Chapter 15: "New Found Friend"

10.8K 298 22
                                    

Dedicated to: @kinkhin

➖➖ ➖➖ ➖➖ ➖➖

It's Monday. Pagpasok ko sa classroom nadatnan ko sina Greg at Luke looking so sad. Ang OA lang ng mukha nila, para silang namatayan.

"Cheer up, buddies!" sabi ko at naupo sa pwesto ko. Tinaasan lang nila ako ng kilay.

"Hindi dapat ganyan. May next game pa naman, sabihin na lang natin na swerte lang ang kalabang team." gagad ko pa para naman gumaan ang pakiramdam nila.

"Hindi kami naniniwala sa swerte." walang ganang sabi ni Greg.

"Don't sulk! Sabi mo Greg that your team is no wimp so try to kick their asses in the next game."

Bumuntong hininga si Luke. "Janna, is right. It's not yet the last game."

"Tamah!" masayang sabi ko at nakipaghigh five sa kanilang dalawa. Just when everything is okay, namataan ko si David kasama si Dana sa bungad ng pinto ng classroom. Natanaw ako ni Dana at kinawayan. Feeling close? Ngunit dahil sa atas ng kagandahang asal kinawayan ko din sya. Tapos lumitaw sa likod nila si Mr. Santos at naunang pumasok.

"Class, this lady here is Dana Xandra Antonio. She's also a visiting student from SJU so you will be seeing her in some classes like her brother, David."

She was rewarded by different stares. Half of the girls gave her an envious look while the others looked threaten by her beauty habang ang mga lalaki ay nagsipol na umani ng matalim na tingin mula kay David.

"Hanap ka na ng seat mo, Miss Antonio." sabi ni Mr. Santos at humarap sa whiteboard para magsulat.

Ang daming nag-offer ng seat kay Dana as she walked the aisle. Well, who wouldn't want to seat with such a beauty.

"Hi, Janna. Pwede bang maupo dyan sa tabi mo?"

"Walang bakante eh." sabi ko kasi nasa kanan ko si Greg at sa kaliwa ko naman may isang lalaki din. Dana flashed a sweet smile to the guy in my left at mabilis na binakante ang upuan para sa kanya kaso biglang naupo si David.

"Dave! That's my seat!" tili nya.

"Hanap ka na lang ng ibang upuan bago ka gumawa ng eksena at mapapunta sa OSA after class."

Pumadyak si Dana at walang nagawa kundi umupo sa tabi ng isang nerdy guy sa bandang harap. Nilingon nya si David at binigyan ng "I'll deal with you later look." bago tuluyang umayos ng upo.

"Janna." tawag ni David sa akin pero hindi ko pinansin.

"Janna. Janna. Janna. Janna."

"What?!" sabay lingon sa kanya.

"Gusto ko lang pag-usapan ang tungkol sa pustahan. About the dance. Sabi ko it's either a Beyoncè or Pussycat Dolls so be creative to choose a song, okay?"

Inuntog ko ang ulo ko sa desk ng paulit ulit hanggang sa may kamay na humarang sa desk. "Ayokong magpasa ang noo mo. Magdadate pa tayo kaya hindi ka pwede pumangit." sabi nya sabay kindat.

----------

Lunch break. Mag-isa akong kumakain dahil may meeting with their coach ang varsity nang biglang may naupo sa tapat ko.

"Mind if I join you?" si Dana.

"No. You can share the table with me."

Nagsimula kaming kumain at magkwentuhan. I found out that she is really nice and funny. At madaming bagay kami na magkaparehas. I liked her instantly.

"Can we be friends?"

"Oo naman, Dana." sino ba naman ang aayaw na maging kaibigan ng isang tulad nya. At isa pa wala naman akong matatawag na kaibigang babae kaya having one right now is really good.

"Anong meron sa inyo ni Greg?"

I eyed her suspiciously. Don't tell me na may gusto sya kay Greg. What a jackpot for him kung sakaling tama ang hinala ko. "Why, you like him?"

Tumawa sya. "No, I don't." Tinitigan ko sya dahil duda ako sa sinabi nya pero mukhang hindi naman sya nagsisinungaling kaya sinagot ko na tanong nya. "He's my bestfriend."

Tumango-tango sya. "Pero may gusto sya sa iyo?"

Napanganga ako sa sinabi nya. "What? Naku hindi. Paano mo nasabi ang bagay na yun?" She just raised an eyebrow on me and look at me intently. "Okay. Medyo naghihinala na nga ako sa mga kinikilos ng isang iyon. Naging clingy at weird. I don't know wala naman syang sinasabi, eh."

She patted my shoulder. I waited for a couple of minutes na makarinig ng words of enlightenment sa kanya pero wala akong narinig.

"What? No advice?"

Nagkibit balikat lang sya at binelatan ako kaya nagtawanan kaming dalawa. Hinarap ulit namin ang pagkain namin at napagtanto ko na malakas din syang kumain. Ang sexy na dalaga pero bitukang maton!

"Hello, beautiful ladies." salita ng isang lalaki na kilalang kilala namin. Simimangot ako habang si Dana naman umabot hanggang anit ang pagkakataas ng kilay. "Thanks, for the warm welcome." tumatawang sabi pa nya kahit ramdam nya na inis kami sa presensya nya. Halatang nang-aasar.

"I so hate you a while ago, Dave. So leave before I throw a temper."

"Ayoko din makita ang pagmumukha mo kaya kung pwede lang humanap ka ng ibang table."

"Easy, beautiful ladies at baka mangulubot agad kayo." sabi nya bago umalis.

"Anong meron at galit ka din sa mongoloid na si Dave?"

"Natalo kasi nya ako sa isang pustahan. I have to dance during lunch here sa canteen to entertain everybody." lupaypay ang balikat na sabi ko.

"Seryoso?" tumawawang sabi nya.

"Sana nga joke na lang ang lahat, Dana."

"I can help. I loved dancing at kung sasayaw ako kasama mo hindi masyadong nakakahiya on your part."

Nagliwanag ang mukha ko. "Gagawin mo iyon? Thanks so much, Dana."

"But we have to prepare para hindi tayo magmukhang katawa-tawa sa harap ng lahat. Trust my brother that his main goal was to put you in major humiliation."

"Okay. So what's the plan?"

"We will practice over your house. And we will show that mongoloid some real dancing." she said with a wink.

On the side is Dana -------->

To be continued...

VOTE, COMMENT, SHARE ^__^V

More Than A Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now