Chapter 26: "Beach Babes"

11K 268 22
                                    

Dedicated to: @

➖➖ ➖➖ ➖➖ ➖➖


The following day tahimik lang ako. Hindi pa din ako makaget-over sa live performance ni David at alam kong hindi din nasiyahan sina Luke at Greg sa kinalabasan ng bet. For the first time ang isang Janna Elisse Salvador, natahimik.




"Are you guys free this weekend?" basag ni Dana sa katahimikan.




"Nothing to do but stay at home." sabi ko.




"I am free this weekend." si Greg.




"Ikaw Luke?" tanong ni Dana dito ng hindi ito sumagot.




"I was actually thinking of sleeping pero kung may lakad I can go." kibit balikat na sagot nya.



Dana smiled, "We're going to the beach cause Saturday is my nineteenth birthday. Hmm, actually kami ni David kasi kambal kami."



Ang katahimikan kanina sa paligid ay napalitan ng excitement. Going to a beach on a weekend is sure fun.



"So magkita na lang tayo sa bahay nila Janna ng 10 AM this Saturday. Magcoconvoy tayo so we can show you the way to our private beach."


---------


Dumating sina Greg at Luke sa bahay namin ng mas maaga sa usapan para makapagkamustahan daw sa mommy ko at kay Janno. Pero malakas ang pakiramdam ko na gusto lang nila maki-almusal dahil perfect timing lang sila.



I begged Luke that we ride his car but he flatly said 'NO' to my face. Mainam na daw maiwan ang Bentley nya at yung BMW na lang ni Greg ang gamitin namin. Kadamot na pinsan!



Then at exactly 10, we saw David's car getting out of their garage. Bumisina sya at binaba ang bintana, "We'll lead the way. Just follow us." sabi nya.




After a long drive narating din namin ang private beach na pag-aari nila. It was in Lian Batangas. Naunang pumasok ang kotse ng kambal at sumunod ang kay Greg kung saan kami nakasakay ni Luke.



Nang tuluyan na kaming makapasok at maipark ang kotse lumabas na kaming tatlo bitbit ang mga bags namin. I survey the scene and found out that the place was breathtakingly beautiful. The sands were fine, there were trees and a great landscape sa gitna kung saan may fountain.



Inaya kami ng kambal na pumasok sa beach house dahil mainit na daw ang sikat ng araw. The beach house was huge. It was old-fashion outside but when we got inside I was awed to see that it was designed modernly taliwas sa hitsura nito sa labas.



The walls were painted beige at puro glass ang mga pinto.Yung slidding door sa kanan matatanaw ang beach habang yung sa kaliwa makikita ang isang kidney shaped pool, grill, tables with umbrellas at upuan.




Tinawag ni David ang caretaker. Isang may edad na babae ang lumabas sa may kusina. "Manang Helen, paki samahan po ang mga kaibigan namin sa guest room sa itaas."




"Halina kayo sa itaas mga anak." aya nito at nagpatiuna nang umakyat ng hagdan. Sumunod naman ang dalawa sa kanya.




Hinarap kami ni David. "Dana punta na kayo sa kwarto mo nang makapagpahinga kahit saglit. I'll just go and check kung may supplies pa na kulang." sabi nya.




"Okay, Dave." sabi ni Dana at hinatak na ako paakyat. David just smiled at me ng nilingon ko sya habang umaakyat.



-------



More Than A Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now