Chapter 41: "Sleepover"

9.9K 261 24
                                    


NP: God Gave Me You by: Brian White

Dedicated to: @

➖➖ ➖➖ ➖➖ ➖➖


Around 8 PM dumating na sa bahay namin si Luke bitbit ang isang overnight bag.



"Janna, lipat muna tayo sa bahay nila Dana tutal maaga pa naman para matulog." aya nya sa akin pagkalapag ng bag nya.



"Okay, nakakabagot naman din dito eh, pero order ka ng pizza ha, gutom na ako." hirit ko sa kanya bago tumungo ng pinto.



"Sure, no problem." sabi nya at sumunod na sa akin.



We made our way towards the huge house of the Antonio twins at nagdoorbell. Agad naman kaming pinapasok ng maid at pinatuloy sa sala kung saan abala ang magkapatid sa panood ng 'Divergent'.



"Sup, Guys!" bati ko sa kanila at sabay salpak sa isang couch. Agad na tumabi si Luke sa girlfriend nito pero bago iyon parang namataan ko na nagsenyasan sila ni David. "Luke, padeliver ka na ng pizza."



Tumango ito at nilabas ang phone at umorder ng pizza. Habang hinihintay namin ang pizza nanood na din kami. The doorbell rang just as the movie ended. I rushed to answer the door. "One pepperoni pizza?" asked the delivery guy.



"Yup." sagot ko at inabot sa kanya agad ang bayad na syempre ay galing kay Luke. Tinignan nya ako ng mula ulo hanggang paa at nginitian ng maloko.



"Nag-iisa ka? Gusto mo ng company?" tanong nya in a suggestive tone. Wow. The nerve of this guy! Mukha ba akong easy lay?



"Do I look like an idiot to you?" mataray na sabi ko sa kanya habang nakataas ng todo ang isang kilay. Mukhang nasindak naman sya sa akin kaya bahagya syang napaatras at sumagot ng, "H-hindi."



"Eh, iyon naman pala. Now kung ayaw mong isalpak ko sa mukha mo itong pizza na hawak ko lumarga ka na." I said in a menacing voice. Agad syang pumihit patalikod at tumakbo sa motor na pangdeliver nya. Pagkapatakbo nya ng motor tsaka lang ako pumihit pabalik sa loob pero bumangga ako sa isang malapad na dibdib. Tiningala ko ang may ari nito na kasalukuyang tumatawa.



"You're so scarry, you know that? No wonder walang maglakas ng loob na pumorma sa iyo." panunukso sa akin ni David.



"I know, right." sabi ko sabay lakad na pabalik sa loob.



We all sat down and ate our pizzas. I was halfway through swallowing my pizza nang magsalita si Luke. "Janna, dito na lang tayo matulog kina Dana."



Tinaasan ko sya ng kilay. "At bakit? Nandyan lang ang bahay ko sa tapat kaya uuwi tayo pagkakain nitong pizza para doon matulog."



"Sorry pinsan pero nasa akin ang susi ng bahay nyo at hindi ka makakapasok doon kung wala iyon." nakakalokong sabi nya.



"Bakit nasa iyo? Don't tell me you took it under the pot."



Ngumisi sya kaya nakumpirma ko ang hinala ko. Bakit ba gusto nya matulog kami dito? Im sure hindi din papayag si David na matulog sa bahay nila ang boyfriend ng kambal nya, di ba? Or so I thought.



"Janna, dito ka na matulog sa kwarto ni Dana tapos sa kwarto ko si Luke." sabi ni David. "Wala naman ibang tao dito maliban sa mga katulong kaya okay lang."



More Than A Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now