PROLOGUE:

32.4K 447 53
                                    


Dedicated to: @HippityHoppityAzure

* * * * * * * *

AUTHOR's NOTE:

I decided to write a story here in wattpad because I got inspired by my friends who shared their great stories here.

▪️ Sabi ng frendship ko na si @aLexisse_rOse lumalawak na daw ang imahinasyon ko kaya why not give it a try

▪️ Sabi naman ng kambal ko na si @Cassandra210 malay mo di ba kaya mong magsulat

▪️ Sabi naman ng mare ko na si @cyrhel01 magsulat na din daw kami para hindi lang reader ampeg namin

Surprise ko naman ito sa mga kumare ko pa na sina:

▪️ @HippityHoppityAzure na alam ko na matutuwa sa pagsusulat ko na ito kasi ibig sabihin lang noon meron na akong magawa sa buhay at hindi na lang "that's my tambay" hahaha

▪️ @WalkOver na I'm sure laging magiging pilar of salt ko, naks! Kasi sya ang numero unong magiging FAN ko sapilitan much lang 😄

▪️@geuege_minchin-L ito na yung sinasabi ko sau na tungkol kay L


I❤️U ALL GUYS

* * * * * * * *

Nasasabik sa unang araw ng eskwela

Taas kamay with confidence,

Lets do the first day high.


Umaapaw sa talino,

Do the brainy high,

Kung mayaman si papa,

Do the sossy high,

Pagmahilig ka sa sports,

Do the MVP high,

Kung cool ka at astig,

Do the rebel high,

Pag solid sa bait,

Do the nice guy high,

itaas ang kamay


Today is my first day as a junior in college at hindi ako nasasabik tullad ng sabi ng kanta na kasalukuyang tumutugtog sa kuwarto ko. Tinignan ko ang deskclock ko. 7 AM. Good! May natitira pa akong isang oras para kumain at mag-commute papasok sa school.


I don't really dress up. Pumapasok ako in casual clothes o kahit anong damit na maisipan ko which depends on my mood. I tied my hair in a pony tail at humarap sa salamin.


In my own opinion I looked fine. Nakasuot ako ng Sponge Bob na baby-tee saying "Aye! Aye! Captain." My shirt definitely ROCKS! A faded jeans na hindi masyadong fitted para hindi ako pag-initan ng mga manyakis sa daan at hindi rin naman masyadong loose para hindi ako mapagkamalang member ng hip-hop. My shoes were the same, worn out but comfy.


My face was well, still beautiful cause baby I was born that way. And with that thought I can't help but laugh so hard that it echoed inside my room. Lumabas ako ng kuwarto at bumaba para dumiretso sa dining.


"Morning, My." bati ko sabay yakap ng mahigpit sa kanya.


"Janna Elisse!" sigaw nya dahil nahirapan syang huminga sa klase ng pagkakayakap ko sa kanya. "Kumain ka na at baka malate ka sa first subject mo."


Kumuha ako ng pancake at mabilisang kumain at nang matapos ako dinampot ko ang perang ipinatong ni mommy sa lamesa at binulsa tapos kumuha ako ng isang naka-prepare na sandwich at inilagay sa bag ko para may makain ako habang nagcocommute. Nakakagutom din kaya ang 45 minutes na byahe ko papuntang school.


"Bye Mommy." Paalam ko sa ina.


Paglabas ko ng gate namin bigla akong napanganga sa dalawang sasakyan na nakaparada sa harap ng malaking bahay sa tapat namin.


"Wow, bigtime ang new neighbors ang astig ng cars."


The cars was a red Mini Cooper and a blue Audi R8. I know dahil sadyang suki ako ng google search pagdating sa kotse dahil pangarap kong makapag-drive ng sarili kong sasakyan kaso sabi ng parents ko they will buy me a wheels pag-graduate ko pa ng medicine. 'Naman! Ilang taon pa ang hihintayin ko para doon dahil third year pa lang ako sa pre-med course ko na BS Biology.', sabi kong nanghihinayang sa sarili ko. My parents wanted me to be a doctor just like my daddy.


I looked at my wrist watch. 7:30 AM. Patay! Kailangan ko ng magmadali at baka malate pa ako sa first subject ko na 9 AM. Binilisan ko ang lakad ko para marating agad ang labasan ng village and when I was about to cross the road muntik na akong mahagip nang isang AudiR8 na galing din sa loob ng village namin. Walang poise na napaupo ako sa gilid ng kalsada. Bwisit! Kaskasero ang driver.


"Ma-flat sana ang gulong mo, yabang!" Sigaw ko sa nagpupuyos na damdamin.

On the side are the cast of characters ----->


To be continued...


VOTE, COMMENT, SHARE ^__^V

More Than A Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now