Chapter 5: "That Handsome Bastard"

14.1K 336 38
                                    


Dedicated to: @geuege_minchin-L

➖➖ ➖➖ ➖➖ ➖➖


Classes continued on. Seriously, bakit sobrang bagal ng takbo ng oras kapag palapit na ang dismissal? Panay ang tingin ko sa wristwatch ko at bakas na sa mukha ko ang pagkainip.


"Gusto mo nang mag-bell?" sabi ni Greg sa tabi ko. Wala si Luke sa paligid kasi hindi namin sya classmate sa subject na ito.



"Obvious ba!" walang ganang sabi ko.



"Patience is a virtue beside there's only fiftten minutes left."



After fifteen minutes the bell rang so I gathered my stuff and was about to proceed towards the door nang bigla akong hatakin ni Greg sa suot kong backpack.



"Hep! Hep! Saan ka sa tingin mo pupunta, Janna?" tanong nya.




"Uuwi na sa bahay."



"May appointment pa tayo sa OSA remember? All thanks to you."



"What? Naku, huwag na tayo pumunta doon at hindi naman malalaman ni Miss Dimaculangan na hindi tayo dumiretso doon." bleawalang sabi ko sa kanya. Napansin ko na nanlalaki mata ni Greg habang nakatingin sa likod ko kaya pumihit ako paharap para lang magulat na nasa likod ko pala si Miss Dimaculangan. Patay!



"Hindi ko naman kamo malalaman na hindi kayo nagpunta sa OSA ha Miss Salvador?"



"Sabi ko nga po Maam kay Greg na dapat kanina pa kami nagpunta doon sa OSA pagkabell na pagkabell pa lang. Halika na Greg." sabi ko sabay hatak sa kanya para makalayo na ng milya milya kay Miss Dimaculangan.



Tawa ng tawa si Greg habang hatak hatak ko sya. Huminto kami saglit ng medyo nakalayo na kami kay Miss Dimaculangan.



"Puro ka kasi kalokohan eh. That was epic, Janna."



"Tinik talaga sa lalamunan ko si Miss Dimaculangan."



"Akin na ang bag mo at ako na magbibitbit." kinuha nya sa akin ang bag ko at sinukbit sa balikat nya tapos inakbayan ako. Ako naman pinulupot ang braso ko sa tagiliran nya.



We made our way to the OSA walking like that. Lahat ng mga babaeng madaanan namin ay kababakasan ng inggit sa mga mata habang pinagmamasdan kami. 'Take that losers! Mainggit kayo dahil naka-akbay sa akin ang pantasya nyo.', nasisiyahang sabi ko sa sarili ko. I'm just so lucky that I have a hottie for a bestfriend!



Nang makarating kaming dalawa sa OSA nagturuan pa kami kung sino ang magbubukas ng pinto at unang papasok.



"Greg, buksan mo ang pinto at mauna." utos ko.



"Ikaw nakaisip kaya gawin mo."



At dahil walang may gusto naisipan naming mag-bato bato pick! Let's play fair ika nga. Natalo si Greg kaya sya ang magbubukas ng pinto at unang papasok. Binuksan nya ang pinto at nagpatiunang pumasok.



Pagpasok namin nagulat ako at wala ang mga usual trouble makers ng SAU. Absent? How do I know them? Well, that's for me to know and for you to find out. Iisang tao lang ang nakita naming prenteng nakaupo sa loob.



Aba! Early bird si David, naunahan kami ni bestfriend Greg sa venue ng meeting. Umupo si Greg sa side na katapat nito pati na din ako kasi tumabi ako kay Greg.



Wrong move for me. Kitang kita ko si David sa kinauupuan ko. Dapat sa row na lang nya ako umupo tutal madami pang vacant seat doon hindi dahil gusto kong humilera ng upo sa kanya kundi dahil ayoko makita ang pagmumukha nya.



I swear, I don't wanna see that handsome bastard face of his! Sabay sulyap sa kanya ng lihim habang abala itong naglalaro sa phone nito. Ang guwapo talaga ng kumag, walang angulong pangit.



Inilabas ko din ang phone ko para maglaro ng Candy Crush habang hinihintay si Mr. Rodriguez ng OSA pero pasuluap sulyap ako sa kanya. You know, plain curiousity. But you have to believe me that I don't really wanted to see his face, cross my heart and hope our neighbor's dog die.



On the side is David Xander Antonio -------->



To be continued...


VOTE, COMMENT, SHARE ^__^V

More Than A Game (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें