Chapter 3: "Janna's Game Face"

15.9K 343 51
                                    


Dedicated to: @sweet_rhyme

➖➖ ➖➖ ➖➖ ➖➖ ➖➖

Tutal sabi ni Miss Dimaculangan I may leave her class so walang problema kung hindi na ako bumalik. Pagkatapos kung manggaling ng clinic dumiretso ako sa canteen since almost lunch time na.


Habang tinatahak ko ang daan papunta sa canteen nadidinig ko ang topic ng mga modern day researchers a.k.a tsismosas na pinag-uusapan ang mga bisita na galing ng SJU. Hindi naman sila nakalunon ng microphones at megaphones sa lagay na iyan. Mukhang ang ultimate goal nila ay ipaalam sa lahat na ang mga Yellow Tigers, SJU teams ay kapisanan ng mga guwapo. 'Wow. Exageration much?', I thought.


Nasagot ang tanong ko ng makapasok ako sa loob ng canteen. And my answer is, yes! Exageration much nga dahil hindi naman lahat ay makokonsiderang guwapo dahil iyong iba ay pasok lang sa category na cute, in my own opininon. But wait, bakit magkasama sa iisang table ang Red Bob Cats at Yellow Tigers. Bonding time ba ito?


I survey the line towards the food counter at nakita kong mahaba ang pila. Hmm, time to set 'JANNA's GAME FACE' on.


Tinapik ko sa balikat ang nakapila sa unahan ko. Mukha syang freshmen at geeky. Lumingon sya sa akin. I put on my mataray look while raising my eyebrow. Mukhang nasindak ko naman sya.


"Y-y-yes?" he ask while stammering.



"Move!" sabi ko habang iminuwestra ang ulo sa kabilang side paalis ng pila para makuha nya ang gusto kong ipahiwatig. Fast learner si Toto dahil nagets nya ako at nagmamadaling umalis sa pila. Sa tingin ko sa Gent's CR ang diretso nya dahil sa hitsura nya na mukhang maiihi na. Next victim. Hmmm, mukhang malabong masindak kaya enter face number 2.


Tinapik ko sya sa balikat. Nagtatakang nilingon nya ako pero ngumiti sya ng makitang magandang babae ang tumapik sa kanya. Sabi na nga ba at si next victim ay mahilig sa girls. I smiled at him and batted my eyelashes.


"Hi, I'm Tara." pekeng pakilala ko.


"My name's, Paul." pakilala nya.


I used my flirtatious tone and said "Pwede bang makahingi ng favor? You see my friends over there asked me to bring a cute guy to sit and eat with us." sabay turo sa pwesto ng grupo ng mga babae na tila fanatic nila Ever Bilena at Avon sa medyo may kalayuang table.


"Talaga? So gusto mo na isama ako sa table ninyo?" he said smirking. Lihim kong pinigilan iikot ang mga mata ko sa ginawa nya. Feelingero masyado pasmirk-smirk pa porket may hitsura.



"Kung okay lang sana sa iyo. Pero kasi may time limit iyong offer kaya pwede sana mauna ka na sa akin doon sa table para naman makapagpakilala na sila sa iyo." sabay kindat.


"Sige." sabi nya at lumakad na papunta sa may kalayuang table na tinuro ko kanina.


Hindi ko maiwasang matawa ng mahina sa ginagawa ko for the sake of my hunger. Ang taong gutom nga naman kahit sa patalim kakapit. Next stop. Babae at mukhang junior din tulad ko. May hawak syang suklay at salamin. Tssk! Vain I guess. I tapped her shoulder. I seem to be tapping a lot of shoulders already naisip ko.


"Yes." she said raising an eyebrow at me.


"Excuse me, Miss pero kasi iyong friend ko na si Paul. Iyong nakapila dito kanina sa likod mo. He told me that you look hot and that he wanted to ask you out kung papayag ka. I volunteered to tell you kasi alam mo na medyo mahiyain iyon especially to pretty girls like you." sabi ko sabay turo doon sa Paul na hindi pa masyado nakakalayo sa pwesto namin kaya nasipat pa sya ni Miss Vain.


Mukhang nagustuhan naman nya ang nakita nyang hitsura ng itinuro ko kaya ngumiti sya sa akin. "Tapos ano daw?" sabi pa nya.


"Hihintayin ka daw nya ngayon sa may bench area malapit sa entrance ng faculty para maka-usap ka ng solo."


"Okay. I will go there na." sabi nito at umalis na agad ng pila.


I survey the line at nakita kong tatlo pa bago ang inaasam kong unahan. Pero desidido akong marating iyon nang makakain na ako ng lunch. 'Fighting, Janna!', I encourage myself internally. Next stop. Babae ulit at namumukhaan ko si ate kaya it will be as easy as ABC for me. Tinapik ko sya sa balikat. Nilingon nya ako at binigyan ng blanko na tingin.


"Bakit?" tanong nya.


"Di ba officer ka sa Drama Club? Iyong babae kanina dito, isa syang transferee and we had a little chat habang nakapila. She mentioned that she wanted to participate in your club kaya tinanong nya ako kung saan ang office so I gave her the directions but since bago lang sya SAU baka maligaw sya sa paghahanap." sabi ko using a concern face.


"Ganun ba? Sya ung palabas ng door, di ba?" turo nya kay Miss Vain.


"Oo. Excited daw kasi syang maging member ng Drama Club."


"Sige sundan ko sya. Kawawa naman at baka maligaw." sabi nya at nilisan na ang pila. Nagdiwang ang kalooban ko ng tuluyan na syang makaalis mula sa pila.


After putting on two more game faces sa wakas ako na ang magbibigay ng order kay manang. I ordered spaghetti, pizza, brownies, sundae with an extra cheeries on top and pepsi. Hindi ako patay gutom maniwala kayo. Sadyang nagugutom lang ako kaya napadami ang order ko ng pagkain kaya naman don't judge me. After all tao lang ako at nagugutom din.


On the side are Greg, Janna & David -------->


To be continued...


VOTE, COMMENT, SHARE ^__^V

More Than A Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now