughed at me. "Seryoso kamukha mo na yung bida dun sa movie ni Tim Burton."



"Thanks." Walang ganang makipag-asarang sagot ko at inilapat ang mukha ko sa armchair ko.



Tulog. Kailangan ko ng tulog. Pikit. Kailangan ko ipikit ang mga mata ko. Medyo nakakaidlip na ako ng biglang magsalita na naman ang makulit na lahing Zaragoza.



"Seryosong tanong lang. Kailan ka ba titigil sa session nyo gabi gabi ni David? Hindi ka ba nag-aalala sa kalusugan mo? Palagi ka na lang puyat."



Nabanggit ko ba na alam na ni Greg ang aking nightly session with David? Err... Parang masagwa naman ang term ko but what should I call it then kung gabi gabi naman talaga ay para akong shrink na nagbibigay ng session sa isang pasyente.



"Hindi ko din alam." Sabi ko at tuluyan nang umayos ng upo.



"Mr. Zaragoza and Ms. Salvador is there anything that you would like to share with the class?" Sabi ni Mr. Opeña.



Natahimik kaming bigla. Hindi naman namin napansin na kami lang ang nagkwekwentuhan sa loob ng klase nya. Hindi na kami nag-usap hanggang sa matapos ang klase. Sa wakas ng mag-bell agad kaming tumayo ni Greg at magkasabay na nagpunta sa canteen. There we saw Dana and Luke already sitting in one of the table.



Naupo kami ni Greg nang magtanong si Luke sa akin. "Janna, kailan ka ba titigil sa kalokohan mo? I know that Tita Con is just letting you do your thing pero malakas ang pakiramdam ko na nag-aalala na sya sa iyo. I would always hear my mother on the phone talking to your mom at alam ko na ikaw ang topic nila."



More Than A Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now