Chapter 38: "An Annoying Threat"

8.8K 258 18
                                    


Dedicated to: @

➖➖ ➖➖ ➖➖ ➖➖


"Kumusta ang date?" tanong ko kay Dana.



Biglang lapad ang ngiti nya, "It was so wonderful!" she exclaimed with excitement. Pinagsugpong nya pa ang mga kamay at inilagay sa tapat ng dibdib na parang si Cinderella nang makita ang isang kalabasa ay biglang naging karwahe. Then, she started recounting the tale if her wonderful date kay Luke.



"He was like a prince charming personified! He picked me up at home looking like some debonaire. He was so sweet showering me compliments and praises all night." nagniningning ang mga matang pagkwekwento nya.



Pinaikot ko ang mga mata ko pero dahil sobrang absorb sya sa pagkwekwento sigurado akong hindi nya nahalata iyon.



"Dinala nya ako sa isang mamahaling restaurant. And gosh, it was really cozy. Noong una, akala ko sa isang ordinary table lang kami uupo kaso nagulat ako nang iginaya kami ng waiter sa likod kung saan may magandang garden at fountain. It was like a fairy tale." tila nangangarap na pagpapatuloy nya.



Blah. Blah. Blah. Blah. Gag me! She continued narrating the story about her fairy tale like date with a prince charming named, Lucas that I wanted to puke. "Uhmm, Dana parating na si prince charming mo." sabi ko ng matigil na sya. Nakakawalang appetite ang walang kamatayang pagkwekwento nya.



Agad agad syang naupo ng maayos at naghanda ng matamis na ngiti sa paparating na pinsan ko na may hawak na food tray. Napangiti din ako ng malapad. Chow time! Ito na libreng ipinangako sa akin ni Luke bilang pasasalamat sa successful date nila ni Dana.



"What did you bought for me?" excited na tanong ko ng malapit na sya sa lamesa. Umupo sya sa tabi ni Dana tapos nagulat ako nang may isa pang tray ang lumapag sa mesa at may umupo sa tabi ko si David.



"Two slices of pizza, lasagna, strawberry milkshake and cream puff." sagot ni Luke sabay lapag isa isa ng mga pagkain sa harapan ko. I grinned at him. "Thanks, Lucas."



Luminga ako at napansin na wala si Greg. Hinanap ko sya sa lamesang okupado ng mga varsity pero wala din sya. Nasaan na kaya ang isang iyon? Hunger strike ba sya?



"Luke, where is Greg?"



"Hindi mo ba alam na hindi sya papasok ng isang linggo sa school? Nagpaalam sya sa admin, some family trip he said."



Talk about timing! He said he needed time and boom! A family trip for him. Nakakapagtampo lang na wala akong alam samantalang dati ay lahat ng nagaganap sa kanya ay alam ko. Well, I guess may kinalaman na iyong hindi nya pagsasabi tungkol sa time na kailangan daw nya.



Nagkibit balikat na lang ako at hinarap na ang pagkain ko. Abala kami sa pagkain nang biglang magsalita si Luke.



"Muntik ko nang makalimutan sabihin na bumalik na ang kinakapatid kong si Natalie sa school from her summer vacation from Paris." sabi ni Luke sa akin na nakangiti ng nakakaloko.



"Sinong Natalie?" curious na tanong ni Dana.



Tumaas ang kilay ko, "You mean si Natalie Talandi?"



Tumawa si Luke sa sinabi ko. "Mismo!" Tapos hinarap nya si David na tahimik lang na kumakain sa tabi ko. "I have to warn you, about her."



"Warn me about her. Why?" halata sa boses at mukha nito ang pagtataka.



"Well..." nag-aalangan na pagsisimula ni Luke habang kinakamot ang batok. Uminom muna ito ng soda nya bago tumikhim.



More Than A Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now